Kabanata 22

621 10 0
                                    

Naramdaman ko ang paggising sa akin ng isang kamay kaya napaungot pa ako dahil sa pagtulak- tulak nito sa akin. Nagsisimula na akong mainis sa paulit-ulit na ginagawa nito kaya idinilat ko na ang aking mga mata at nang buksan ay nakita ko si Lola sa tabi ko.

"Bella, gising na! Anong oras na, oh? Late ka na sa trabaho." Sabi niya na nagpabalikwas sa akin. Tiningnan ko ang relo at nakitang mag- aalas otso na. Holy cow! Gagayak pa ako at magbabyahe pa. Anong oras kaya akong makakarating kina Dimitri?

"Oh God! He's gonna kill me!" Sabi ko at mabilis na tumayo sa higaan at dumiretso sa banyo. Sobrang bilis ng kilos na ginawa ko. Sa daan na nga ako nagsuklay ng magulong buhok at halos pahintuin ko ang oras. Ano ang kakainin ni Dimitri? Siguradong magagalit 'yon sa akin. Ayaw na ayaw niya ng late.

"Kahit na. Late ka pa rin." Nanghihina kong sabi sa sarili.

I-ti-next ko siya gamit ang cell phone ko ngunit hindi naman ito nag-reply. Sabagay ay hindi naman ito mahilig sa texts. Pero iniisip ko na irritable ito sa akin kaya hindi niya masagot ang mensahe na isinend ko. Halos takbuhin ko ang papasok ng bahay pagkatapos kong bayaran ang taxi at naabutan ko siya na nasa kusina at umiinom ng juice na dapat ako ang gumawa.

"Sorry, Sir." Mahina kong sabi. He looked at me with his cold eyes. Back from the way it used to be.

Gone are the eyes that melted me last night.

"It's fine. Let's just go." Maikli at malamig niyang sabi.

Napakagat ako ng labi nanag lagpasan niya ako at dumiretso na papalabas. Habang nasa sasakyan ay sinabi ko sa kaniya ang schedule ngunit tahimik lang itong nakinig at tumango. Napalunok ako noong magkasalubong ang titig namin sa salamin na agad niyang iniwasan. Hinawakan niya ang neck tie at niluwagan ito at hanggang sa makarating sa kompanya ay wala siyang kibo.

Nakaupo ako sa swivel chair at lumilipad na naman ang isip sa ginawa niya. Last night, he almost made my legs jelly with his burning gaze. He even led my hand to his beating heart. Tapos ngayon ay bakit ganito siya kung umakto? Bakit ang lamig- lamig niya at parang may kasalanan akong ginawa? Hindi ba'y dapat na ako ang mainis dahil dinala niya ako sa rurok pagkatapos ay binitin dahil hinatid niya si Kristine nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?

I tsk- ed on my seat. He's so moody. I can't even understand him. Tumayo ako at pumunta sa office niya para sabihin na mag-pe-present na ang isang department ng monthly report. "Sir, purchase department are ready to present their monthly report."

Hindi niya man lang ako tiningnan at busy sa pag- swipe sa iPad na hawak kaya kumunot ang noo ko. "Let them in."

Pagkapasok ng department ay pumwesto ako sa gilid niya para makinig. He's extra meticulous today than the other days. Ngayon ay ultimo typography at katiting na discrepancy ay napapansin niya. Sa huli tuloy ay natapos na puro sermon ang natanggap ng purchase department kaya nakabusangot silang lumabas.

"Ano ba ang nangyari kay Sir? Bakit gan'yan ang inis ngayon?" Tanong nila sa akin.

Nagkibit balikat ako. I also don't know why. "Hindi ko rin alam. Sige na at bumaba na kayo sa floor niyo. Baka marinig pa kayong nagkekwentuhan at mas lalo pang magalit."

Akmang tatalikod na ako at babalik nang may humabol at umakbay sa akin. Si Can iyon at nakapa- shades pa habang hinihila ako papasok ng opisina.

"I'll never do that again, Bells. Damn. Puyat na puyat ako!" Sabi niya sa akin.

Tumawa ako. "Sino ba ang nag- ayang magpunta sa amusement park? Can, hindi ka na naawa sa mga workers. Ginising mo pa talaga."

"Don't tell me you didn't enjoy that? Todo sigaw ka pa noong nag- roller coaster tayo ah!" Umasim ang mukha ko nang maalala ang nangyari kagabi.

"Oh God, I remember how I threw up last night. Kadiri!" Sabi ko. Can's laugh fills the air. Halatang aliw na aliw ang loko dahil halos hindi ito makahinga. Sino ba naman kasing matinong tao ang mag- aaya ng ganoon? Noong makauwi kami ay halos alas kwatro na ng umaga. Mabuti nga at hindi pa gising sila Lola noon dahil baka hatawin ako kapag nadatnan na gano'ng oras na umuwi.

Habang nagtatawanan kaming dalawa ay nag- ring ang intercom. I picked it and saw Dimitri clenching his jaw while looking at us. "Tone down your laughter. You are disturbing me." Pagkasabi niya noon ay pinatayan na niya ako ng tawag.

Hinila ko si Can papunta sa pantry area ng floor namin at doon kami nagkwentuhan. Nag- aalala niya akong tiningnan. "Anong sinabi? He sounds angry. Is he angry with us?"

Nagkibit balikat ako. "Kanina pa iyon galit. Siguro dahil na-late ako at pagpunta ko sa bahay niya ay aalis nalang kami." Tumango- tango siya at mukhang may mas malalim pang iniisip. "What?"

"I think I know why he's acting like that but I'll let you figure it out." He said while smiling mischievously at me.

"Ano nga? Gan'yan ka, Can? Pahihirapan mo pa ako?" Tanong ko sakaniya na may kahalong pagpapaawa..

"Decipher it. It's for you to find out, anyways." Nag- ring ang phone niya at napamura pa nang mahina noong makita ang nagtext. "I have to go. The management is calling me."

"Ay wait!" Kinuha ko ang bracelet na nasa bulsa at ibinigay 'yon sa kaniya. Noong isang gabi kasi ay nag- uusap kami ni Gabbi at hinanap niya ang isa kong bracelet. Nasabi ko na ibinigay ko sa kaibigan. Gulat na gulat nga ang bata batuta noong sinabi ko na si Can 'yon. Idol pala niya.

Inabot ni Can ang bracelet mula sa akin. Mangha niya itong tiningnan.

"Bigay 'yan ng kapatid ko. Idol ka,"

Niyakap niya ako nang mahigpit at saka tumakbo sa elevator. "Tell her I'm thankful!"

Narinig ko ang malakas na sigaw ni Dimitri mula sa kwarto kaya naalarma ako. Tiningnan ko ang glass window niya at nakitang mukhang halos manunontok na ito sa inis kaya nanlalaki ang mata kong naglakad papalakad doon.

"Bella, timplahan mo ng kape. Kanina pa 'yan tumatawag. Hindi mo lang napapansin dahil kausap mo si Sir Can."

Halos mapasapo ako sa noo at mabilis na pinuntahan ang coffee maker. Should I write a farewell letter? Because I think I didn't just woke the sleeping dragon, I even anger him.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon