Kabanata 40

583 11 0
                                    

Pinaglaruan ko ang kamay naming dalawa ni Dimitri habang nakasakay sa passenger seat ng sasakyan niya. Pupunta kaming dalawa ngayon sa bahay dahil sinabi ko na kay Lola na may boyfriend na ako. Nagulat nga ito pero nang sabihin ko na si Dimitri iyon ay tumango lang at sinabi na imbitahan ko daw siya dito para makilala nila.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin. Ang kaliwang kamay niya ay nasa manibela habang ang kanang kamay naman ay nakahawak sa kaliwang kamay ko.

"Hindi ka ba kinakabahan?" Tanong ko sa kaniya. He looks so calm while driving samantalang ako naman ay parang sasabog na ang puso sa sobrang kaba kakaisip kung ano ang mangyayari mamaya.

"No. Why would I?"

Napanguso ako nang lingunin niya. "Hindi ka kinakabahan sa kung anong sasabihin nila sa atin?"

Tumawa siya at saka hinalikan ang kamay ko. "No, baby. I can tell they are good people because they raise a wonderful woman like you."

Noong makarating sa bahay ay pinapasok na agad kami ni Lola. Papa's eyes are serious as he looks at Dimitri. We talk about him last night. Nasabi niya na baka ginawa ko lang daw boyfriend si Dimitri dahil sa pinagkasunduan namin ni Hernanda. Ang sagot ko naman ay hindi dahil hindi ako ganoon kababa para gawin iyon. At isa pa, pinakalinaw ko sa kanila na babayaran ko ang utang na 'yon kaya wala itong kinalaman kay Dimitri. Hindi ang nararamdaman ko ang bayad sa utang ni Papa.

"Ano ang plano mo sa apo namin, hijo? Baka naman naglalaro ka lang. Ayaw kong masaktan ang apo ko sa bandang huli." Sabi ni Lola matapos kaming kumain. Nasa sala kami ngayon at katabi ko si Dimitri sa sofa na inuupuan. Hinawakan ko ang kamay niya nang magsimula ng umatake ng tanong ang pamilya ko.

"Totoo po ang nararamdaman ko sa kaniya. At isa pa, we are not teenagers anymore who like to play games. I am not getting younger. Ayaw ko na po sa laro- laro." Sagot ng boyfriend ko. Tumango ang pamilya ko sa sinabi niya. Even Gabbi beside Papa smiles at us.

"Ah, magpapaalam po sana ako. May company trip po kasi kami bukas at kasabay ko si Dimitri." Kinakabahan kong sabi. "Ano kasi, 'La, 'Lo, 'Pa, doon nalang muna ako tutuloy sakaniya ngayong gabi. Sabay kasi kami bukas tapos maaga pa ang alis," Nahihiya kong sabi at halos magtago sa likod ng boyfriend ko.

Pinaningkitan nila ako ng mata. Tumawa si Gabbi at saka bumulong kay Papa. Sinabihan ko siya na tulungan ako para pumayag at sana naman ay tulungan nga ako.

Papa cleared his throat. "Sige na at kuhanin mo na ang gamit mo sa taas. Magpatulong ka kay Gabriella at kakausapin lang namin nang masinsinan ng Lolo mo ang boyfriend mo."

I pressed Dimitri's hands and looked at him with worried eyes. He just nodded and smile at me kaya nakangising umakyat ako papunta sa kwarto. Si Gabbi naman ay sumunod sa akin at tumawa sa reaksyon ko dahil mabilis na mabilis akong naghagilap ng mga gamit na kailangan.

"Ang saya mo Ate, ah!" Panunudyo ng bunsong kapatid ko.

I smirk even more. "Syempre naman,"

Mabilis lang natapos ang pag- aayos ko ng gamit. Pagbaba ay nakita ko si Dimitri na tumatawang nakikipag- usap kay Lola. Ano kaya ang sinasabi ni Lola sa kaniya? Baka naman inilaglag ako na naiihi ako sa kama noong bata.

"Tapos na ako," Sabi ko. Nilingon ako ng boyfriend ko mula sa kinatatayuan niya at saka nilapitan. Kinuha niya sa akin ang bag na dala at siya ang nagbitbit.

"We'll go now. Maraming salamat po sa pagkain. I really enjoy being here." Nakangiti niyang paalam sa pamilya ko. Lola smiled and hugged him. Para bang matagal na silang magkakilala kahit 'yon pa lang naman ang pormal nap ag-uusap nilang dalawa. Papa and Lolo tapped his shoulders like it's what they usually do.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon