BARKADA
CHAPTER 65
Forgiveness
--------------------------------------
dedicated to parekoy11
-------------------------------
MIYO'S P.O.V.
ilang araw na ang nakalipas.wala pa ding pinagbago.nasasaktan pa din ako pag nakikita kong magkasama yung dalawa.naaalala ko pa din yung nakita ko nung mismong araw na yon.
nararamdaman kong gusto akong kausapin ni Rhod sa mga titig nya.gusto ko din syang kausapin ang kaso natatakot ako sa pwede nyang sabihin.ayokong marinig na niloloko nya lang pala ako..nasasaktan ako..oo..masakit na malaman na pinagpalit ka sa iba ng mahal mo.
salamat sa barkada na tumutulong sa akin na malagpasan ko kung ano yung pinagdadaanan ko ngayon..lagi nila akong inaaliw.pinapalakas nila yung loob ko.salamat din kasi nandyan si Rhonel.naikwento nya sa akin yung side nya.ayaw nya daw akong matulad sa kanya na sya na lang daw pala ang hindi nakakaalam na niloloko na pala sya.
about naman sa hair ko.hindi ko din alam kung bakit ko ginupit yung buhok ko.pero ok na to.new look.parang new me.gusto kong magpakatatag.yung magseryoso na sa mga bagay bagay.baka kaya ako ginaganto ay dahil sa good image ko na pwede akong kawawain..
'Miyo,sabi ni ma'am punta ka daw ng faculty.' sabi ni Kanata
'bakit daw?' takang tanong ko.
'about daw dun sa poster na ginawa mo.isasali ka daw ata sa competition..' kwento ni Kanata.
last subject na namin at mag uuwian na.bigla ko tuloy na miss yung ganto.pag mag uuwian na i mean pag uwian na magkasama kami ni Rhod pauwe.dala nya yung gamit ko at HHWW kami.
pero speaking of Rhod parang di ko pa sya kayang harapin kahit gusto kong magkausap kami..hindi ko pa kaya..ayoko.
'ah!' may biglang tumulak sakin..biglang bumukas yung computer room kaya dun ako napasubsob.bigla nilang isinara yung room kaya nakulong ako.sa bilis ng pangyayare di ko nakilala yung gumawa sakin nito..
'lagot kayo sakin pag nakalabas ako dito!' asar kong sabe..wow!nagiging bad girl na ko.naghahamon na ako ng away.huhu..anlaki na ng pinagbago ko..
tinatry kong i unlock yung knob kaso hindi naman yung knob yung naka lock.may padlock ata or something sa labas at di ko kayang buksan kasi nasa loob ako.
naupo na lang ako..wala din naman kasing makarinig sakin kahit magsisigaw ako...nag iisip ako ng plano kung pano makakaalis dito ng marinig kong may taong padating..napatayo ako at akmang lalapit sa pinto ng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Rhod.isinara ulit nila yung pinto at nilock sa labas..
'mag usap kayo ay sana magkasundo na at maging ok na kayo!' sigaw ng pamilyar na boses..
anong ibig sabihin nito?algam ko galit sila kay Rhod dahil sa ginawa nya sa akin.e bakit magkasundo or bati na ata sila?pinaglalaruan ba nila ako?
naupo na lang ulit ako sa inupuan ko kanina.ayoko syang pansinin kaya yumuko ako sa desk..tahimik lang din sya kaya kinakabahan ako..ang awkward ng feeling.
'Miyo' tawag nya sakin
hindi ako kumibo o gumalaw man lang.ayoko syang kausapin kahit miss na miss ko na sya..biglang pumasok sa isip ko yung mga nangyare kaya naiyak akong bigla..akala ko matapang at matatag na ako..hindi pa pala.mahina pa din ako at maramdamin..
'sorry.sorry sa lahat!binigyan kita ng sama ng loob!'sabi nya na may malungkot na boses..
ako? umiiyak pa din.ang sakit kasi sa part ko.niloko nya ako.
ramdam kong lumapit sya sa akin at niyakap ako.umiyak na din sya.
'maniwala ka sa akin.hindi kita niloko.hindi lang tayo nagkaintindihan..' sabi nya.
ayokong marinig yung mga pinagsasasabi nya..ang sakit..parang ayaw kong maniwala.
'nakita ng sariling mata ko!ano pang ipapaliwanag mo!!' pasigaw kong sabi.
'montik ng masagasaan si Heidi kaya hinila ko sya.napayakap sya sa akin kasi takot na takot sya.yung tungkol naman sa sasakyan;inutusan ko syang magpasundo na sa driver nya.mauuna na akong umuwe ang kaso mapilit sya.may utang na loob daw sya sakin dahil niligtas ko sya..' paliwanag nya
'e bakit ng prom magkayakap na naman kayo? ang sweet nyo.kitang kita namin lahat yung nangyare.' mataas pa din yung boses ko.
'na out of balance sya kaya sinapo ko sya.hindi ko din alam kung bakit nya ko niyakap.pls.maniwala ka.after non hinanap kita tapos yun na nga yung nagalit ka...' paliwanag nya..
'ang sakit Rhod.sobra akong nagtiwala kasi sobra kitang mahal.tapos makikita ko may kayakap kang iba?' sagot ko.
'sobra din kitang mahal.sabi ko nga hindi kita kayang lokohin.kahit buhay ko kaya kong ibigay sayo.nakalimutan mo na ba yon?' tanong nya.
naalala ko bigla yung nangyare sa rooftop pagkasabe nya non.kaya nasaksak si Rhod ay dahil pinili nya ako kesa kay Lara.lumambot bigla ang nagmamatigas kong puso.
'maniwala ka sa akin Miyo.di ko alam kung sino ang may kagagawan nito para sirain tayo.pag nalaman ko kung sino amg may gawa nito malalagot sya sa akin!' pagbabanta nya..
naniniwala na ko sa kanya.
'naniniwala na ko sayo Rhod.sorry kung nawalan ako ng tiwala sayo.nabulagan ako sa mga nakita ko.natakot ako na niloloko mo lang pala ako at natakot din akong makaharap ka..!'sabi ko.
niyakap nya ako at niyakap ko din sya.
'mahal na mahal kita Rhod' sabi ko ng naiiyak.
'mahal na mahal din kita.magtiwala ka sa akin..'sagot nya.
'sorry pinag isipan kita ng hindi maganda.' sabi ko.
'tapos na iyon.ang mahalaga ok na tayo!' sagot nya
biglang bumukas ang pinto at bumungad samin ang barkada..mukhang back to normal na ulit lahat..sinalubong ko ang barkada ang kaso..
'blag!!'
---------------------------------------------
[A.N] sori super late update.khit mahirap sinubukan ko ng mag type sa phone.hehe..kaya ayan na..tnx sa mga nag iintay ng update..ü
sori sa spacing at type errors..
ayan..ok na ang barkada..kaso ano yung 'blag?' abangan..
comment..
vote..
BINABASA MO ANG
BARKADA
Teen FictionAng hirap bumuo ng mga bagong kaibigan dahil palipat lipat ka ng school dahil sa trabaho ng magulang mo.pero makalipas ang ilang taon magbabalik ka kung san nagsimula ang lahat.. yung mga kaibigan mo kaya dati ganon pa din kaya ang turing nila sayo...