Kabanata 15

747 9 0
                                        

Gabi na noong makauwi ako. At dahil malimit ang sasakyan sa daan ay inihatid ako ni Can sa amin. He is so kind and charming. It always feels like you're in cloud nine because of the way he treats you. I smile as I remember how he helped me last night. Mabuti nalang talaga at nandoon siya kung hindi ay talagang ngangawa ako sa hirap.

Pagbaba ay naabutan ko ulit sila Lolo at Lola na nagkakape. Pinaningkitan nila akong dalawa ng mata kaya inosente akong tumingin pabalik, nagtatanong kung bakit ganoon ang mga reaksyon nila sa akin.

"Bakit 'La? Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kaganda?" Pilya kong tanong. Tumawa ako nang magmwestra ito na babatuhin ako ng tsinelas.

"Ang aga mong umaalis kahapon pero gabi ka naman na umuuwi. Ano ka? Trabaho pa ba talaga 'yan?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman po! Saan pa ba ako pupunta?"

"Baka naman nakikipag-date ka na?" Tanong ni Lolo. Umiling ako sakanila dahil hindi naman talaga. At saka kung makikipag-date ako ay pwede naman diba? Ang tanda ko na na 'to. Isa pa, paano ako makikipag-date kung kahit hindi ko gustuhin ay parang nakatali na ako kay Dimitri? Baka katayin ako ni Hernanda kung magkataon.

"Una na po ako! Mahuhuli po ako eh!" Paalam ko at saka kumaway na sa kanila at naglakad papalabas ng bahay.

Tinahak ko ang daan papunta sa bahay ni Dimitri at kinawayan si Kuya Gary nang makita siyang nagpupunas ng sasakyan. Close na kaming dalawa sa loob ng dalawang linggong pagtatrabaho ko ditto at napag- alaman ko rin na si Dimitri ang nagpapaaral sa nag-iisa niyang anak na nasa elementarya pa lamang. Tinulungan din daw siya nito sa pagbabayad sa hospital noong manganak ang asawa niya. Kaya naman pala sabi niya ay masungit mang tingnan ay mabait rin ang Boss ko.

"Bella, nga pala, kaarawan kasi ng anak ko ngayon. Kung pwede ka ay pumunta ka sa amin. May kaunting salo- salo." Aya niya sa akin.

"Susubukan ko, Kuya Gary. Pakisabi nalang sa anak mo na 'happy birthday'!" Sabi ko at saka dumiretso na sa bahay ni Dimitri.

Huminga ako nang malalim at pinatong sa gilid ang bag. Tanging ang makalumang tugtugin lang ang maririnig na tumugtugtog. Tugtugin ito sa bahay namin kaya alam ko ang lyrics at hindi napipigilan ang sarili sa ag-indak habang nagluluto ng pagkain.

"No one can tell me that I'm doing wrong today, whenever I see you smile at me. No one can tell me that I'm doing wrong today. Whenever I see your smiling face my way," Pagsabay ko sa kanta.

Luminga- linga pa ako sa paligid at umindak habang niluluto ang omelette. Paglingon ko sa harap ay impit akong napasigaw nang makita ko si Dimitri na walang suot na t- shirt, nakahilig sa dingding at naka-krus ang mga braso habang tinitingnan ako. Nang maglakad ay nakita ko ang tattoo niya sa likod, pares ng pakpak at mayroong nakasulat na sa tingin ko ay latin quote. He has this puzzled look on his face, siguro ay nagtataka kung ano ang ginagawa ko.

"Nand'yan ka pala, Sir. Ginulat mo naman ako. Bakit ba hindi ka kasi nagsasalita?" Pabulong kong sambit. S'yempre 'yong huling mga salita ay mahina kong sinabi dahil baka bugahan ako ng apoy ng lalaki na ito kung maririnig niya 'yon. He's not a morning person and he often gets irritated easily.

Lumapit siya sa pwesto ko para kuhanin ang juice na ginawa at mabilis niyang tinungga iyon. Dumasog ako nang maramdaman na dumasog rin siya papunta sa pwesto ko.

Bakit biglang uminit?

"What?" Suplado nitong tanong sa akin.

Ngumiti ako na parang natatae. Tinuro ko ang hagdan na lalong ikinakunot ng noo niya. "Magbihis ka muna, Sir."

He looks at his bare chest and walks out of the kitchen. Siguro ay napagtantong hindi ako komportable na nakikita ang balat niya. Nang makaalis siya ay mabilis ang ginawa kong paghinga. Bakit ba nagkakaganito ako pag lumalapit ang lalaki na 'yon? May allergy ba ako sa kaniya?

