Kabanata 3

1.1K 19 2
                                        

"Ano ang pinararating mo?" Bakas ang inis sa tono ng boses ko nang tanungin siya.

I watch the side of his lip curl up sarcastically as he moves his face closer to mine. "Now you're even talking back."

Umirap ako. I don't care who he is. Right now, he pisses me off. "Ano naman? Kaya nga tayo may bibig para magsalita. At ano ba ang problema mo? Nabasa ko ang damit mo? Oh akin na. Lalabhan ko." Sarkastiko kong sabi pabalik.

He pursed his lip in irritation. Mas inilapit niya ang mukha niya sa akin. "You always have an answer on everything, huh?" He snarled at me.

Umirap ako at saka itinulak ang dibdib niya kaya napaigtad siya at tumingin ulit sa akin. Our height differs a lot. Parang tore siya na nakayuko sa akin pero wala akong pakialam.

"What?" Tanong ko noong mariin niya akong tiningnan.

"I'm thinking have we met before? Are you one of those girls who are crazily obsessed to be notice by me that you poured drinks on my shirt in hopes that I'll take it off so you can see my body? Well, congratulations! You finally got my attention,"

Literal na namilog ang mata ko sa sinabi niya. Tumawa ako nang malakas dahil dito. Ano ang sinasabi nitong lalaki na 'to? I wave my hands off his face. I even snap it so maybe I could wake him up from his dream.

"What are you doing?" Naiinis at nagtatakang tanong niya.

"Ginigising ka. Mukhang tulog ka pa ata, Sir," Nakangisi kong sabi. He irritatedly look at me again habang namewang naman ako sa harap niya. "Una, hindi kita kilala. Pangalawa, kahit makilala kita, wala akong pakialam dahil wala namang espesyal sayo. Pangatlo, aksidente ang nangyari kanina. Hindi ko intensyon na tapunan ka ng inumin."

"I don't think so. I think you really want to get my attention."

Pumikit ako at bumuntong hininga sa sobrang kakulitan niya. "Anong-"

"Nah. You think I'll think cool of you with what you're doing right now, huh?" Nakangisi niyang tanong sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong sinasabi mong kutong lupa ka? Sino ka ba? Hindi ka naman gwapo!" Sigaw ko dito sa sobrang inis.

I didn't intend to shout but I just hate how he's so full of himself. Pero nagsinungaling ako no'ng sinabi kong hindi siya gwapo because technically he really is. Gwapo talaga siya. But because of his ugly attitude, he doesn't strike an appeal to me.

"God, you're even shouting. Think you can fool me? You'll swap my shirt with other ones and keep it with you as a souvenir."

"Mukha mo! Sino ka ba? Kung ayaw mong palabhan sakin ang damit mo ay umalis ka na! Hindi ka gwapo! Mayabang! Mukha kang garapata! Alis at baka sapatusin ko ang mukha mo-"

"Ay, Sir! Nand'yan po pala kayo! Pagpasens'yahan niyo na po 'tong trabahante ko at mukhang masama ang gising kaya gan'yan," Ngiting- ngiting sabi ni Sir Polly.

Umirap ako nang tingnan ang lalaking nasa harapan.

"What a brat," Mahina niyang sabi.

"What an ass," Tugon ko. His brow shot up and his face is now filled with amusement. Halos kurutin naman ako ni Sir Polly dahil sa sinabi ko.

"Pagpasens'yahan niyo na po siya, Sir. Baguhan pa lang sa trabaho," Nakangiti ulit na sabi ni Sir.

"I thought your restaurant possess the kindness just like what you say. I didn't expect your employee to act this berserk. I'm disappointed,"

"Kasi kung ano-ano ang sinabi mo!" Galit na sabi ko sa lalaki sa harap. Umiling ang kumag habang nakatingin sa akin. He rubbed his stubbled jaw and walk away from us. Makahulugan naman akong tiningnan ni Sir Polly at saka sinundan ang mayabang na lalaki.

Dumiretso ako sa restroom at saka inabot ang first aid kit para gamutin ang sugat ko. Ilang minuto rin akong naroroon nang tumunog ang phone ko at nakita ang text ni Sir Polly na galit na galit dahil sa pinaggagawa ko. Sinabi niya na pumunta raw ako sa parking lot para makapag- usap kaming dalawa kaya iika- ika ko namang sinunod 'yon.

"Ikaw bata ka! Ikaw ang magpapabagsak sa restaurant natin!"

Kumunot ang noo ko. "Wala naman akong ginawang masama, Sir. I even offered to wash his clothes. Kung ano- ano ang sinabi sa akin eh," Naiinis kong sabi nang maalala ang kakapalan ng mukha ng lalaking 'yon.

"At talagang sasagot ka pa? Kilala mo ba kung sino ang lalaki na 'yon?" Tanong niya na inilingan ko.

"Hindi po. Mukhang hindi naman importante-"

"'Yong lalaking sinigawan mo? 'Yon ang may- ari ng hotel na ito, Bella. Our restaurant is pleading to have a branch in his soon- to- be open hotel. At mukhang mawawalan tayo ng pag- asa dahil sa ginawa mo!"

Nanlaki ang mata ko. Now I damn care about him.

"H-Huh? Hindi ko alam!" Kinakabahan kong sabi.

"Hindi mo talaga alam dahil sinigaw- sigawan mo ba naman! At anong itinawag mo? Kutong lupa!" Halos maghisterya siya no'ng inaalala ang sinasabi ko.

"Pupunta nalang ako at hihingi ng tawad, Sir-"

"Wow! At ngayon mo naisip 'yan? Kung sana ay nagtatanong ka muna bago gumawa ng kabalastugan ay hindi ka sana hihingi ng tawad."

Ngumiwi ako dahil tama naman siya. "Pupuntahan ko na-"

Umiling siya at pinutol ang sasabihin ko.

"Ay, hindi na! Hindi ka pupunta dahil sisante ka na! Umuwi ka na Bella. Napag- iinit mo ang ulo ko."

Nakanganga kong pinanood na bumalik siya sa loob ng hotel. Things can't even sink in my head. I lost my job.

Holy cow, I'm so doomed.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon