Kabanata 58

526 7 0
                                        

The past few months of Dimitri courting me were an absolute blast. Truly, we take things slowly this time. Hindi siya palatanong kung sasagutin ko na ba siya. But every time I'm with him, I feel like I'm flying. With him, I really am the happiest. With him, I am so sure. I'm sure that he's the one for me. I'm sure to spend my life with him. I'm sure to love him with all of my heart. Those past few weeks, I also got back on drawing. Siguro ay dahil may inspiration na ako ngayon. Noon kasing nahinto ako ay siguro dahil na rin sa kadahilanan na nawalan ako ng subject. I lost touch of the wonders and beauties of this world

Dimitri is my muse.

Tiningnan ko ang dri-na-wing ko sa sketch pad na hawak. It was him reading some documents, just like how I would always see him when I was still in the office of his company. Stoic expression and mysterious aura. Ngumiti ako at inilipat sa susunod na pahina ng sketch pad. It was a picture of him smiling now. Malayong- malayo sa itsura niyang napaka- seryoso. He looks so pure here, as if he was on cloud nine. I would love to keep that smile on his face forever. He deserves to smile and laugh.

"Happy birthday, Ate!" Sabi ni Gabbi pagpasok sa kwarto ko. Tinawanan ko ito nang patakbong tumakbo papunta sa akin at saka ako niyakap.

"Ang baby ko naman," Loko- loko kong sabi. Niyakap pa rin niya ako nang mahigpit sa gitna ng pang- aasar ko. Pumasok naman sa kwarto ko si Lolo at Lola na may dalang cake. Wala si Papa ngayon dahil may trabaho pero mamaya ay susunod siya sa amin. Pupunta kasi kami kila Mama dahil gusto niya raw na makasama ako sa birthday ko. Ilang birthday ko na rin kasi ang wala siya kaya babawi raw siya ngayon.

"Pasensiya na at ganito lang ang naihanda namin, apo." Sabi ni Lola at saka hinalikan ang ulo ko.

"Hayaan mo na, 'La. Masarap nga 'yan,eh. Paborito ko 'yan, diba?" Pagpapalubag loob ko sa dalawang matanda. Mamaya ay sasama rin sila sa amin ni Gabbi. Ayaw pa nga nito noong una dahil nahihiya raw sila kay Mama pero si Mama na ang nagpumilit na isama silang dalawa. Kahit naman papaano ay na-mi-miss rin niya ang matatanda. Itinuring kasi talaga nilang anak si Mama. Isa pa ay naging malapit rin sila sa isa't isa.

"Lola, Lolo, kahit ganito lang ang pagkain ay tuwang- tuwa na ako. H'wag niyo na pong isipin na baka magtampo ako dahil hindi niyo kayang ibigay ang ibibigay ni Mama. Masaya na po ako na kasama ko kayo ngayon." Nakangiti kong sinabi sa kanila na ikinaaliwalas ng kanilang mga itsura.

"Halika na sa baba. Baka mag- iyakan pa tayo dito." Nakangising sabi ni Lolo at saka ako hinila at inalalayan pababa.

Buong maghapon akong naghintay sa bati ni Dimitri sa akin pero kahit text man lang ay wala. Nakalimutan ba niya ang birthday ko? Sinabi ko naman dito, ah. Sabi ko pa nga ay iniimbitahan siya ni Mama sa kanila para mag-dinner. Mabuti pa si Can ay pagtilaok pa lang ng manok, nakabati na kaagad sa akin. Siya naman na lumipas na ang maghapon, hindi pa rin nagpaparamdam.

Sumakay kami sa taxi at nagpahatid sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Ngumiti ako at kumaway nang makita sila Mama. Niyakap ko sila at saka na kami umupo sa lamesa para sa aming lahat. Si Papa rin ay dumating na at mabuti nga ay hindi sila nagkakailangan ni Mama.

"So, are you ready next month, Bella?" Tanong sa akin ni Tito Paulo. Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Opo." Nakapasok na kasi ako sa isang art school at may scholarship pa ako.

"Salamat pala dahil matagal ng pangarap ni Bella 'yon." Sabi ni Lola.

Umiling si Mama at ngumiti. "Hindi, 'Nay. Si Bella ang may gawa noon. Tingnan mo nga at saan pa magmamana iyan. May scholar pa!"

Natapos ang dinner namin na hindi man lang nagpaparamdam si Dimitri. At talagang hindi ako binati. Naiinis na ako sa kaniya!

"Time for the presents! Let's go to the backyard, Ate Bella. Nandoon ang regalo namin nila Mommy." Sabi ni Cris sa akin. Naghagikgikan sila ni Gabbi at saka hinawakan ang kamay ko nang magkabila.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon