Kabanata 12

729 9 0
                                        

"I'm sorry. Hindi na mauulit, Sir." Kinakabahan kong sabi.

Kumurba ang sulok ng labi niya paitaas at nakita ko kung paano napuno ng aliw ang mata niya. "So you're my new assistant, huh?" Tumango ako sa tanong niya. His chuckle filled the air. "Fate must be playing with me."

Napapikit ako. Holy cow. He remembers it. He remembers me shouting at him. He remembers me almost throwing my shoes at him.

Napangiwi ako at hilaw na ngumiti sa kaniya. "Sorry talaga, Sir. Sorry po."

Ngumisi ito at mas inilapit ang mukha sa akin. "Nasaan na ang tapang mo? Bakit natahimik ka ata ngayon?"

Dahil ikaw ang magpapasweldo sakin at kailangan kong gawin 'to. I calm myself down and stop myself from saying it. Be nice, Bella. Be nice.

"That was a long time ago, Sir. Masama ang araw ko noon. I got pissed easily." Sagot ko.

Ngumisi siya ulit. Oh how I would love to pluck his beard with tweezers one by one!

"What's your name?" Tanong niya sa akin.

"Arabella Renly. Bella nalang po."

"Alright, Bella. Once we leave this kitchen, all the memories that happen from our past encounter will be wiped out of our heads. Trabaho lang ang iisipin mo. It would be better for us to leave all those unnecessary things behind. Good?" Nakahinga ako nang maluwag at tumango sa kaniya. "Great. Now, discuss my schedule for today."

Tinalikuran niya ako pagkatapos noon at saka pumunta sa dining room at naupo sa lamesa. Inginuso niya ang upuan sa gilid para umupo ako kaya sinunod ko. Nang mailabas ang bag ay binuklat ko ang notebook kung saan nakalagay ang schedule niya.

"You have a meeting with the European investors at nine-"

Tiningnan niya ako at huminto sa pagkain. "The Brits or the Italians?"

"The Italians, Sir. Your meeting with the Britains are set to be next week."

Tumango siya at mabilis na nilagok ang juice. Pagkatapos ay ininom niya ang tubig sa gilid. Ako naman ay nagpatuloy sa pagsasabi ng mga kailangan niyang daluhan na programa sa araw na ito.

"Don't I have a vacant hour at lunch at least?" Tanong niya saka tumayo at isinuot ang coat niyang kulay itim. Naglakad na siya at sinasabi ko na nga ba ay napakahaba ng biyas niya.

"One hour for lunch lang po, Sir." Tinanguan niya ako habang hinahabol ko ang malalaki niyang hakbang. Nang buksan ang pinto ay pinauna niya akong lumabas. "I-ca-cancel ko po ba ang isang meeting?"

"Hindi na. It's not that important anyway." Sagot niya.

Kumaway si Kuya Gary sa amin nang maglakad kami papalapit sa kaniya.

"I assumed you already met him. Gary, my personal driver."

Tumango ako sa kaniya.

"Nagkausap na kami kanina, Sir. Naitanong pa nga niya kung mabait daw ba kayo. Baka daw po nangangagat kayo eh." Dimitri pursed his lips and raised his brow at me upon hearing what his driver blurted out. I put on my liveliest smile and smile at him and Kuya Gary.

"Si Kuya Gary talaga!" Malambing kong sabi. Why did he have to say that?

"Really? What did you tell her then?" Tanong ni Dimitri pagkapasok naming tatlo sa sasakyan.

Narinig ko ang pagtawa ni Kuya Gary na katabi ko. "Syempre, Sir, ang sinabi ko ay mabait kayo."

The side of Dimitri's lips rose again. He looks so sexy whenever he does that. Kaya lang ay naiinis ako sa kayabangan niya. "Yeah. I don't bite, Bella."

Noong makarating kami sa tapat ng kompanya ay mabilis akong sumunod sa kaniya. People are staring at me. Siguro ay dahil bagong mukha sa office. Sinubukan kong ngumiti sa kanila at ngumingiti naman ang mga ito pabalik.

"Simon, can you look at the computer in the second floor? Hindi ata gumagana nang maayos." Sambit ng Boss ko nang matapat sa table ng isang lalaking nakasuot ng salamin. Mabilis pa sa kidlat na tumango ito at sumunod sa utos ni Dimitri.

Naglakad pa kaming dalawa at sa lahat ng floor ay halos
may ipaalala siya sa lahat ng mga empleyado. Tatlo ang palapag ng building. Lima ang department ng kompanyang ito at sa bawat building ay hati sa dalawang side. Sa third floor kasama ng office ni Dimitri ang Accounting and Credit Department.

"Bella, water." Utos niya.

Mabilis kong inabot ang tubig sa kaniya habang nasa loob kami ng elevator papunta sa office niya. Pagkainom ay ibinalik niya ito sa akin. Lumabas kaming dalawa sa elevator. Nasa dulong bahagi ang office niya. Katabi noon ay may maliit ding kwarto na sa tingin ko ay para sa akin. Hindi nga ako nagkamali dahil huminto siya doon at pumasok kami.

"This will be your office. Nandito na ang lahat ng kailangan mo. I'll call you at the intercom when I need something from you."

Tumango ako sa kaniya. Kitang- kita ko ang loob ng office niya mula rito dahil sa blinds lang ang takip noon.

Pumunta na siya sa kwarto niya at ako naman ay ipinalagay ang sarili sa bagong opisina. Nasa tabi ko naman si Simon para tulungan ako kaya hindi ako masyadong nag-aalangan na gumalaw-galaw. Binuksan ko ang computer at gumawa ng account dito. Habang nagtitipa ay nakita ko ang paglapit ng isang babae kay Dimitri. Hininto niya ang pagbabasa ng file noong yumakap ito sa leeg niya at ipinatong ang ulo sa balikat niya.

She looks like a model. With a coca cola body and tall height. She's also blonde. Ano? Girlfriend siya ni Dimitri? Totoo naman pala ang sinabi ni Krissy, mahilig nga ito sa blonde girls.

"Simon, sino ang babae na 'yon?" Tanong ko dahil sa kuryosidad.

Nilipat ni Simon ang tingin sa kwarto nila Dimitri. "Ah, si Ma'am Kristine 'yan. Ang sabi nila ay magkaibigan lang daw ang dalawa pero hindi ako naniniwala. Pakiramdam ko ay mayroong namamagitan sa kanila na malayo sa pagkakaibigan."

Tumango- tango ako. Mukha nga.

Habang sinisipat ko silang dalawa ay bumaling sa direksyon ko si Dimitri kaya ibinalik ko ang tingin sa computer. I don't know why but I can't stand his intense gaze. Para akong napapaso. Hindi ko matagalan.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon