Kabanata 7

895 9 2
                                    

"Hindi ko sinasadya, Bella. Hindi ko sinasadya." Paghingi ng paumanhin ni Papa habang nakatingala siya sa akin.

"Ano ang hindi mo sinasadya, Papa?" Mariin kong tanong. Napasipol ang lalaki sa likod ko at narinig ko naman ang pagbawal sa kaniya ni Hernanda kaya tumahimik.

Hindi umimik si Papa. Para bang may tinik na nakabara sa lalamunan niya na nag-uudyok sa kaniya para kainin ang mga salitang dapat niyang sabihin.

"Alright, I'm running out of patience. Let me summarize what your dear old man did." Huminga siya nang malalim at umiling- iling na tila ba napakadismayado sa pangyayari. "Arabella, walang utang na nabayaran ang Papa mo. Kung tutuusin ay nadagdagan pa nga. And he even tried to swindle and take money from me. Sinubukan kaming nakawan ng magaling mong ama. At sa pagkabaon ay ikaw ang ibabayad niya."

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Hernanda. What the hell?

"Anong 'ako' ang ibabayad?" Naguguluhan kong tanong.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang pisngi. "Dear, you're gonna be my little puppet. You'll seduce my nephew and will make him fall for you. And then you'll marry him."

Tumawa ako dahil hindi ko na napigilan. Ang lakas magbiro ng babae na ito. Ginawa pa akong mang- aakit. "Teka lang Ma'am, ayos ka lang po?" Tumatawa kong sabi. Para siyang iyong lalaki na nakausap ko. Mga nananaginip ata ito ng gising.

"Bella, totoo ang sinasabi niya. Pumayag ako sa plano. Ikaw ang bayad." Paos na sambit ni Papa at hindi makatingin sa akin.

Doon ako nanigas sa kinatatayuan at gusting magmura mula sa narinig.

"A-Anong ako? Papa naman!" Bakas na ang inis sa boses ko.

Imbis na kaawaan ako ay napalitan pa ng inis ang mata niya nang lumingon sa akin. "Wala ka namang ginagawa, ah! Pumayag ka na! Gusto mo bang sumabog ang ulo ko dito? Hawak nila ako, Bella!"

Teka lang, bakit parang kasalanan ko pa?

"Bakit ako papayag, 'Pa? Isusuga mo ako sa lalaking hindi ko kilala? Paano kung mamamatay tao pala 'yon? Paano kung matandang hukluban-"

"Nope. He's your age. And my nephew is very handsome, Missy." Pagtatanggol ni Hernanda sa pamangkin niya na lalong ikinainit ng ulo ko.

"Wala akong pakialam kung ano ang itsura niya. Hindi ako papaya kaya tigilan niyo ang kahibangang sinasabi niyo!" Inis kong sabi.

"Bella! Gusto mo ba 'kong mamatay?!" Asik ni Papa sa akin. Nakita ko pang mwinestra ng isang lalaki kung paano niya babarilin si Papa. Bakit ako ang nadidiin? Bakit kailangang ako ang gumawa ng paraan? Bakit parang ako ang gumawa ng problema? "Bella, pumayag ka na! At saka nasa edad ka naman para mag- asawa."

Tumingala ako para hindi bumagsak ang luhang gusto nang pumatak.

"Naririnig mo ang sinasabi mo, Papa? Ipapakasal mo ako?" Nanginginig kong tanong sa kaniya.

I've got so many dreams. Wala pa ang pag- aasawa doon. Pinagpaplanuhan ko na mag- aral ulit tapos ganito ang mangyayari? Maglalaho na parang bula? Makakadena ako sa problemang ginawa niya?

"Oo! Hindi mo ba naiintindihan?! Bayad na ang utang ko. Makakapagtrabaho ka pa. Mabubuhay tayo. Kesa naman nasa restaurant ka at waitress lang!"

I scoff and laugh sarcastically again. Nag- unahan na pumatak ang mga luha ko. Ganoon ba kababa ang tingin niya sa trabaho ko? Pero 'yong trabaho na 'yon ang bumuhay sa amin. 'Yon ang nagpakain sa amin,

"Papa naman..." Nanghihina kong sabi.

Akala ko ba ay pamilya ang kakampi mo? Akala ko ba ay pamilya ang magtatanggol sayo? Bakit ang sarili ko pang Tatay ang nagtataboy sa akin? Para niya akong tinulak sa bangin. Siya pa na sarili kong laman at dugo.

"Bella, pumayag ka na. Hindi ka ba naaawa sa akin?" Pagpapaawa niya na hindi ko sinagot.

Lumapit sa akin ang babae at pinunasan ang luhang lumalagaslas sa pisngi ko pero tinabig ko ang kamay niya.

"Bella, if I were you, I wouldn't waste this chance." Sabi niya at ngumiti ng malambing. Pero kahit gaano pa kalambing iyon ay malamig pa rin ang pakiramdam ko.

"Bella, pumayag ka na. Bakit pa kita naging anak kung pababayaan mo lang ako?" Sambit pa ni Papa.

Fuck this life. Why am I always the loser? When can I ever win? Bakit hindi ako makagalaw kung kelan ko gusto? Bakit hindi ko magawa ang gusto ko?

"Fine. Papayag ako. Pero 'Pa, paglabas natin ng warehouse na 'to, tandaan mo na pinatay mo na ang anak mo sa ginawa mo." Malamig kong sabi habang nakatingin kay Papa. Nang tingnan ko si Hernanda ay malaki ang ngiti nito. Yayakapin pa nga ako nito pero umiwas ako. They are at their happiest at the expense of my pain. "Tapos na ang usapan. Pumayag na ako. Uuwi na kami."

Tumango sa akin si Hernanda. She offered her hand pero tiningnan ko lang iyon. I just want this night to end. "Great. I'll text you my address. Pumunta ka bukas. You have to learn everything about him."

Pinakawalan nila si Papa at naglakad na ako papalabas. Bumuga ako ng hangin at pumikit nang mariin. Tonight, I was buried alive. I was killed. All of my windows of hopes were shattered by the stones they have thrown. Para akong squirrel na paikot ikot sa wheel. Hindi uusad at mananatili sa iisang pwesto.

Pumara ako ng taxi at pinasakay si Papa. Tahimik kaming dalawa sa loob at tanging ang radyo lang at ang driver na humuhuni sa kanta ang maririnig. Pumikit ako, pinipilit ang sarili na matulog na lamang.

Tonight, I'll dream about my vanished dream life. The life I once thought I'll achieve.

Nagbayad ako sa taxi at bumaba na kami sa harap ng bahay namin. Hinila ni Papa ang braso ko ngunit tiningnan ko siya. His face was bruised. Namamaga ang mata at putok ang nguso. "Bella, pasensiya ka na,"

I was so done with this. I just want to rest. "Sana naisip mo man lang ang kalalabasan bago mo ginawa 'yon,"

Lumabas sina Lolo at Lola at saka kami hinila papasok. Alalang- alala sila kay Papa. Akmang aakyat na ako papunta sa kwarto nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Lola, tinatanong niya kung ano ang nangyari."Tapos na, 'La. Okay na." Sabi ko.

Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na ako na manatili lang na ganito.

Nahiga ako sa kama ko at tinalikuran ang natutulog na kapatid. Tonight, I hope I'll be one with the stars even if it's just in my dreams.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon