CHAPTER 24 | FEELING SAFE

511 20 3
                                    

BARKADA

CHAPTER24

feeling safe

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MIYO'S P.O.V.

halos isang linggo din kaming di pinansin ni Ems..lalo na ko.ni di nga nya ko matignan..

tuwing lalapitan ko sya at sasabihing may sasabihin ako nagdadahilan sya tapos kunware may gagawin.

di na namin sya kasabay mag breaktime at lunch..nakakapanibago..ano kayang problema nya?tapos dati dati naman sabay kami pag magpupunta sa club namin..ngayon ako na lang mag-isa..anlayo nya.parang ayaw nya kong tabihan..pag-uwian naman kaming 3 nila Rhod yung magkakasabay..dahil di na ko hinahatid ni Ems si Rhod na lang yung naghahatid sakin..ganun din pag breaktime..yung mga ginagawa ni Ems ginagawa na din ni Rhod.

hindi pa din ako susuko..kaylangang magkausap kami ni Ems kung anong problema nya..lalo na sakin..anlaki ng pinagbago nya..halos lahat naman napapansin na ang cold nya sakin..

so dahil wala namang pasok..nandun man sya o wala..aantayin ko sya..

nagpunta ko sa bahay nila Ems.mga2:30 pa lang.nag do doorbell ako pero walang lumalabas.

nung una akala ko wala sya..pero ng makita ko yung kwarto sa taas na may ilaw alam kong nandun sya..di ako uuwe hanggang di kame nag-uusap..

paikot ikot lang ako dito sa may labas ng bahay nila Ems..di nya pa din ata naririnig yung pag doorbell ko..baka nasira ko na..

medyo napapansin kong nagdidilim yung langit kaya medyo kinakabahan na ko..

di pa din ba nya ko pagbubuksan?galit p din ba sya sakin?

pati tuloy ang langit nakikisabay sa pagtatampo ni Ems..at ayan na nga..umaambon ambon na..

wala pa naman akong dalang payong..

kaya di ko tinigilan yung pag do-doorbell..alam kong nandyan sya sa loob at ayaw nya kong makita..pero kaylangan ko na talagang mag-sorry sa kanya at kailangang mapag-usapan to dahil pati ang barkada nadadamay na sa tampo nya sakin..

ayan!!basa na ko..di pa din ba nya ko pagbubuksan?

*kulog*

napasigaw ako..nanlambot agad yung tuhod ko..

E-ems..di mo pa-pa din b-ba  ko papansinin?lumaba-bas ka na dyan..na-natatakot na ko dito..!!

*kulog*

di ko pa din  talaga mapaglabanan tong takot na to..di ko na matutupad yung sinabi kong hihingi ako ng sorry ngayon sa kanya..sorry pero kailanangan ko ng gawin to..

natatakot na talaga ko..hindi ako lumalabas ng bahay pag alam kong may bagyo..wala naman ibinalitang may bagyo wa?

*kulog*

sa takot ko naiiyak na ko..

anlakas pa ng ulan..di ko mapigilang di mapahinto at mapa pikit pag kumukulog at kidlat..

bata pa lang ako ganto na ko..ang kailangan ko ngayon maka hanap ng pwedeng pagtaguan..yung feeling ko safe ako..

pero pano to?anlayo pa ng bahay namin..yung cellphone ko basa na kaya di ko pwedeng buksan..baka mas lalong masira..

*kulog*

natatakot ako!?di ko alam kung san ako pupunta?andilim ng paligid tapos nilalamig na ko..huhu..bakit ngayon pa umulan..somebody help me..gusto ko ng umuwe..

BARKADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon