RHOD'S P.O.V.
tinanggal nya yung tali ng kamay ko at pinasunod sa kanya..
"pakawalan sya!" narinig kong utos ni Lara at tinanggal yung tali sa kamay,bibig at mata ni Miyo..
ansama nya..lalo lang akong nagalit sa kanya..wala na sya sa tamang pag iisip..pero wala akong choice kundi ang sumunod sa kanya..
itinulak nila si Miyo at napasubsob ito..napahinto ako sa nangyare.
"Miyo!" gusto ko syang tulungan..
"no!" sigaw ni Lara ng mapansing palapit ako kay Miyo kaya napahinto ako..
"dont leave me!" sabi nya na parang bata..wala akong nagawa kundi ang sumunod..masyadong delikado..
*idea*
sinabayan kong maglakad si Lara..at ng makakuha ako ng pagkakataon,pinormahan ko sya..yung braso ko na sumasakal sa kanya.naagaw ko din yung hawak nyang baril..
"stop this!" sigaw ni Lara.
"no!you stop!" ikaw ang tumigil sa pinaplano mo..
"ibaba nyo ang armas nyo kung ayaw nyong patayin ko ang amo nyo!" utos ko.nagdadalawang isip pa sila..
"i thought.i thought your coming back with me.bakit?" paawang sabi ni Lara.
"im sorry!'' sagot ko..
"ibaba nyo yang sandata nyo!" utos ko ulit.bakit ba ayaw nilang sumunod..
"hahaha!" at tumawa pa sya..
"ok..kill me if you want!patayin mo ko!tutal mukhang kayang kaya mo naman!" di ko alam kung tinatakot nya ba ako o ano..
"ibaba nyo ang mga sandata nyo!" for the third time..bakit ba ayaw nilang sumunod?
pero nagulat ako ng bigla nilang ibagsak sa sahig yung mga baril nila.
kinakabahan ako pero tingin ko nakuha ko na ang alas.."amin na si Miyo!" sigaw ko kay Steph.mukhang takot na takot sya at sumunod naman agad..
papalapit sila ng papalapit.konti na lang maliligtas ko na sya!!halos magkaharap na kami..yung tipong magsosolian ng hostage..
"now!" sigaw ni Lara.at biglang nabaligtad ang sitwasyon..hinila paharap ni Steph si Miyo at sinaksak nya ito..
bumagsak si Miyo..di ko alam ang gagawen.kasalanan ko ito!nanlambot ako at nakawala si Lara..wala na akong pakialam kung patayin nya na ko..kung mawawala si Miyo para san pa ang buhay ko.?
"sabi sayo!this time success na ang plan natin!" at tumawa si Lara..
hindi ito dapat nararanasan ni Miyo.lagi na lang syang napapahamak..
"kung sinunod mo lang ang gusto ko walang mangyayareng ganyan!" para bang kinokonsensya nya ko..
nagulat ako ng may naglapitang 3 lalake kay Lara at may ibinulong.halata sa mukha ni Lara na parang madedehado sya.posible kayang andyan na ang tulon na kailangan namin?
"tara na!" utos ni Lara..
nagulat ako ng bigla na lang akong sikmuraan ng 2lalake at binitbit ako.
nakatingin lang ako kay Miyo..kasalanan ko na naman ito!wala akong kwenta..so isasama nila ako sa pagtakas nila..maiiwan si Miyo?patawad Miyo..nawawalan na ko ng pag asa ng biglang..
"napapalibutan namin kayo!" sigaw ng pulis.
mas binilisan nila ang lakad hanggang sa tumatakbo na sila..
"this way ma'am!" at talagang napaghandaan nila ito?
"stop!" at bigla kaming napalibutan ng pulis.parang sa pelikula..nakita ko din sila Kevin..
"iligtas nyo si Miyo.delikado ang lagay nya!" sigaw ko kay Kevin..at nagmadali silang nagpunta duon..
agad naman akong tinutukan ng baril.ako ngayon ang hostage..ibababa na sana ng pulis ang mga baril nila ng..
"wag nyong ibaba!" sigaw ko..at napigilan ko sila..
"di ako natatakot.kung mamatay man ako ok lang basta mahuli lang ang may gawa nito.kaya pakiusap!" sigaw ko.seryoso ako.hindi na ako natatakot..
mukhang ang mga binitiwan kong salita ang nagpatibay sa mga pulis..nababagalan ako sa mga pangyayare kaya itataya ko ang sarili ko..ako na ang gagawa ng unang hakbang..
alam ko ang pwedeng mangyare..ito na lang ang naiisip kong paraan para matapos na ito..
buong natitirang lakas ko ay ginamit ko para makawala sa may bitbit sakin..siniko ko sya at itinulak..nakawala ako at agad tumakbo papunta sa mga pulis..
*bang*
napadapa ako at patuloy kong narinig ang palitan ng putok ng baril..nagtakbuhan ang mga pulis.nakikipaghabulan na sila ngayon.
nagsasara na ang mata ko.piling ko naparalisa ang buo kong katawan..hindi na ko makakilos.pero ramdam ko ang sakit..ganto ba ang nararamdaman ng mamamatay.?
_________________________________________
KEVIN'S P.O.V.
umabot pa kami..pero huli na..hostage si Rhod samantalang nasaksak naman si Miyo..agad namin syang dinala sa hospital.gising sya at namimilipit sa sakit.mas gusto nyang iligtas namin si Rhod kesa sya ang asikasuhin namin..
nagpupumilit sya at ayaw huminahon..nagulat na lang kami ng bigla syang tumigil sa pangungulit at pag tingin namin nakapikit na sya..
nakaramdam ako ng takot..at mas binilisan ang pagmamaneho..baka maubusan na sya ng dugo..sana lang ay ok si Rhod..
*ring*
"yes.oo.mabuti naman.oo.sige..sa pinaka malapit na ospital kami papunta.ok.salamat.." at ibinaba ko na.
"ang sabi?" tanong ni Ems.
"nahuli na sila.!ang kaso.."
"ang kaso ano?" tanong nya.siguro nakakutob na din sya.
"may tama si Rhod.papunta na din sila dito.." sagot ko.kadarating lang namim sa ospital.
tinulungan kami ng mga nurse..pero hanggang sa labas lang kami..after 35 mins.dumating ang mga pulis kasama si Rhod..parehas sila ngayong nasa ICU.
tinawagan ni Ems ang barkada nya at ang mga magulang ng dalawa..
________________________________________
EMS P.O.V.
grabe na ang nangyayare sa mundo.basta may pera ka,kaya mo ng gumamit ng tao para gumawa ng masama.
nandito ako ngayon.kasama si Kevin.nag iintay ng resulta.ng bigla silang dumating..tulad ng nangyare dati mas lalong halos manlambot at mataranta ang magulang nila..
ng makita ko si Jaymie.gusto ko na sana syang kausapin.ang kaso hindi pa ito yung tamang panahon..iintayin ko munang maayos ang sitwasyon at yung sa aming dalawa naman ang aayusin ko.

BINABASA MO ANG
BARKADA
Novela JuvenilAng hirap bumuo ng mga bagong kaibigan dahil palipat lipat ka ng school dahil sa trabaho ng magulang mo.pero makalipas ang ilang taon magbabalik ka kung san nagsimula ang lahat.. yung mga kaibigan mo kaya dati ganon pa din kaya ang turing nila sayo...