Napamulat ako nang maramdaman na hindi narinig ang pagtunog ng alarm clock. Lumingon ako sa gilid at nakita na wala sa tabi ko si Dimitri. Tiningnan ko ang orasan sa cell phone at nakita na hindi pa naman ako late para sa klase. Naalimpungatan lang ako pero tumayo na rin para makaligo. Paglabas ko ng kwarto niya ay sakto naman na papasok ang boyfriend ko. He smile and kiss my lips. Pawis na pawis ito at halatang katatapos lang mag- gym.
"Morning, my beauty."
"You didn't wake me up," Nakabusangot kong sabi. He chuckle and kiss my lips again.
"Well I was supposed to wake you up now but you already did," Sabi niya sa akin. "Isa pa, you are very tired from last night."
Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa sinabi. "At sino ang pumagod sa akin?"
"My bad," Sabi niya at saka ako hinalikan muli sa labi. "How about we take a shower together. To conserve water?"
Namula ang mukha ko sa kapilyuhan niya at saka umiling. "Hindi. Paniguradong ma-le-late na talaga ako noon. Hindi lang ligo ang nasa isip mo."
Tumawa siya noong magpunta na ako sa banyo. I smile too. We've been together for almost two years now. Dalawang taon na rin akong nag- aaral at dalawang taon nalang ay makaka- graduate na. Pagkatapos naming maligo ay bumaba kami para kumain. May bagong assistant si Dimitri at kaparehas lang ng ginagawa ko ang ginagawa niya. I usually went to his house. Minsan ay dahil sobra ko na siyang miss ay kaya ako nagpapasundo para makasama siya kahit isang gabi. May kalayuan rin kasi ang unibersidad na pinapasukan ko pero kaya naman na mag- commute araw- araw. Gusto ng asana akong bigyan ni Dimitri ng driver para hindi na ako mahirapan pero tinanggihan ko.
Naramdaman ko ang pagyakap ng boyfriend sa akin mula sa likod. Hinalikan nito ang leeg ko noong inilalagay ko na ang mga pinagkainan namin sa lababo.
"I dont want you to go yet," He sensually said in my ear. I bit my lip when he started kissing my neck.
"I have to. May klase ako in thirty minutes, mahal." Nakanguso kong sabi sa kaniya. Ganito ang scenario everytime na aalis ako ng bahay niya. Sasabihin niya na sobra raw niya akong ma-mi-miss kahit na ilang oras lang naman ay magkikita na rin kaming dalawa. Ang loko nga ay minsan akong sinabihan na hindi naman daw ako papagalitan ng mga professors dahil subukan lang daw nila. I just know that he bought shares to my university. Sinabi ko nga sa kaniya na huwag ipaalam sa mga iyon na ako ang girlfriend niya kasi nahihiya ako na ganito lang ako tapos siya pa ang boyfriend ko.
Lumabas na kaming dalawa at nakita na si Kuya Garry na pinagbuksan kami ng pintuan. Nang makarating sa eskwelahan ay kumaway ako kay Dimitri bago bumaba at ang boyfriend ko naman ay hinalikan pa ang labi ko.
"Ikaw talaga!" Nahihiya kong sabi at saka ngumiti kay Kuya Garry at sa assistant niya na si MJ.
Dimitri smirk at me. "I'll pick you up later. Bibili pa tayo ng regalo para kay Gabbi,"
Tumango ako sa kaniya at kumaway papasok. The whole class wasn't boring. I am always excited and thrilled with it. Siguro ay dahil matagal ko nang pinapangarap na makapag- aral muli at ngayon na nagawa ko na ay talagang hindi ko sinasayang. Noong mag-lunch ay sabay kaming bumaba sa cafeteria nga mga naging kaibigan ko. Habang nakaupo ay nakikinig lang ako sa mga kinekwento nila.
"Kilala niyo ba si Dimitri Everett? Nakita ko lang sa diyaryo kanina. Ang gwapo no'n 'no? Mukhang ang yummy- yummy!" Ngumisi ako sa sinabi ni Ynna. Totoo naman kasi na gwapo ang boyfriend ko.
"Nagtrabaho ang Ate ko na assistant d'yan. Ang sabi ay sobrang metikuloso daw. Ayaw na may mali. Ayaw na may madumi. Kailangan lahat ay maayos." Sabi ni Noella.
"Ang chika nga ay may girlfriend na daw pero hindi pinapakita sa madla. Baka hindi kagandahan ang babae. Siguro ay nahihiya na kutyain ng marami." Ay! Ako ang girlfriend mga ate.
Napanguso ko nang makapag- isip- isip tungkol sa sinabi nila. Ako ang humiling kay Dimitri na hindi ako ipakilala sa publiko. Tama na na ang mga kakilala niya lang ang mga kakilala sa akin. At hindi niya ako kinahihiya, 'no. Ang ganda ko na ito. Ang sabi ko lang ay kapag may maibubuga na ako sa industriya ay saka na kami lalantad na dalawa.
"Ikaw naman, Ynna. Hindi siguro. Baka ayaw ng babae na ipakilala. Alam mo naman si Dimitri. Masyadong sikat. Baka ayaw lang ng babae na magulo ang tahimik na buhay." Sabi ni Flora.
"Tama! Baka nga ganoon." Sabi ko. Nagsitanguan nalang sila pagkatapos.
Noong malapit na kaming matapos ay naka- receive ako ng text galing sa boyfriend ko na nasa school na daw siya at naghihintay sa parking lot. Pagkarating ko roon ay nakita ko nga ito na nakasandal sa pinto ng kotse. Kinawayan ko siya at pumasok na sa loob. Nang mapunta kami sa mall ay nagpunta ako sa bilihan ng gadgets. Balak ko sana na bilhan man lang ng cell phone ang kapatid ko. Wala kasi siyang magamit sa eskwela at nagpupunta pa sa computer shop.
"Let's buy that." Sabi niya at saka itinuro ang laptop. Hinila ko siya pabalik sa pwesto namin.
"Teka lang. Hindi pa sakto d'yan ang pera ko. Cell phone nalang muna." Sabi ko sa kaniya at hilaw na ngumiti.
He pursed his lips. "Who said you'll be the one buying? Ako ang bibili. Just keep your money. Ayaw mo na nga akong pagastusin sa eskwela mo," Nagtatampo niyang sabi. Syempre may pera naman akong ipon kaya hindi na ako pumapayag kapag sinasabi niya na siya ang bibili.
Tumango nalang ako sa kaniya kaya napangisi ito. Napanganga ako sa binili niya. Cell phone, laptop, tablet at may printer pa. Anak ng! Bakit hindi niya pa binili ang buong mall?
"Ang dami! Bakit hindi mo pa binili ang buong mall?" He just smirk at me and kissed my lips.
Noong makarating kami sa bahay ay tuwang- tuwa si Gabbi at napayakap pa sa aming dalawa ni Dimitri.
"Thank you, Kuya!" Sabi niya ulit kay Dimitri. Dimitri smiled. Ginulo niya ang buhok ng kapatid ko.
"No worries, Gab. Do good in your studies so your Ate won't get angry at me for buying everything, alright?"
Ngumiti sa akin ang kapatid ko at saka hinalikan ang pisngi ko. "I love you Ate. Ganda mo palagi!" Sabi niya sa akin at saka lumayo na para buksan ang regalo niya kasama ang mga kaibigan.
Hawak ang kamay ko ay nakipagtawanan si Dimitri kina Lola at sa mga kapitbahay na katabi namin. Halatang aliw na aliw siya sa mga kinekwento nito. Napabitaw naman ako sa kamay niya nang makita na pumunta ang kaklase ko noong high school at mayroon siyang batang dala. Nilapitan ko ito at ngiting- ngiti sa kanilang dalawa.
"Ella! Hala, ang cute naman ng baby na 'yan!" Sabi ko at saka hinawakan ang kamay noong bata. Ngumiti ang bata sa akin at parang natunaw roon ang puso ko. "Ilang taon na siya?"
"Kakaisang taon palang noong nakaraang buwan. Gusto mo bang hawakan?"
Tumango ako sa kaniya at saka hinawakan ang bata. Tumayo rin si Tri sa kinauupuan niya at lumapit sa amin. Nilaro niya ang bata na hawak ko. Just when I though I couldn't love this guy even more, mas lalo ko siyang minahal ngayon na alam kong mabait siya sa mga bata. I know he will be a great father someday.
"Bakit kasi hindi pa kayo mag- anak? Nasa tamang edad naman na kayo." Namula ang pisngi ko sa tinanong ng isang kaibigan ni Papa. Tumawa si Dimitri at umiling.
"Not yet, Tito. I'll marry her first. Just wait until she graduates and when she's ready to be my wife, you're all invited to our wedding." Nagsigawan sila sa sinabi ni Dimitri. Sinabi pa nito na marami daw bang alak roon.
"Hindi ka ba mapapagod noon? Dalawang taon pa. At saka baka hindi naman gustuhin ni Bella na magpakasal ka'gad. Hindi ka mayayamot?" Tanong pa ng isa.
Umiling muli si Dimitri "Marriage can wait. I am already spending my life with her and that's already enough. Plus I want her to achieve her dreams first." Dimitri wink at me after that. Napangiti ako sa kaniya. Isa pa tong pag- acknowledge niya sa pangarap ko. Alam niya na napakaimportante nito sa akin kaya hindi niya isinasawalang bahala.
"Naks! Ang swerte pala ng anak ko sa iyo!" Sabi ni Papa na tinawanan ni Dimitri.
My man look into my eyes and gave me his warmest smile, the one that will melt someone's heart. "No, Tito. I am the one lucky to have her."

BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...