BARKADA
CHAPTER60
winner
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KANATA'S P.O.V.
busy talaga kami..super nakakapressure ang labanan.kaylangan pagbutihin mo yung gagawin mo para hindi ka mapahiya..
parehas kami ni Rina ng instructor.isa lang din yung nag-aayos samin.sya na bahala dun sa mga gagamitin at isusuot namin.ok din kasi friend ni mama yung tumutulong samin dito sa pageant.
exciting na masaya..yun yung masasabi ko..kasi partner ko si Rina.kahit pano nakakabawas ng pressure..pinapalakas namin ang loob ng isat-isa at tiwala kami na mananalo kami..haha..hindi yabang ang tawag dyan kundi fighting spirit!
may napapansin kami ni Rina.si Rhod at si Heidi parang nagiging close.mas kami ang nakakapansin kasi kami yung laging magkakasama..tiwala padin ako kay Rhod na hindi nya lolokohin ang pinsan ko..baka kaya lang sila close ay dahil pakisamahan..kaylangan ng team work..isipin mo na lang na hindi magiging maganda yung performance mo kung wala kayong unity ng kasama mo..
candidate number 12 kami ni rina so ibig sabihin mauunang magpakitang gilas sila Rhod..maganda mga sportswear ng mga kakumpetensya ko..syempre hindi kami magpapatalo kahit mukhang common na yung irarampa namin..nasa nagdadala kasi yan..kung mai po-portray mo yung attire mo siguradong may impact yon..
naka pang baseball akong attire at ang mahal ko naman naka pang tennis..ang cute nya..bagay sakanya yung suot nya..with matching sun visor pa..mukha talaga syang player..bagay din sa kanya yung mini shortskirt..tapos may wristband pa..hehe..natutulala na ko kay Rina ng biglang magtilian yung mga audience..
grabeng audience impact lang..and what?kahit ako natulala lang dun sa dalawa..kakaiba yung naisip nila..alam din nila kung papano rarampa.si Rhod ang hot!oo..kaya ganto nalang makatili yung mga girls.wagas!pano shirtless sya..kita yung gwapo at macho nyang katawan..naka pang surf ang attire nya..tapos sinakyan nya yung surfboard nya at kunware nakikipaglaro sya sa alon...nakita ko yung judges na parang natutuwa dun sa pinakita ni Rhod..naisip ko tuloy na kung pagandahan lang pala ng katawan at para mapansin ng judges dapat pang boxing na lang yung napili kong sports..
tilian din kay Heidi.nakapang bull fight syang attire..grabe lang talaga.anlakas din ng dating.astig!winawasiwas nya yung red na parang kumot tapos nagpapapadyak..yung parang hinahamon yung toro na sige sugod.parang sinasabi nya na kahit sino pa yung kalaban ko lagot kayo!di ko kayo uurungan..
magkakaalaman na lang sa talent.humanda sila..*evil laugh*
may nag hip hop dance, pantomime,acting,comedy,meron pang kumaen ng apoy!,sand art,yoyo tricks..pero ano na naman to?napa standing ovation mga tao kay Heidi.nag airdance kasi sya.talaga bang hahakutin na nila ang boto ng mga judges?si Rhod naman kumanta..parehas kami ng ipapakitang talent pero syempre di ako papatalo..mas may pasabog ako!singing and dancing kasi yung akin..
at last!kami na yung magpeperform..di ako dapat mainsecure dahil alam kong mas magaling kami sa kanila..si Rina nag magic show..magaling yung ipinakita nya dahil nag-enjoy yung mga tao..

BINABASA MO ANG
BARKADA
Genç KurguAng hirap bumuo ng mga bagong kaibigan dahil palipat lipat ka ng school dahil sa trabaho ng magulang mo.pero makalipas ang ilang taon magbabalik ka kung san nagsimula ang lahat.. yung mga kaibigan mo kaya dati ganon pa din kaya ang turing nila sayo...