JAYMIES P.O.V.
3 days din pinagpahinga si Miyo ni tita..kwento nya sa amin nung second year daw si Miyo nagkaganyan din sya..si Miyo kasi masyadong mapagkimkim..naasar daw kasi dun sa kapartner nya sa project.di na nga sya tinulungan,inangkin pang sya daw yung gumawa lahat.pero nung tanungin ng teacher duon nagkaalaman.dahil balibaligtad yung sagot..
"Miyo,gusto mo?" tanong ni Rina sabay abot nung chocolate..
"salamat!" ngumiti sya tapos kumuha ng isa..
"Jaymie,oh!" alok naman sakin ni rina..kumuha din ako at kumaen..the best pampawala ng stress..
kaming.girls lang yung magkakasama..wala si Kanata nasa club meeting..si Rhod? LQ sila ni Miyo..ayaw magkwento ni Miyo kung anong nangyare.basta ang alam ko parehas silang nag iiwasan.at si Ems? diba nga break na kami! kaya wag nyo ng asahang makakalapit sya sa akin!isa pa may lamat sa ngayon ang barkada..si Rhod pag lumalapit lang saamin pag wala si Miyo.wala din syang kinukwento.
pansin ko din na si Kevin na ang laging kasabay ni Miyo umuwe.magkapitbahay sila diba?pero parang may something..ang gulo.hindi kaya break na sila Miyo at Rhod? grabe lang ha! magkakabarkada ba kami?sa isang iglap lang napuno na ng sikreto ang pagkakaibigan namin.dati nga kahit ulam hindi makakaligtas..kasi alam ko kung ano yung mga pagkaen nila sa araw araw..
kasama ko nga pala si Alex ngayon papuntang library..isosoli namin yung hiniram naming books.ok na sana kaso makakasalubong ko pa sya.at magkasama pa talaga sila.pinapatunayan nya lang na tama ang hinala kong may relasyon sila kaya nagawa nya kong lokohin..
oo na! nakatingin ako!
oo na! tinitignan ko sila!
oo na! nagseselos ako!
nagulat ako ng biglang kuhanin ni Alex yung dala kong books at pagkakuha nya hinawakan nya yung kamay ko at nag hhww kami..napatingin ako sa kanya.nakangiti sya sakin.di ko namalayan na nalampasan na pala namin sila..
"masyado kang napaghahahalata.bat di naman kaya sya ang pagselosin mo?ok lang sakin kung ako gagamitin mo!" sa mga sinabi nya napatingin ulit ako sa kanya..
"gamitin ka?" kahit san kasing bandang tignan mali yung sinasabi nyang gamitin sya.hindi naman kasi sya bagay.kaibigan ko din sya!
"yup.gamitin..ok lang..para maka move on ka na.para makalimutan mo na sya..or kung hindi man,,sa gagawin nating plano na pagselosin sya malaman nya yung worth mo..na sana di.nya ginawa yon dahil pinakawalan nya yung taong namamahal sa kanya ng sobra." ok na gegets ko na sya ang kaso parang may mali..
"ano kasi.." nag aalinlangan ako..may kutob ako na isa sa kanila masasaktan..nagtapat na kasi sakin dati si Alex na gusto nya ko.ayun.busted kasi boyfriend ko si Ems at mahal na mahal ko si Ems..e ngayon..break na kami..oo.mahal ko padin si Ems pero pano kung di ko mapigilan na mahulog din ako sa kanya?
"pano pag nagkagusto ka sakin?e di maganda! tayo na..haha!" ayan..sinabi nya ng deretchahan kaya nahiya tuloy ako bigla..
"uy!namumula ka,.ano?wag na natin ituloy yung plano.girlfriend na kita!" at nanunulso sya na may halong pasigaw na ewan.para syang baliw na nagtatatalon.
"hoy! wala pa kong sinasagot na oo at di pa ko pumapayag.isa pa.." biglang lumungkot yung boses ko
"isa pa.kaibigan lang talaga turing mo sa kin?alam ko naman yun e..pero handa akong mag intay..ok lang kahit kunwa kunwarian lang ang lahat..ok lang kahit gamitin mo ko.atleast sa konting panahon maranasan kong maging tayo!" tapos ngumiti sya..ewan pero nakaramdam ako ng awa..para kasing nanlilimos sya ng pag ibig.something like that..parang lahat gagawin nya para mahalin lang sya..

BINABASA MO ANG
BARKADA
Teen FictionAng hirap bumuo ng mga bagong kaibigan dahil palipat lipat ka ng school dahil sa trabaho ng magulang mo.pero makalipas ang ilang taon magbabalik ka kung san nagsimula ang lahat.. yung mga kaibigan mo kaya dati ganon pa din kaya ang turing nila sayo...