Pagbaba ni Dimitri ay nasa dining area na ako at naghihintay sa kaniya. Lumapit siya na nakasuot pa lang ng suit vest, ang coat niya ay nakasabit pa sa balikat. Habang kumakain ay tinanong pa ako nito kung hindi daw ba ako kumakain kaya sinabi kong hindi ako kumakain sa umaga dahil pakiramdam ko ay masusuka ako.

"I just remember, where's the report?" Putol niya sa pagsasalita ko nang sabihin ko sa kaniya ang schedule niya sa araw na ito.

Ngumiti ako at proud na proud sa sarili. "Natapos ko po," Nakangisi kong sabi.

Ano ka ngayon?

"Nasaan?"

"Nasa office, Sir. Iniwan ko doon kagabi."

Nilingon niya ako. A smug look flashed in his face. "Sinabi ko bang iwan mo sa office? I told you I want it first thing in the morning,"

Is he serious? Wala man lang ba siyang konsiderasyon? Ang hirap- hirap ng ipinagawa niya sa akin tapos ay ganito pa ang ibubungad.

Huminga ako nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. "Isinend ko naman sa email mo ang soft copy, Sir."

"I want the manuscript," Suplado niyang sagot. Ang lalaki talaga na ito! Ang kulit. Ilang beses ba siyang inire ng nanay niya para maging ganiyan siya paulit- ulit?

"Nasa office nga po," I used my softest voice at that, nagtitimpi na huwag makipagsigawan sa kaniya.

Nang makarating kami sa kompanya ay agad kong kinuha ang manuscript at saka mabilis na pumasok sa office niya at inabot iyon. Nakakahiya nga at mukha pa akong hinihingal.

He pursed his lips as he turned the pages.

"Ayos ba, Sir?" Nakangisi kong tanong. He looks at me kaya napatutop ako ng bibig. Parang tropa ko lang kung kausapin kaya maling- mali. "Charot lang, Boss."

"It's good," Mataman niyang sabi at isinara na ang folder kahit hindi pa nangangalahati sa pagbuklat.

Umalis na ako ng office niya at napabuga nang hangin nang makalabas roon. Mabuti nalang talaga at tinulungan ako ni Can. Kinahapunan ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Hernanda na pumunta daw ako sa kanila. At tapos naman na ang trabaho ko kaya kinuha ko ang bag at lumabas ng kompanya.

Nagulat ako nang sabay pa kaming maglakad ni Dimitri papunta sa elevator.

"You're going home?" Tanong niya habang naglalakad kami papasok sa elevator.

Umiling ako. "May pupuntahan pa ako, Sir."

Tumango siya at nilingon ako nang nakayuko dahil hamak ang tangkad niya sa akin. "Sumabay ka na sakin."

Nanlaki ang mata ko at umiling- iling. No way. Malalaman niya na sa tiyahin niya ako pupunta. "Huwag na, Sir."

Bumukas ang elevator at nakita ko si Kristine na pumasok ditto at mabilis na iniukyabit ang braso nang makita si Dimitri sa loob. Hindi ko alam kung ano ang binubulong niya pero nakita ko ang pagngisi ni Dimitri at ang mahinang pagtawa nito.

Pinaglaruan ko ang kamay ko sa buong ride at laking pasasalamat ko nang mabukas na ang elevator at makalabas na ako.

"Una na po ako," Sabi ko at saka umalis na sa harap nilang dalawa.

Nakarating ako sa bahay nila Hernanda. Naabutan ko siya na nasa pool area at nagbababad doon kaya umupo ako sa gilid niya.

"How are you? Any progress?" Tanong niya.

Umiling ako. "He seems so close to Kristine. Bakit hindi nalang siya ang utusan mo? Mukhang mas madaling makukuha si Dimitri kung siya ang gagawa ng mga ipinagagawa mo sa akin,"

I saw how her eyes twitched when I mention Kristine. Huminga pa ito nang malalim na para bang pinapakalma ang sarili galling sa narinig mula sa akin.

"Huwag mong babanggitin ang pangalan ng babae na yan. Snake! I hate her!" Inis niyang sabi.

"Bakit? Sinabi ko lang naman kasi lagi siyang nasa tabi ni Dimitri." Takot kong ani. Para kasing ready na siyang makipagsuntukan. Baka ako ang gawing punching bag ng babae na ito kung magkakataon.

Humarap siya sa akin. "Lahat ay susulutin ng babae na 'yan, Bella. Watch your back. Baka mamaya hindi mo alam sinasaksak ka na n'yan. At bantayan mo si Dimitri dahil hindi siya nababagay na mapunta sa babae na 'yon."

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon