PART 2 CHAPTER 12

108 6 0
                                        

EMS P.O.V.

1 week na ang nakalipas simula nung nag retreat kami..hmmm..di ako nag enjoy..asar!maliban don sa hindi natuloy yung test of courage,etong Alexandre na to sinusubukan talaga ako e.masyadong papansin..

sino bang nasa katinuan ang eepal kung alam mo ng may boyfriend pala yung pinopormahan mo?

mali!

wala sya sa katinuan kaya nagagawa nya yon!

isa syang baliw!

napalibot ang mata ko kaya napatingin ako kay Miyo..tapos lumapit si Stephaney.halatang iwas si Miyo sa kanya..pero si Stephaney panay ngiti dito..

oo nga pala..Sya kasi ang dahilan kung bakit masama ang loob ni Miyo kay Rhod.pero ngayon ok na sila..nung last day namin ng retreat may benda yung likod ni Rhod.tapos si Stephaney naman yung sa may sakong nya..aksidente ang nangyare.di tulad ng iniisip ni Miyo na may ginagawa sila sa tago at madilim na lugar.

"jay,tawag daw tayo sa faculty!" tawag ni Alexandre kay Jaymie..bumalik na naman yung pagkaasar ko..next time na ko magkukwento.wala na ko sa mood.

"sabi ng wag mo kong tawaging Jay!!ansagwang pakinggan..di bagay!!" reklamo ni Jaymie.. ewan ko pero di ako natutuwang nag uusap sila kahit pagalit pa syang makipag usap kay Alex.pwede bang wag na lang nyang pansinin..kasi..

"ang cute mo pag naaasar ka! ok... i will call you Mie ,o kaya MiMi o di kaya Mine"

Aba! at talagang nagpapa cute pa tong baliw na to!!asar..

tapos umalis na si Jaymie..

"intayin mo ko MiMi!sabi ni Ma'am sabay daw tayong pumunta!" nagsisisigaw si Alenandre ng tumatakbo..asar!ano bang gagawin ko para wag na nyang pormahan si Jaymie.

*idea*

humanda ka!tatalunin kita..

____________________________________________________

JAYMIES P.O.V.

ayun..kinausap kami ni Ma'am..challenge lang pala kay Alex yung pagtututor ko sa kanya...maganda daw ngayon ang improvement ni Alex..kaya pede ko na syang bitawan..

"pero ma'am.kailangan ko pa din si Jaymie..magaling syang magturo..gets ko agad!" paliwanag nya..

"pede ka pa din naman turuan ni jaymie..pero wag mong iasa lahat sa kanya..kailangan mo ng tumayo sa sarili mo.." o yes! thank u ma'am

"tama yon..di forever lagi tayong magkasama..pano pag nag college ka na..?" sumbat ko pa..

aalis na sana kami ng..

"kailangan mong pagbutihin ngayon Alex..gusto namin na mkagraduate ka na ngayong taon na ito.pag di ka nakapasa ngayon di din namin papa akyatin si Jaymie sa stage!" pahabol ni ma'am..

what?

"pero ma'am!" reklamo ko..

"sige na.magsisimula na next subject nyo!"

huhu..asar..ibig sabihin nakasalalay kay Alex kung gagraduate ba ko o hindi?

"hoy Alex!umayos ka..ayokong maiwan ng batch natin!" singhal ko sa kanya..

tahimik lang sya..ewan pero biglang parang binagsakan sya ng langit at lupa..

"uy!" tapos binatukan ko sya..

"ouch!" tapos napaupo sya ng nakahawak sa ulo nya. sorry..di naman sadya.ikaw kasi e..ayan tuloy nagiging brutal ako..

"uy,ok ka lang ba?sorry!" sabi ko habang hinihimas ko yung ulo nya..maiiyak na sana ko ang kaso

"ouch!" binatukan nya din ako tapos nginitian..

"kala mo kung mapano na ko no?" pang aasar nya..

"hindi no?!dapat lang sayo yan.." tapos tinakbuhan ko sya..

para kaming batang naghahabulan..

___

2 weeks ang nakaraan

parang may something..basta may kakaiba..si Alex di na katulad ng date..ewan..di na nya ko kinukulit..tapos parang iwas na sya sakin..

parang ibang alex na sya..at nagsisipag na sya sa pag aaral..tumatalino na sya? YES! pag pinagpatuloy nya yan gagraduate na ko..

pero di ko maiwasan di malungkot..nakakamiss din pala yung laging may nang aasar sayo..pero bakit nagbago na sya.masyado syang pormal.di ako sanay ng tahimik sya..

wag kayong epal..napalapit na kasi ang loob ko dyan kay Alex.di lang halata..ibig sabihin nito back to normal na kami ni Ems..wala na syang pagseselosan..nito lang sobra nya ata akong namiss kaya sobra kung maglambing..

hmm...dadaanan ko sya ngayon sa music room para panoorin yung practice nila..pero iba yung napanuod ko..

"i love you Ems!" sabi ni bianca at hinalikan sya..

para kong naging estatwa..unti unti ng bumagsak ang mga luha ko..tinakpan ko yung bibig ko para di nila marinig yung mga hikbi ko..

"stop it Bianca!" tapos inilayo ni Ems ang sarili nya.pero si Bianca parang desperado at lumapit pa kay Ems.

di na ko nagpapigil at pumasok sa music room.halatang gulat na gulat ang dalawang taong nasa harapan ko.

nilapitan ko si bianca at di ko napigilang sampalin sya..umalis syang dala ang kahihiyang bigay ko.as for Ems.sinampal ko din sya..sana umiwas na sya..e hindi e.mukhang nagustuhan nya yung halik ni Bianca.

gusto ko ng ibuhos ang iyak ko at ayokong ipakita sa kanya kaya aalis na ko.pero pinigilan nya ko..

"Jaymie,let me explain!" sabi ni Ems na nagmamakaawa.di ko sya pinansin dahil sapat na yung mga nakita ko..

palabas na ko pero hinila nya ko at hinalikan.nanlaki yung mata ko dahil hinalikan nya ko sa labi.hindi ako natuwa sa ginawa nya kaya kumawala ako sa pagkakayakap at halik nya.sabay sampal.

di ko na talaga mapigilan ang luha ko.umalis akong walang sinasabi sa kanya..di ko alam kung san ako pupunta..kahit saan basta makalimutan ko muna kung anong nangyare ngayon..

naalala ko yung halik ni Ems sakin!di ako natutuwa..iyon kasi yung first kiss ko at sapilitan pa..di man lang sya nagpaalam!oo.sige na..isip bata ako..oo.boyfriend ko si ems pero bawal yon..kiss sa cheeks lang..gusto ko kasi pag hinalikan nya ko kapag kasal na kami..

may nabunggo ako pero di ko alam kung sino.basta derederetcho lang ako sa pagtakbo..

ayaw ko pang umuwe kaya dito ko napadpad sa park..mahapdi na yung mata ko pero ayaw padin tumigil ng luha ko hanggang sa may nag abot sakin ng panyo..

pag tingin ko si Alex..

pero imbis na kuhanin ko yung panyo niyakap ko sya at isinubsob yung mukha ko sa kanya..wala na syang nagawa..

"hindi ko alam kung anong nangyare..pero sige..iiyak mo lang..mas gagaan ang pakiramdam mo!" sa mga sinabi nya naramdaman kong pede ko syang pagsabihan ng problema ko..gumaan ang loob ko.

"ano?ok ka na?" tanong nya

tumungo lang ako.di ko pa kayang magkwento.baka mamaya maya maiyak ulit ako..

BARKADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon