Kabanata 26

615 12 0
                                    

"Gabbi, h'wag mo ngang yugyugin ang Ate mo. Hayaan mo nalang na matulog. Ang taas ng lagnat, eh." Narinig kong sabi ng boses ni Papa kahit pa di ko naaaninag kung nasaan siya dahil sa nakapikit ako. Sa loob ng ilang buwan ay bumalik na rin ang pag- uusap naming dalawa. Masyado naman akong matigas kung hindi ko kakausapin ang tatay ko. At tama si Lola, dugo at laman ko pa rin siya.

"Eh, Pa, pagagalitan ako n'yan! Ang sabi pa naman kagabi ay maaga ko siyang gisingin dahil may party raw siyang inaasikaso." Kahit hindi nakabukas ang mata ay naririnig ko naman sa boses ni Gabbi na nakabusangot siya habang nagsasalita. Kabilin- bilinan ko kasi sakaniya kagabi na maaga akong gisingin dahil halos ako lahat ang nag- aasikaso ng party ni Dimitri.

Dahan- dahan kong idinilat ang mga mata at nakita silang apat na nakaupo sa gilid ko. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga ngunit napahawak ako sa ulo sa sobrang bigat nito. Halos mapaso din ako sa init noong makapa ang noo.

"Huwag ka munang pumasok, apo. Magpahinga ka at napakataas ng lagnat mo." Pangaral ni Lolo sa akin.

Umiling- iling ako. Hindi pwede dahil may surprise kay Dimitri. "Hindi, 'Lo. Papasok po ako. Kailangan eh,"

Bumuntong hininga sila. "Ay huwag! Baka mamaya ay himatayin ka sa sobrang init mo! Kagabi nga ay binantayan ka namin dahil mataas talaga ang lagnat mo." Sabi ni Lola. Noong bata kasi ako ay kinombulsyon ako dahil sa lagnat. Halos manigas na daw ako noon at dahil rin doon ay naging alerto na sila sa akin. Nakita ko naman noong ni- search ko ay mababa nalang naman ang tyansa na kombulsyonin kapag nilagnat sa edad ko na ito. Ilang beses ko na nga din sinabi sakanila 'yon pero ayaw pa ring magsipagpaawat.

"Kailangan ko ngang pumasok, 'La." Sabi ko.

Umiling si Papa sa gilid ko. "Magpaalam ka muna, Bella. Mukhang hindi maganda ang lagay mo."

"'Pa, naman. Kailangan nga." Naiinis ko nang sabi dahil ayaw talaga nila akong paalisin sa higaan.

"Bakit ba?" Tanong niya.

Bumuntong hininga ako. "Birthday ng boss ko at ako ang nag- ayos ng party. Kailangan ko munang siguraduhin na ayos 'yon. Promise, kung masama na talaga ang pakiramdam ko ay uuwi na ako."

Nagkatinginan sila. Si Gabbi ay tiningnan ko at nagpaawa na back- up- an niya ako "Hayaan na natin si Ate. Nangako naman siya na uuwi kapag sumama na ang pakiramdam. At saka ano ba kayo? Wala ba kayong tiwala sa desisyon niya?"

Halos pumalakpak ako sa ganda ng dialogue ng kapatid ko dahil mukhang nakumbinsi naman niya ang matatanda dahil dito.

"Sige na nga. Basta mangako ka na uuwi na kapag sumama ang pakiramdam." Sabi ni Lola na tinanguan ko. Doon pa lang nila ako hinayaang makapunta sa banyo. Kahit nahihilo ay inayos ko pa rin ang lakad ko dahil kung ipapahalata ko sa kanila ay baka hitakin ako noon pabalik sa kama.

Nagpaalam na ako sa kanila at saka naglakad papunta sa cafe nila Marco pagkabihis. Nagpagawa kasi ako sa kaniya ng chocolate cake na ibibigay ko sa boss ko.

"Salamat!" Sabi ko pagkaabot ng cake.

Pagkapara sa taxi ay bumaba na ako at naabutan ko si Kuya Gary na may dala rin na regalo.

"Pasok ko na 'yan, Kuya? Sama ko sa akin."

"Mabuti nga. Salamat, Bella." Sagot naman niya kaya kinuha ko na ang box sa kaniya at pumasok sa bahay.

Nang makarating sa loob ay inilagay ko ang cake sa ibabang bahagi ng ref niya at ang regalo naman ay nasa lamesa. Inuna ko muna ang paggawa ng drinks niya at sa kalagitnaan ng paggawa nito ay nakita ko siyang pumunta sa kitchen. Nilaro niya sa kamay ang ribbon ng box.

"Galing kay Kura Garry 'yan, Sir."

Tumango siya sa akin. "Juice na lang ang gawin mo. I'll go out early though." Tiningnan ko siya. Nakita ko ang paglunok niya. "I'll meet my friends."

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon