Kabanata 10

779 8 0
                                        

"Speak softly, Bella. Embody your name. Delicate. Beautiful. Huwag kang parang kobrador na mangongobra ng tataya sa huweteng." Patutyada ng baklang kaibigan ni Hernanda.

Umirap ako sa sinabi ni Krissy. Kasama siya ni Hernanda ngayon at inaayos ang paraan ko ng pagsasalita. Hindi ko nga alam kung bakit pati 'yon ay pinakikialaman nila. Pati ba naman 'yon ay mapapansin ni Dimitri?

"Good day, Sir Dimitri. I am looking forward to working with you." Sinabi ko ulit sa mas malambing na boses. Ngumiti pa ako katulad ng sabi nila at napangiwi pagkatapos. Why do I sound like a teenager trying to coax her crush? That doesn't even sound like me.

Nagulat ako nang pumalakpak sila at ituro ako. Sumenyas pa sa akin si Hernanda ng thumbs up. Ang pangit ng boses ko. Anong kinatuwa nila doon?

"Tama 'yan. You know men get really daze when women speak softly. Para kasi silang hinehele." Nakangising sabi ni Krissy sa akin. Bumusangot ako at umupo sa upuan sa sobrang pagod. "Ah! Tumayo ka riyan at aralin ulit natin ang paglalakad mo. The last time we check nadapa ka noong naglakad ka gamit ang heels. Learn it because you'll wear it every day."

Bumuga ako ng hangin at binigyan sila ng mapagtanong na tingin. Pumalakpak lang ang dalawa at saka itinuro ang pintuan kaya wala akong nagawa at naglakad nalang papunta roon. Nagsusuot naman ako ng heels. Hindi nga lang madalas dahil mas komportable ako sa flats at rubber shoes kaya medyo hirap talaga sa paglalakad gamit ito.

Nagsimula na akong maglakad. Noong una ay nakangiti pa ako ngunit sa hindi ko alam na kadahilanan ay bigla nalang akong natumba. Napapikit ako nang tumama ang katawan sa tiles na sahig. Shit! Paano kung maglalakad pa ako? How can I keep up walking with Dimitri? Mukhang ang hahaba pa naman ng biyas no'n. Isang hakbang niya ata ay dalawang hakbang ko na.

"Oops! Tayo! Huwag ka kasing mukhang tinuli. Gawin mo na parang natural lang ang paglakad." Sabi ni Krissy.

Inayos ko ang suot na damit nang maitayo ng isang kasambahay at saka busangot silang tiningnan. "Paanong magiging natural ang lakad kung heels ang gamit?" I hissed at him.

Pinaningkitan niya ako ng mata at nilapitan. Hinila niya ako pabalik sa pwesto ko kanina at saka sinermonan ng napakaraming salita. Nakanguso lang ako habang nagkukunwaring nakikinig sa kaniya kahit ang totoo ay lumilipad naman ang isip ko kung saan.

"Okay. Walk now. Tandaan mo ang lahat ng sinabi ko."

Tumango ako sakaniya na kunwari ay may natatandaan sa sinabi niya. Nagsimula na akong maglakad. And by some luck, I manage to reach back and forth without tripping and landing my face down the ground.

"That's better. Maiaayos pa 'yan kung ang heels ang lagi mong suot para masanay ka." Krissy said.

Tumango si Hernanda. "Siguro ay magsanay ka sa bahay niyo. Heels na ang suotin mo simula ngayon. May tatlong araw ka pa naman bago magsimula ang trabaho mo."

"Ano? Sa bahay din? Sumasakit na nga po ang paa ko!" Halos magpaawa na ako sa kanilang dalawa ngunit walang paki ang mga ito. I sigh in annoyance and sat on the couch.

Nginitian ko ang isang katulong nang bigyan ako nng merienda. Mabuti pa ang mga ito, thoughtful. Kinain ko ang ibinigay nito at saka tinanggal na rin ang heels dahil sa sumasakit na talaga ang paa ko. Habang kumakain ay napaisip talaga ako kung ano ang mangyayari kung hindi gumana ang plano ni Hernanda na ito.

"What if this really won't work?" Tanong ko. Tiningnan nila akong dalawa.

"It will." Hernanda said, her voice is filled with hopes.

"Nah. What if it really doesn't? Ano ang mangyayari sa akin? Sa amin ng pamilya ko?" Tanong ko.

"Stop with the negative thoughts, girl. Maging positive ka naman for once. Gagana 'to, ako ang nagsasabi sayo." Sabi ni Krissy.

I just hope that guy doesn't remember me again. Madami naman siyang ginagawa kaya baka hindi niya na ako maalala. Saka sino ba naman ako para maalala pa niya, diba?

Sa gitna ng malalim na pag- iisip ay narinig kong bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang lalaki. I think the place just sparks when he entered. His wavy brown hair looks so fluffy that it bounces with his single move. His eyes wondered among the place. Nakita ko kung paano kumurba ang labi niya nang magtagpo ang mata naming dalawa. He politely smiled at me. All in all, he looks like an angel.

Hold up! I think I saw him somewhere too.

Ah! The billboard! His face is almost everywhere.

"Can! My lovely son!" Sabi ni Hernanda at tinakbo ang pagitan nilang dalawa.

"Hi Mom," God. His voice sound even more angelic. It sound so soft.

"Mabuti at napadalaw ka. Are you done with the taping yet?"

Umiling si Can at ngumiti. "Hindi pa po. But we're almost finished. Gusto ko lang na dumaan para kamustahin kayo. Where's Dad, anyway?"

"Out with his friends, as usual. They're playing golf again. You know your father can't stand not going out."

Can smirk and nod his head at his mother. Inilinga niya ang mata niya at nang magtagpo muli ang tingin namin ay nginitian ulit ako nito. "And who's that lovely lady over there, Mom? You don't want to introduce me to her?" Nakangisi niyang sabi at nilapitan ako. "I'm Can."

"Bella." Mahina kong sabi. Lumapit sa amin si Hernanda at ngumiti nang pilit.

"Son, she's the one I told you about. The thing with Tri." Makahulugang sabi nito. Nakita kong nagproseso kay Can ang sinabi ng Mama niya.

Tumango ito at tiningnan ulit ako. "Well, my cousin is lucky to have someone as beautiful as her. Do you want a drink, my lady?"

My cheeks heated up. Umiling ako.

"Hindi na." Nahihiya kong sabi.

Nilapitan niya si Krissy at nag- usap silang dalawa. Bakit hindi nalang ito ang pagtatrabahuhan ko? He look so nice. Bakit kailangang mapunta ako sa taong mukhang ang laki- laki ng galit sa mundo?

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon