PART 2 CHAPTER 13

92 6 0
                                    

EMS P.O.V.

HAHA..laking tuwa ko ng matalo ko si Alexandre sa basketball match..at dahil dyan.nangako syang lalayuan na nya si Jaymie..yung hindi na sya eepal samin.

yung hindi na magpapapansin at aagaw eksena..

buti na lang at natalo ko sya,.kung hindi? edi patay ako..sabi nya pag natalo nya daw ako kailangan kong makipag break at lumayo kay Jaymie.asar na pustahan to kaya nga mas ginalingan ko.dikit na dikit ang laban..nauna kong maka 10 points kaya ako panalo..

so.ayun.tumupad naman si Alex kaya aking akin na ulit si Jaymie..ang kaso bad trip..pasaway na Bianca to..may gusto pala sakin at desperado..sya na nanliligaw..nagulat pa ko ng magtapat sya sakin at mahal nya daw ako?

para akong naging bato nung hinalikan..hello?lalaki ako!si Jaymie kasi sa cheeks lang lage..

gising Ems..magpakatino ka..may Jaymie ka na!

"stop it Bianca!" pinigilan ko sya at baka may makakita samin..buti kami pa lang yung nandito..and speaking ng may makakita.ayun..nakita nya kami.patay!

umiiyak sya.ibig sabihin nasaktan sya sa mga nakita nya..

*pak*

sinampal nya si Bianca..agad naman itong umalis dahil sa kahihiyan..

*pak*

sinampal nya din ako.ok lang..kahit sino naman masho shock..pero let me explain..kaso tinalokuran nya ko at piling ko iiwan na nya ko..wala na kong maisip kundi ang halikan din sya..ang kaso mas napasama pa ata kasi sinampal nya ulit ako..

galit sya sakin..

hinanap ko sya pero mukhang umuwe na sya.

_________

>kinabukasan

hindi nya pa din ako pinapansin.at ang malala pa si Alexandre ang kasama nya..

natanong pa tuloy ako ng barkada kung ano ang problema namin ni Jaymie.

oo na.nagsisisi na ko sa ginawa ko..yung paghalik ko sa kanya ng walang paalam..pero wag naman nya sana isipin na may something samin ni Bianca..

pagbalik ko sa upuan ko,nagulat ako dahil may nakita akong maliit na papel na nakaipit sa bag ko.binuklat ko at binasa..

"magkita na lang tayo mamayang uwian sa may garden para mag usap"

yan yung nakasulat..kanino kaya galing ito?

napatingin ako kay Jaymie.nakatingin sya sakin tapos bigla nyang iniiwas..tapos parang may gusto syang sabihin.hindi kaya sa kanya galing to?

mukhang may pag asa pa ko..aayusin ko to promise..

---

>uwian..

nagulat ako ng pagpunta ko sa may garden hindi si Jaymie yung nakita ko kundi si Bianca...

(a.n. si Bianca po taga section B)

"anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko..

"ako yung nagpadala nyang letter." sabi nya tapos umiwas ng tingin..nahihiya siguro..

"pano?" di ko kasi lubos maisip na sya may pakana nitong meet up..

"pinaabot ko kay Mira..sabi ko iwan sa desk mo o sa bag mo!" umiwas ulit sya ng tingin..

"o sige..para matapos na ito!bakit mo ko pinapunta dito?ng dahil sa ginawa mo nag away tuloy kami ni Jaymie!" bulyaw ko sa kanya..

"sorry!di ko na kasi kaya pang itago yung nararamdaman ko..kaya pls! sana pagbigyan mo ko..sana matutunan mo din akong mahalin..!" pagkasabi nya non kinilabutan ako..di ko masikmura yung gantong conversation..

"mayron na kong mahal at si jaymie yon! maghanap ka na lang ng iba!" sigaw ko tapos tumalikod na.ang kaso bigla nya kong niyakap..inaalis ko pero ayaw maalis..daig pa ata super glue..

"aalis lang ako pag sinabi mong mahal mo din ako.!" pagpipilit nya..

"ayaw ko..!ano ba!" naaasar na ko kaya medyo nainulak ko sya at napa upo sya..

"aray!" tapos umiyak sya..tatakasan ko na sana kaso nakakaawa kaya tutulungan ko..lumuhod ako sa harapan nya ang kaso umaarte lang pala syang nasaktan at bigla akong niyakap..

"Bianca..stop it!" sigaw ko tapos hinawakan ko yung braso nya ng mahigpit kaya nasaktan sya..this time di ko na sya pinansin at nagderetcho ng maglakad..ang kaso.eto na naman yung gantong scene..

nakita na naman nya kami..

*pak*

"break na tayo!" tapos umalis na sya.

"wait Jaymie! magpapaliwanag ako!" sabi ko habang sinusundan sya..

"wag na.baka madagdagan pa mga kasalanan mo!" galit na galit sya..

"wait..magsasabi ako ng totoo..!" pagsusuyo ko sa kanya..

"na ano? pinampusta mo ko?" pagkasabi nya non natigilan ako..

sinabi ni Alexandre?asar..bakit nangyayare lahat ng to sakin?

____________________________________________________

ALEXANDRE P.O.V.

iniwasan ko si jaymie dahil sa pustahan namin ni ems..na dapat pala di na lang ako nakipagpustahan dahil matatalo lang pala ako sa huli.

tutuparin ko yung pustahan.ang kaso di ko natiis si Jaymie ng makita ko syang umiiyak.sinundan ko sya hanngang sa park.di ako sanay ng ganto pero tinry ko syang i comfort.nung una ayaw nya pang magkwento pero nung ok ok na sya derederetcho ang bunganga nya at tila ako ata si Ems dahil sakin nya inilalabas lahat ng sama ng loob nya.

"diba pinigilan nya naman si bianca?" opinyon ko sa mga sinasabi nya.

"oo.matapos nyang mag enjoy sa halik ni Bianca!" asar nyang sagot

"diba sabi mo din lumayo si Ems ibig sabihin nasa katinuan sya.." pagtatanggol ko kay Ems kahit labag sa loob ko.

"pero.." di ko na tinapos yung sasabihin nya nagkwento na ko..

"mahal na mahal ka ni Ems kaya di ka nya sasaktan..alam mo bang kaya kita iniiwasan ay dahil natalo ako sa pustahan?"

"pustahan?" mukhang wala syang alam..oops..pero eto na yon..wala na kong magagawa..itutuloy ko na..

"oo..pero nagawa nya lang yon dahil ayaw ka nyang ipamigay..napaka seloso pala non..akala may gusto ko sayo?" tapos tumawa ko para di sya makahalat..honestly mahal ko na sya..

natahimik sya..nag iisip siguro..

"mag usap kayo bukas..ayusin nyo yan..!" utos ko.. oo.gusto kong maging gf si Jaymie pero ayaw ko sa gantong sitwasyon..pero pag gumawa pa si Ems ng ikakasakit ng damdamin ni Jaymie pasensyahan tayo..

"galit kasakin?" tanong ko.kasi kung di ako pumayag sa pustahan walang pustahang naganap..

umiling lang sya..

"e kay Ems dun sa pustahan?" dagdag ko..piling ko kasi ito yung pagsisimulan ng away.

nag isip sya bago sya sumagot."hmmm..medyo lang..mas galit ako dun sa naghalikan sila..asar!may gf na naghahanap pa ng iba..!"

"sabi ng baka yung si Bianca ang nagsimula.wag mong sisihin si Ems.mag usap muna kayo.." payo ko..mukhang nakatulong naman ako kasi ngumiti na sya..ok na siguro sya..

---

>kinabukasan ng uwian

"puuntahan ko muna si Ems..ayan.kakausapin ko na sya!!" full of determination nyang sabi..makikipag ayos na sya

so ayun..sa pag aakala kong magkakaayos sila hindi pa pala..umiiyak padi si Jaymie at ang sabi nya pa

"break na kami!!sob..magkayakap pa sila!"

nakaramdam ako ng awa kay Jaymie.humanda ka sakin Ems..

BARKADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon