Pagkatapos i- serve ang pagkain sa designated table ay mabilis akong pumunta sa tapat ng manager ko na kanina pa ako tinatawag. He looks angry at me. Was it my fault that I had to give the customer's food first before attending him?
I smile at him cheekily. "Ano, Sir? Hinatid ko pa po ang nasa table thirteen, eh."
Bumuntong- hininga siya sa sagot ko at saka ako inirapan. Attitude talaga. "Hay! Bilisan mo at magbihis ka roon. Sasama ka kina Gail sa hotel na nag- book sa atin. Mag-se-serve kayo ro'n." Nagliwanag ang mata ko. Finally, I'll be out of this place even just for once. "Ano ka d'yan? Para kang nanalo sa lotto. Sige na at umalis ka na,"
Tinawanan ko nalang siya at pumunta na sa locker room. Nakita ko roon si Gail na nginitian ako at inabutan ng shirt na susuotin namin.
"Saan tayo, Gail?" Tanong ko habang sinusuklay ang mahabang buhok.
"Sa ECH daw sa St. Grace. Balita ko ay mga bigatin raw ang mga nando'n dahil social gathering ng mga well- known personalities." Nagkibit- balikat nalang ako dahil hindi ko naman alam kung saan 'yon.
Natapos nang i- prepare ang mga pagkaing i-se-serve sa venue. Pagod akong umupo sa isang tabi at pinanood ang mga nagkikintabang suot ng mga bisita. Talagang pangmayaman ang lugar na ito. Bakas din kasi sa mga imbitadong panauhin ang karangyaan sa buhay.
I notice the way they act. They smile at each other but I feel like there is something missing in it. Siguro, they smile because they felt the need to and not because they genuinely want to.
"I would kill to be invited in an organization like this," Narinig kong sabi ng manager namin.
Tiningnan ko siya at saka nginisihan. "Imbitado ka naman, Sir. Tingnan mo, nandito ka nga ngayon."
He rolled his eyes at me once again. Pinakawalan ko ang kanina pa gustong tumakas na tawa. "Che! Imbitado ako kasi manager ako ng food service. Gusto kong maging imbitado bilang ako."
I smile at him. A lot of people wish for that. Ako rin naman. When I look at the venue and see everything sparks, I suddenly want to be one of them. Siguro ay ganoon naman ang lahat, hindi ba?
He raised his brows at me kaya naman inosente akong tumingin sa kaniya. "Teka nga, bakit ba nandito ka at hindi nag-se-serve do'n? Pumaroon ka nga at nakita kong walang nagbibigay ng drinks sa isang table. Sayang ang ibabayad sayo kung uupo ka lang d'yan. Ikaw talagang bata ka!"
Kamot ang ulo ay tumayo ako sa kinauupuan. I just got here though. Hindi pa ako nakakasampung minuto ng upo, napalayas na ka'gad.
"'Yon! Akin na, Ernie. Pagagalitan ako ni Sir Polly kapag nakitang walang ginagawa."
Namula ang mukha ng katrabaho ko nang aksidente kong mahawakan ang kamay niya. I know my beauty. I know how it affect guys. And I happen to know that this guy like me too.
Dahan- dahan akong naglakad para maiabot ang drinks sa table na walang iniinom. Guys from there even ask my number and I reply that I do not have a phone even though I have one. Alam ko rin naman na sa itsura pa lang nila, isang gabi lang ang gusto. I don't like that. I happen to believe in saying that people should date to marry and not to fool around.
"Hey gorgeous. Mind if you spend the night with me?" Sabi ng isa na sa tingin ko ay artista dahil nakita ko na ang mukha niya sa tv noong nakaraan. He has a girlfriend on screen. Why is he flirting with me?
"No, thank you, Sir."
The other guys laugh at what I said. Sa itsura nila ay mukhang hindi makapaniwala na may tatanggi sa kaibigan. Bakit? Dahil ba gwapo? He looks only fine to me though. Nothing special. Narinig ko pa ang pagsipol ng iba noong magsimula akong umalis sa table nila. I maintain my calm face but in the back of my mind I want to kick them in their balls.
Kumuha pa ako ng drinks at napagpasyahan na mag-serve sa isang table.
I smile as I look at the people there. "Drinks, Ma'am and Sir." I politely said.
Nang maibaba ang ilan ay nagsimula na akong maglakad muli dahil may ilan pang inumin sa tray na hawak ko at naghahanap na lamang ng table kung saan ko ito mailalapag. Noong makita ang isang table ay nagsimula kong tahakin ang daan papunta roon. I keep my mouth shut as I walk past the boys who's cheering when I declined their friend's invitation.
Just when I thought everything was fine, I suddenly trip and poured the drinks on someone. Idagdag pa, I lied flat on the ground. Great. Just great.
Tila humina ang tugtugan sa paligid. Noong pagmasdan ay nakita ko kung paano kumuyom ang panga ng lalaking nasa harapan ko at mariing ipinikit ang mata nang makita na basa ang kulay puting long sleeve niya.
"Oh my god! Are you alright" Tanong noong babae na agad dumalo sa kaniya.
"I'm sorry, Sir. Hindi ko po sinasadya." Paghingi ko ng tawad. Lumunok ako nang makaharap ang malamig niyang titig. Sa pag- ihip naman ng hangin ay naramdaman ko ang paghapdi ng tuhod dahil skirt lamang ang suot ko at napangiwi ako dahil doon.
"You ruined my shirt," Mariin niyang sabi sa akin.
"Opo. Pasensiya na po."
He roll his eyes off me. Wow! Ako nga ang nasugatan dito, oh.
"You're so careless. Why do you even serve drinks? Hindi mo naman kaya." Patuya niya.
Umawang ang bibig ko. I've never met someone as inconsiderate as this guy in front of me.
Ngumisi ako at pinutol siya noong makitang magsasalita pa. "Aksidente nga po ang lahat. Pasensiya na dahil nasira ko ang porma ng mamahalin mong damit. Mawalang galang na po pero aalis na ako dahil may trabaho pa ako."
Tinalikuran ko sila pagkatapos noon. Gusto ko sanang lumakad nang mabilis pero dahil sa sugat ay hindi ko kinaya. Mukhang na- sprain pa ang paa ko kaya mabagal at paika- ika akong naglakad.
When I thought I was done with that guy, I felt someone grabbed my arm. Mabilis ang hakbang niya kaya napabilis rin ang akin. Naramdaman ko ang paghapdi ng hita dahil sa paglakad at nang makarating sa tapat ng restroom ay isinandal niya ang likod ko sa pintuan nito.
Inis akong tumingin sa kanyang kulay tsokolateng mga mata.
"I hate it when someone cuts me off. More so when someone walks away from me," Madilim niyang sabi sa akin habang kaunti nalang ang pagitan ng mukha naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
Roman d'amourIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...