I stare blankly at the window of the bus that I'm riding. Parang ayaw ko nang umuwi. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kina Lola at Lolo na nawalan ng trabaho ang apo nila at hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.
Paano na n'yan? Magtititigan nalang ba kaming lima? Paano ang pagkain? Paano ang tubig at kuryente? Paano ang baon ni Gabbi? Paano ang renta ng bahay? I'm pretty sure Aling Mirna will get mad at us if we can't pay her on time. Ilang beses na rin kasi kaming sumobra sa araw ng pagbabayad at mabuti nga ay hindi pa kami pinapalayas.
If only I didn't trip on my way to that Everett, things wouldn't turn out like this. Pero aksidente 'yon. Paanong maiiwasan ang aksidente, diba? Eh 'di kung sana alam kong mangyayari ay ibinigay ko nalang sa isa kong kasamahan ang inumin at siya ang pinagbigay no'n. And if only he didn't say obnoxious things to me, eh 'di sana hindi aabot sa punto na tinawag ko siyang kutong lupa.
"Kutong lupa," Halos maiyak ako habang sinasabi ang salitang 'yon.
Bakit niya kasi sinabing isa ako sa mga babaeng may gusto sa kan'ya? At bakit ba kasi hindi ko siya kilala? I really should watch tv or surf the internet some time. Para naman hindi ako nahuhuli sa pagkakakilala sa iba't ibang tao. Para naman hindi ako nakakasigaw ng isang mayamang lalaki na malaki pala ang papel sa pinagtatrabahuhan ko.
Pero naman kasi, that guy is hella irritating for real. Sure he's handsome and built like God took all of his time doing so, but his attitude stink. I hope we will never meet again. Baka sa susunod na kita ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at ma- upper cut ko na siya.
"Miss, baba na," Ani ng isang tinig.
Nagulat ako nang lumapit ang konduktor sa pwesto at tinapik ang balikat ko. Hiyang- hiya na mabilis akong tumayo sa kinauupuan at bumaba sa bus na sinasakyan. I kicked the stone and watch it roll again and again. Umupo muna ako sa bench na nasa park at tinanaw ang mga bituin sa langit. I wonder what it feels like to be up there. To be one with the stars. Masaya siguro, 'no? Wala kang iisipin no'n dahil narating mo na ang alapaap.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingala sa kalangitan ngunit nahimasmasan nalang ako nang makita si Marco na papalapit sa akin. Nakatago ang kamay niya sa bulsa ng jacket na suot.
"Oh? Anong nangyari sa braso at tuhod mo? Bakit puro sugat?" Nakangiwi niyang tanong.
I pouted and let out a deep sigh. "Katangahan."
Tumawa siya sa sagot ko. "Ano nga?" Tanong niya ulit.
Kwinento ko sa kan'ya ang lahat ng nangyari. Humagalpak siya sa tawa nang matapos kong sabihin ang nangyari sa akin ngayong araw. I narrowed my eyes at him.
"Hoy! 'Wag ka nga tumawa. Nawalan na nga ako ng trabaho, gumagan'yan ka pa." Naiinis kong sabi.
He stopped laughing but he smile as he puts his arm on my shoulder. Inihiga ko naman ang ulo ko sa balikat niya. "Ang lala mo, Bella. Kutong lupa pala, ah. But don't worry. Tomorrow, I'll help you look for another job." Ngumiti ako nang marinig ang sinabi niya. "Kaya halika na, umuwi ka na. Ihahatid kita sa inyo."
Halos lumayo ako sa kaniya at ipanalangin na sana ay pumakat ako sa kinauupuan. Alam kong duwag na duwag ang dating ko pero natatakot ako sa reaksyon ng pamilya ko. Ako nalang kasi ang inaasahan ng mga 'yon at paniguradong wala namang naiipon si Lola dahil naaawa at ibinibigay sa anak niya.
"Ay, hindi na. Dito na muna ako. Mauna ka na," I smile slyly at him after saying that.
This time, he narrowed his eyes at me. Pinagkrus niya ang kamay habang nakatingin sa akin. "Kung iniisip mong tumakas sa problema mo, tumigil ka. Sabihin mo lang sakanila na nawalan ka ng trabaho. Hindi naman magagalit ang mga 'yon,"
Tama siya. I shouldn't run from my problems. Pero kasi ay hindi naman madali 'yon.
Pagkarating sa bahay ay nakita ko sina Lolo at Lola na nanonood ng drama sa tv samantalang ang kapatid ko naman ay nagsusulat sa notebook niya. Papa isn't there. Siguro ay nasa inuman na naman.
"Oh, Bella nand'yan ka na pala. May tinira akong pagkain para sayo. Adobo 'yan, paborito mo."
Ngumiti ako kay Lola. "Sige po. Magpapalit lang akong damit."
Tumango siya sa akin at saka ako umakyat at pumunta sa kwarto. Pagbaba ay kinuha ko ang pagkaing itinira nila sa akin. Habang kumakain ay masyado ang titig ko sakanila. My sister raised her brow and waves her arms at me but I just stare intently at them.
"Okay, you're getting creepy, Ate. May gusto ka bang sabihin?" Tanong ng kapatid ko.
Tiningnan siya nila Lola at Lolo kaya sinagot niya na abot daw ang titig ko sa kanila. "Ano 'yon, Bella?" Tanong ni Lolo.
Umiling ako, kinakabahan at hindi malaman kung paano sasabihin na nawalan ako ng trabaho.
"Wala lang. Masama ba kayong tingnan? Hindi ba pwedeng natutuwa lang ako dahil kayo ang pamilya ko?" Nakangisi kong sabi.
Lumapit sa akin si Lola at namewang. "Arabella, ano 'yon?"
Napapikit ako nang mariin at napalunok. Hay! It's hard to grow up in a family where you should tell everything. Ang hirap magtago ng sikreto. "Nasisante po ako kanina sa trabaho. Pero wag kayong mag- alala dahil maghahanap naman agad ako bukas. Sabi ni Marco ay tutulungan niya raw ako." Parang nag-ra-rap sa bilis kong sabi.
"'Yon lang pala. Akala ko ay naman kung ano na," Sabi ni Lolo.
"Masyado ang reaksyon. Maliit na bagay lang naman. Akala ko ay napano ka, Bella." Naiiling na sabi ni Lola.
Lumunok ako.
Maliit na bagay daw.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomansaIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...