RHOD'S P.O.V.
hindi din ako makapaniwala ng pagbintangan si Miyo na sya ang kumuha ng flashdisk ni Ma'am..hindi ko alam kung pano ko sya tutulungan hanggang sa ipinagtanggol sya ni Kevin.wala talaga akong silbi!kahit naman nakipaghiwalay ako mahal na mahal ko pa din sya..yun nga lang kailangan kong lumayo dahil ako yung nagbibigay sa kanya ng sama ng loob..
nung bumalik sya mas lalo akong naawa sa kanya..walang gustong dumikit o makipag usap sa kanya maliban lang sa barkada..pero sinaway sila ni Miyo at baka pati sila madamay..
siguro na bored sya kasi antagal ng teacher namin kaya lumabas muna sya..labas masok din naman yung iba naming classmates..
pero ang nakapagtataka di sya nakapasok sa second subject namin.hanggang sa mag recess na di pa din sya bumabalik..ang inisip ko na lang baka nasa isang lugar sya na pede syang umiyak..
hahanapin ko sya pero bago yon ay tinawag ako ng kalikasan..paglabas ko ng cr ng lalake nagkakagulo yung mga girls sa cr ng babae..naka lock kasi..tapos narinig ko ang boses ni Miyo sa loob na humihingi ng tulong..
sabi nung isang estudyante mga isang oras na sigurong naka lock yung cr.kasi kanina pa sya pabalik balik dito..so kanina pa naka lock si Miyo?dapat pala kinutuban na ko! nagmadali akong pumunta sa bodega ng mga janitors para makahiram ng bull cutter..pero pagbalik ko andun na si Kevin..sinisipa yung pinto.sino sya sa akala nya.si super man?
ibinigay ko na sa kanya yung bull cutter.ng ok na umalis na ko..mas mabuting hindi na malaman ni Miyo na may ginawa ako para sa kanya..mas mabuting isipin nya na wala akong pakialam para limutin nya na ako.
pagbalik sa room maya mayang konti ay in announce ni ma'am na walang kasalanan si Miyo at nahuli na yung salarin..agad namang naglapitan yung mga classmate namin na halos di makalapit at kausapin si Miyo..humingi sila ng sorry lalo na si Stephaney na syang pasimuno kanina..
natutuwa ako at nalinis ang pangalan ni Miyo.
at dahil hindi naman sya suspended papasok sya bukas..---
kinabukasan..pinagkakaguluhan si Stephaney..ang ganda kasi ng gold necklace nya.mukhang mamahalin at elegante na kinainggitan ng lahat ng makakakita..
magkasama na naman nga pala sila Kevin at Miyo.di na ko dapat magtaka.si Kevin na ngayon yung protector nya..
--
pe class.pinapunta ulit kami sa court.this time basketball naman..pero wala si sir.maglaro lang daw kami..yung ibang boys andun sa kabilang ring.sa kabila naman yung mga girls na hindi alam maglaro ng basketball at isa na doon si Miyo.si Kevin halatang pumoporma na..tinuturuan si Miyo kung pano hahawakan yung bola..ang cheessy!ayokong panuorin..paalis na ko ng habulin ako ni Stephaney.
"Rhod.busy na kasi yung mga boys dun sa kabila.baka pede mo kami turuan mag basketball?" tanong ni Stephaney sabay turo sa 12 na classmate kong babae..
"a,e.sige..!" mabait naman ako..saka para mawala yung destruction..
habang busy ako sa pagtuturo kayla Steph alam kong nakatingin si Miyo..gusto kong makalimitan nya na ko kaya kailangan kong gawin to..patawad Miyo..
inalalayan ko si Steph sa pag shoot ng ball at naishoot nya..masayang masaya syang nakipag apir sa akin..
yung next naman na itinuro ko yung pag dribble..ang hirap mag turo sa mga girls..panay arte kasi nung iba..napatingin tuloy ako sa side nila Kevin at nachallenge ako.ambilis matuto ng iba..lalo na si Miyo..itinuturo naman ni Kevin ang tamang pag pasa ng bola..
"Rhod! tama ba itong ginagawa namin?!" oops..di ko na napansin ung tinuturuan kong mga girls..
"a!oo.tama yan.pagpatuloy nyo lang!" sabi ko at napatingin naman ulit ako kayla Miyo..tapos na sila sa training at naghaharutan na lang sila..dinidipensahan ni Kevin yung bola kay Miyo..si Miyo di nya masundan si Kevin kaya nagmukmok na lang.nung lapitan na sya ni Kevin kinuha nya yung pagkakataon para mabawe yung bola..
BINABASA MO ANG
BARKADA
Teen FictionAng hirap bumuo ng mga bagong kaibigan dahil palipat lipat ka ng school dahil sa trabaho ng magulang mo.pero makalipas ang ilang taon magbabalik ka kung san nagsimula ang lahat.. yung mga kaibigan mo kaya dati ganon pa din kaya ang turing nila sayo...