"Ay!" Gulat na gulat na saad kp noong kakatok pa lang sana ako sa kwarto ni Dimitri ay binukas na niya ito. Ngumisi siya sa akin at isinandal ako sa likod ng pintuan saka ako pinatakan ng halik sa labi.
"When will I have you all by myself?" He whispered in a frustrated but sensual way. Ngumuso ako nang maalala ang nangyari kanina. Nahihiya kasi akong sabihin sa mga katrabaho ko dahil nakita pala nila kami ni Dimitri kagabi kahit pa hindi nila alam na kami 'yon. At isa pa, they all think Kristine will be the one for Dimitri.
"Sabi ni Princess may nakita daw siyang nag-kiss kagabi. Tayo 'yon!" Nahihiya kong sabi sa kaniya.
Ngumisi siya at parang aliw na aliw pang nakatingin sa akin. "Let them know." Matapang niyang saad.
"Ikaw talaga! Ang sabi nga no'ng mga 'yon ay magagalit ka raw kapag nalaman mo dahil sinabi mo na strictly prohibited ang workplace romance. Hindi nila alam ikaw 'yon." Nakanguso kong sabi.
"Well, I can't help myself. I like to kiss you every second." Ani niya at saka ako hinalikan ulit sa labi.
Sabay kaming dalawa na lumabas ng hotel. Ang sabi ko ay kapag nagtanong ang mga katrabaho namin ay sabihin niya na nagkasabay lang kami sa elevator. Napunta kami sa area kung saan naghihintay ang mga kasama ko dahil mag-je-jet ski kami ngayon.
"Tri, tayong dalawa!" Aya ni Kristine na agad tinanggihan ng boyfriend ko.
"I'll have Bella." Sabi niya at saka ako nilingon. Nanlalaki ang mga mata kong lumapit sa kaniya. Pinanlisikan naman ako ng mata ni Kristine at galit na umalis at sumakay sa isang jet ski.
Noong sasakay na kaming dalawa ay naghubad pa ng shirt ang boyfriend ko. For all I know, he knows what he's doing. Sinasadya niya talaga ito eh.
"Yakap." Utos niya nang alalayan ako pasakay sa jet ski.
Kinakabahang yumakap ako sa kaniya. I could feel his masculine body. And hell, I am touching his abs! Napatili ako nang simulan niyang paandarin ang sinasakyan naming at napakapit nang mahigpit samantalang siya naman ay tawang-tawa lang sa reaksyon ko.
"Tri, dahan-dahan! Hindi ba tayo tataob dito?"" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Dumaan sa gilid namin ang mga kasama ko, hudyat na naunahan kami.
"Trust me, darling." Sabi niya. Napapikit ako at kumapit sa kaniya nang maramdaman ko ang pagbilis ng sasakyan at bandang huli ay nakita ko na naunahan na namin ang lahat.
"Nakikipag- race ka ba?" Tanong ko sa kaniya pagkababa naming dalawa. Tumango siya at pinasadahan ng kaniyang daliri ang buhok.
"Yeah. I do car racing before," Kaya naman pala eh. Napaka- adventurous talaga ng lalaki na ito. Hindi ko ata kakayanin ang mga pinaggagagawa niya.
Hinila ako nila Angeline at Mikaela. Magpapaalam pa sana ako kay Dimiri kaso ay kinaladkad na ako noon papunta sa pulutong ng mga kasama ko. Kami- kami na man daw ang mag-je-jet ski at isa- isa lang kaya pinasakay na agad nila ako sa isa. Tiningnan ko si Kristine na nasa gilid ko at nakangisi sa akin. Mukhang may masama siyang binabalak gawin pero hindi ko nalang pinansin at baka nag-o-overthink lang ako.
Sinimulan kong paandarin ang sinasakyan ko. Hindi ko alam pero lagi sa aking nakabuntot si Kristine at laging sinusubukang bungguin ang sinasakyan ko.
"Kristine, what the hell are you doing?" Sigaw ko sa kaniya mula sa malayo. Pabalik na ako sa dalampasigan dahil natatakot ako sa kung anong gagawin ng babaeng ito sa akin.
"Akin lang si Dimitri!" Sabi niya at gulat na gulat ako ng mag- accelerate ang sinasakyan niya.
Lumihis ako pero nasanggi pa rin ang dulong parte ng sinasakyan. My eyes widen when I saw her on the water. Siya ang tumaob sa kalokohang ginawa niya.
"She pushed me!" Sabi niya noong kinukuha ng mga kasama ko.
Kumakabog ang dibdib na tiningnan ko siya na lumapit kay Dimitri. Hinawakan siya ng boyfriend ko para alalayan.
"Hindi ko siya tinulak," Mahina kong sabi habang pinapaupo ako nila Mikaela sa isang sun lounger at pinagpahinga na muna. Nakiusyoso kasi sila kay Kristine na ngayon ay naririnig ko na umaaray sa sakit.
Ilang ang titig sa akin ng mga kasama ko. Pero bakit parang ako ang may kasalanan noon eh si Kristine naman talaga ang bumangga sa akin? Anong gagawin ko? Sasaluhin ang galit niya? Eh 'di ako naman ang nahulog sa sinasakyan ko.
"Na- sprain ang paa ni Ma'am Kristine at nagkaroon lang ng kaunting pasa sa hita pero magiging ayos rin naman siya. Gusto mo bang bumalik na muna sa kwarto, Bella? Ihahatid kita." Tanong ni Simon na tinanguan ko. He gave me his kind smile at saka ako sinabayan sa paglalakad paalis sa kung nasaan ang mga kasama namin.
Pagdating sa kwarto ay pagod na pagod ako. Nagpalit lang ako ng damit at saka natulog pero bago ipikit ang mata ay nakita ko pa ang mukha ni Kristine sa isip ko at para akong babangungutin sa kaniya. Nagising nalang ako nang marinig ang katok sa pintuan. I rubbed my eyes as I open the door. Pakiramdam ko ay magulo pa ang buhok ko pero hindi nalang inintindi pa 'yon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Dimitri sa pintuan at nang pagbuksan ko ng pinto ay pumasok siya sa loob ng kwarto sabay pakawala ng isang malalim na buntong hininga.
"You slept?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap.
"I didn't push her, Tri." Ani ko.
"I know. I saw it." Sabi niya sa akin. Bumuntong hininga ako at ngumiti nang pilit. He kissed my cheeks, comforting me that I have done nothing wrong.
Inaya niya ako palabas ng kwarto at nagpunta kaming dalawa sa isang cafe. Ilang minuto pa lang kaming nandoon ay nakita ko na si Kristine na inaalalayan nila Mikaela. Tri's jaw clenched when she sat next to us.
"What are you doing here, Kristine? Akala ko ba ay magpapahinga ka?" Tanong ni Dimitri. Umiling ang kaibigan niya sa kaniya. Pinaalis nito ang mga kasama dahil nandoon naman daw ako para alalayan siya.
"I want to go here. Isa pa, ayos lang naman diba? Bella?" Pagharap niya pa sa akin. Pilit akong tumango. Alangan namang ipagtabuyan namin siya.
"I will order for us. You want to come with me, Bella?" Tanong ni Dimitri.
Tatango na sana ako nang magsalita si Kristine. "Actually, Bella, can you go with me to the comfort room? Masakit pa kasi ang paa ko. Kailangan ko ng alalay."
Tumango nalang ako sa kaniya at wala nang nagawa. Dimitri sighs and heads to the counter. Noong makarating kaming dalawa ni Kristine sa banyo ay isinara niya ang pintuan. She leaned on the sink and crossed her arms. Nakangisi niya akong tiningnan ngayon.
"Akala ko ay mag-c-CR ka?" Tanong ko.
Tumawa siya at umiling sa akin. "Bella, Bella, Bella," She said in the most irritating tone someone could possibly sound. "I know something about you. Something that I didn't think you were capable of doing. Something that will make Dimitri despise you for the rest of his life."
Kumabog ang puso ko at napasandal sa pintuan. Ano ang sinasabi niya? Ano ang alam niya tungkol sa akin? At isa pa, saan niya nalaman ang alam niya?
"Anong sinasabi mo?" Tanong ko dito.
She smirked, the kind that sends shivers down my spine. "You know what he hates the most in this world? It is people conspiring against someone's back. He hates it to the point that he curse them. Ayaw na ayaw niya sa mga ito. Ayaw niya sa mga nagpaplano." She said that leaves me nervous and uncomfortable around her.
Hindi ko alam pero sa pagtibok ng puso ko habang papalapit kay Dimitri, pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.

BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...