Nakapangalumbaba kong tinitingnan ang kamay ng orasan na patuloy na umiikot. Alas singko na ng hapon. Anong oras kaya akong makakauwi mamaya n'yan? Nakauwi na kaya si Gabbi? Nakapagluto na kaya sila Lola? Nakapangisda kaya si Lolo? Si Papa kaya? Baka naman umiinom na naman 'yon.
Bumukas ang pintuan ng opisina ko. Napatuwid ako ng upo nang makita si Dimitri sa harapan. Ilang segundo niya muna akong tiningnan bago namewang sa harap ko.
"What is it, Sir?" I ask in a low voice.
He pursed his lips glide his tongue on the corner on his mouth. "I want you make a report about the market rate of the company for five years. Pass it until tomorrow morning." Sabi niya. Ngumanga ako. What? Is he serious? "Why do you look astonished? You can't do that?" Hamon niya.
"Bukas ng umaga, Sir?" Tanong ko. Tumango siya sa akin at saka tiningnan ang relong suot.
"Do you have a problem with that?"
I clenched my jaw at his question. Iirapan ko sana pero pinigilan ko ang sarili ko. "I can, Sir. Don't worry, I'll pass it tomorrow morning."
Ngumisi siya at saka aroganteng inilinga ang tingin."I want you to send the soft copy on my email and a hard copy also. Put it in a folder."
Tumango ako ulit kahit pa nakikita ko na ang gabi ko na nakadukdok sa laptop at gumagawa ng utos niya. "Okay po." Sabi ko. I tried to sound cool just so he couldn't sense my irritation.
"Great. I'll go now. Have a good night, Bella." Nang- aasar ba ang lalaki na 'yon? Anak ng! Paano ako magkakaroon ng magandang gabi kung pagagawain niya ako ng ganito?
Nag- browse ako nang nag- browse sa files ng desktop pero sa tingin ko ay matatagalan pa ako dito. Ilang oras na rin akong gumagawa at madilim na sa labas. Simon already went home. Sa tingin ko nga ay ako nalang ang natitira sa floor na ito.
Maiyak- iyak ako nang makita na nasa kalahati pa lang ako ng unang taon. Puputi na ang mata ko ay hindi ko pa rin ito matatapos. Isa pa, I didn't know if what I'm doing is right though.
Napasapo ako sa noo at kinuha ko ang cell phone nang makita na tumatawag si Hernanda. Oh great! I have to deal with her too.
"Hello, sweetie. How are you there? Is everything alright?" Tanong niya sa akin.
"No! Ang pinakamamahal mong pamangkin ay pinagagawa ako ng report ng market rate ng kompanya. And you know what's unbelievable too? He wants me to pass it tomorrow morning!" Halos naiiyak ko nang sabi.
"Uh- oh! Don't cry! Don't worry, I'll send some help." Sabi niya.
"Please do. Sumasakit na po ang ulo ko dito." Pagsusumamo ko.
Pinatay niya ang tawag pagkatapos at pinagpatuloy ko naman ulit ang paggawa ng report. Nasa second year na ako nang makita na bumukas ang pinto. I expected a workmate to come but instead I saw Can standing in the doorway. Masaya siyang kumaway siya sa akin.
"Mom said you got a little problem here." Tanong niya na nahihiya kong tinanguan bilang tugon.
"Yeah. Hindi ko nga alam kung tama ang ginawa ko na ito." Sabi ko sakaniya.
Ngumiti siya at tumabi sa akin. "Don't worry. I got you Bella," Sabi niya at hinila ang isang upuan para tumabi sa akin.
"Wait, you actually knew how to do a report? I'm surprised," Tumawa siya sinabi ko. "I didn't mean to say like you look like someone who knew nothing. I am just impressed,"
"Well, I graduated with a business degree. Dad said if I should go acting then I should at least get this degree. That's how I learn." Sambit niya habang nakatingin sa akin. "Oh look, we're done with this."
We spent the next hour doing the report and chatting about how's my life too. Napag- alaman ko rin na tapos na pala siyang mag-shoot ng bagong rom- com movie niya. Inimbitahan pa nga ako nito na dumalo sa premier at siya raw ang bahala sa akin. Sinabi ko nalang na titingnan ko muna kung ayos ang schedule. Hindi naman ako pwedeng pumayag kaagad dahil hindi ko pa alam kung walang ipagagawa si Dimitri kung nagkataon.
Humikab ako nang makita na tapos na rin na ma-i-print sa wakas ang report na pinagawa sa akin. Kumakalam ang sikmura ko dahil hindi pa ako nakakakain ng hapunan. Alas onse na rin at ang huling kain ko pa ata ay kaninang tanghali.
"You hungry?" Tanong sa akin ni Can.
Nahihiya akong tumango sa kaniya. "Hindi pa ako kumakain ng hapunan."
Nanlaki ang mata niya. "Oh damn, let's go now. Masama ang magpalipas ng gutom."
Natawa ako nang hatakin niya ako palabas ng office at para kaming hinahabol. Noong makarating sa parking lot ay pinasakay niya agad ako at dumiretso sa isang karinderya lang. Ngumiti ako nang walang kaarte- arteng nakisalamuha siya sa mga tao. Kaunti lang naman ang nadoon at mukhang hindi naman nadidisturbo ang privacy niya.
"Kain na. Sabihin mo lang kung gusto mo pa." Sabi niya.
"Thank you." Nginitian ko siya pagkasabi noon.
Habang kumakain ay nagkwentuhan ulit kaming dalawa hanggang sa napunta kay Dimitri ang usapan.
"Hindi ko ba alam sa pinsan mo. Saan ba iyon pinaglihi? Sa sama ng loob?" Tanong ko sa kaniya.
Tinawanan niya lang ako. "Ganoon talaga si Tri. Please understand him."
"I have to," Maikli kong sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako roon. "Bella, if you want, I can tell Mom to stop this."
Umiling ako agad sa sinabi niya. "It's alright, Can."
Yumuko ako at bumuntong hininga rin. This has to be done because it's already started. Isa pa, ito ang kapalit ng kalayaan ng Papa ko. And I must pay the price even if its is hurting me so bad.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
DragosteIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...
