I found myself at the bathroom sink of his room habang siya ay marahang pinupunasan ang mukha ko. Pagkatapos ng ilang minutong pag- iyak kanina ay natangay niya ako paalis ng bar at papasok ng kotse niya.
"We're almost done," Mahinang sabi niya at saka ibinaba ang towel noong matapos punasan ang mukha ko.
I pouted and grab his face. I touched his stubble and caress his face gently. "I like you. I like you so much I even told Can about it a while ago. But you don't seem to like me."
Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Binitiwan ko ang mukha niya at saka pinunasan ang luha.
"Bella—"
"Kay Kristine, lagi kang nakatabi. Kapag sa kaniya hindi ka man lang naiinis. Noong birthday mo niyakap mo pa siya! Ang sakit no'n! Para mong dinudurog ang puso ko." Umiiyak kong sabi. He cupped my face, pinunasan niya ang tumutulong luha sa mga mata ko. "And Kristine told me that you are her boyfriend. That you love her so much!"
"Say it again, baby."
"Alin? Na mahal na mahal mo siya-" Naguguluhan kong tanong.
"That you like me."
"I like you, Dimitri. I never liked a man this much."
"God, I wish you can remember this when you wake up tomorrow." I saw how the side of his lips curled. "Bella, I like you too. I like you so much I am going crazy for you. And baby, there is nothing going on between me and Kristine. It is only you."
Humikab ako at saka pumungay ang mata habang nakatingin sa kaniya. Iniyakap ko ang kamay ko sa balikat niya at isinandal ang ulo sa dibdib. I felt him kissed my head and just like in a snap, I doze off to sleep.
Kinabukasan ay nagising ako nang masilaw sa liwanag na tumatama sa mukha. Kinusot- kusot ko ang mata at kinakabahang bumangon. Shit. Late na ako at nang inilingon ko ang mata ay nakita ko na nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Nang tingnan ang suot ay nakita ko na black shirt ako at isang boxer shorts. Did something happen last night? Did I sleep with someone?
Kinakabahang tumayo ako mula sa kinahihigaan at halos madapa pa nang masabit ang paa sa kumot. Inikot ko ang kwarto at kumabog ang dibdib nang makita ang isang picture frame. It was young Dimitri with his Mom and Dad. He looks very cute and tiny as he hugs them and smile at the pics.
Pero wait, bakit ba ako nandito?
Shit!
Waves of memories from last night rush back to my mind. Napahawak ako sa bibig noong maalala ang paraan ng pagsasabi ko na gusto ko siya, kung paano kami nakarating dito, pero sa huling parte ay nakalimutan ko ang mga sinabi niya. At kahit anong piga ko sa utak ay wala akong maala. Kapag lumabas naman ako ngayon ay hindi niya ako makikita diba? Kasi nasa gym siya at busy.
Huminga ako nang malalim at dahan- dahang naglakad palabas ng pinto. Nakapikit pa ako nang isara ang pinto at talagang sinusukat kung may tunog na lalabas. Napabuga ako ng hangin nang magtagumpay na walang tunog na magawa.
"Where are you going?"
"Ah!" Napahawak ako sa dibdib ko noong marinig ang boses niya sa likod. Boom! Sabog ang plano. "Why are you here?"
Kumunot ang noo niya. He doesn't look so sweaty. Akala ko ba ay nag-gi-gym siya lagi bakit ngayon ay parang hindi. "What do you mean? Bahay ko 'to," Pabalang niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng mata niya.
He smirked at me. He must think I am a fool. I confess my feeling for him last night kaya alam kong may laman ang ngisi niya na 'yan.
"Bakit wala ka sa gym?" Tanong ko. "Akala ko ba araw- araw kang nag-e-exercise?"
"I did. Napaaga lang. Let's go downstairs. Nagluto ako., Sabi niya at saka ako inalalayan pababa.
Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. "Uuwi na ako, Sir. Pagagalitan ako ng pamilya ko."
He shakes his head. "Eat first. Huwag kang mag- alala, I'll drop you off."
Bumusangot ako at walang nagawa nang igiya niya muli ang braso ko. Pagbaba sa dining room ay binigyan niya ako ng pagkain. I get conscious because he keeps on staring at me. Kapag nakita ko ay ngingiti pa kaya ang ending ay timil lang ang pagkaing nagawa ko kanina. Pinapatibok niya ng sobrang bilis ang puso ko. Madaya. Bakit ako lang ang nakakaramdam nito? Bakit siya ay hindi?
"Stop staring at me! Nahihiya ako." Nakabusangot kong sabi.
I heard him chuckle at my side. "Can't help,"
Napalunok ako at saka nag- iwas ng tingin sa sinabi niya. There is something on his eyes too. The way it smiles when he smiles with me looks so genuine.
"Uuwi na ako Sir." Sabi ko dito pagkatapos niya akong painumin ng gamot para sa sakit ng ulo.
"Don't go to work today. I'm sure your head is killing you right now. Take a rest."
"Bakit? Eh 'di wala kang assistant doon!" Sabi ko.
He smile and caress my hair. Pinaikot- ikot niya ito sa kamay niya. "I'll be on my own today." Sabi niya at saka lumapit para amuyin ito. "Your hair always smells great."
"Sige na, Sir. Uuwi na po ako." Kinakabahan kong sabi sa kaniya. He nod at me at saba kaming lumabas. Wala si Kuya Garry at hindi ko alam kung bakit. I'd like to ask him but I'm scared because he always makes me nervous.
Tahimik ako buong biyahe, hindi din naman siya nagsasalita. Noong makatapat sa bahay namin ay bababa na sana ako nang hitakin niya ang kamay ko. My heart beats fast when our eyes met. He cleared his throat at parang nahihirapan pa sa gustong sabihin.
"I hope you remember what I said last night. And if you do, please know that it is true, Bella."
Damn. Now I'm dying to know what he said last night. At bakit siya ngumingiti ngayon? Ano ba kasi iyon?
BINABASA MO ANG
Pay The Price
Storie d'amoreIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...