Kabanata 47

505 8 0
                                    

Pag- uwi sa bahay ay patuloy ang pag- iyak ko. Gulat na gulat sila Lola sa akin ngunit imbes na sagutin ang tanong nila kung ano ang nagyari sa akin ay nagkulong ako sa kwarto at doon ibinuhos lahat ng iyak ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay ikamamatay ko ang nararamdaman ko ngayon. I somehow wish I could be lifeless right now so I couldn't feel the pain and so I could run away from the reality. Siguro ay pinagsisisihan na ni Dimitri ang pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Siguro ay pinagsisisihan na niya ang pinagsamahan namin. He might've felt disgusted of the thought of me. He might've felt disgusted of him saying I love you to me.

Deserve ko ba ang masaktan ng ganito? All my life, all I could think about is how my family will be happy. I gave them everything they needed to feel the happiness. Noong inuna ko naman ang sarili ko at hinayaang sumaya, ganito pa ang nangyari. May problema ba ang mundo? O ako ang problema?

Kristine's anger is very valid to me. Siguro ay iniisip niya noon na siya na dapat ang mamahalin ni Dimitri. Kaso ay sumingit ako. Kaso ay inagaw ko si Dimitri sa kaniya.

Napabuga ako ng hangin at napalingon sa pinto na pwersahang ibinukas. Pumasok si Lola sa kwarto ko at niyakap ako. Hindi na siya nagtanong pa sa akin. Siguro ay natunugan na ayaw ko rin naman na magsalita at sagutin siya.

"Apo, halika na. Kumain ka muna. Ilang oras ka nang umiiyak d'yan."

"Ayaw ko, 'La. Wala akong gana."

Umiling siya sa akin at hinatak ako. Wala akong pwersang makipaghitakan pabalik kaya natangay ako sa hila niya. Pagbaba ay nakita ko si Lolo at Gabbi na nakatanaw agad sa amin. Napakagat ako ng labi nang lumapit sila sa akin at saka ako inalalayan paupo.

"Alam na ni Dimitri ang nangyari sa amin ni Papa. Kung bakit ako pumasok sa kaniya. Sasabihin ko rin naman kalaunan, eh. Hindi ko naman itatago. Kaso inunahan ako. Sinabi na ni Kristine," Umiiyak ko ulit na sabi at saka napatakip sa mukha. "Lola, si Dimitri, mahal na mahal ko 'yon. Mahal na mahal ko siya kaya para akong sinasaksak tuwing maaalala na sinaktan ko siya. Pinangako ko na mamahalin ko siya eh. Sinungaling ako. Hindi ko tinupad,"

Napapikit ako nang yakapin nilang tatlo. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagtula rin ng luha nila. Kasabay ng nadudurog kong puso para kay Dimitri ay ang pagkadurog rin ng puso nila para sa akin.

"Nasaan si Papa?" Tanong ko noong makita na wala pa rin siya. Kailangan ko siya ngayon. Kailangan ko ng yakap ng ama ko.

"Huwag mo na siyang alalahanin, apo." Sabi ni Lola. Umiling ako. Parang may tinatago na naman sila sa akin.

"Nasaan po si Papa?" Bumuntong hininga si Lolo sa tanong ko na iyon at parang hindi na nakatiis.

"Nagsusugal na naman. Pasensya na apo, hindi talaga namin mabawal. Parang kapag hindi nakapaglustay ng pera ay hindi makakahinga."

Laglag ang panga ko sa sinabi ni Lolo. Sakto naman ay pumasok ang ama ko. Nakapamulsa pa iyon at ngingisi- ngising gulat na tumingin sa amin. I scoff. Really? Tinitiis ko lahat ng pagod sa trabaho tapos siya ay nagsusugal lang?

"Nagsusugal ka ulit, Papa?" Galit na tanong ko.

Umiling siya. "Hindi! Sinong nagsabi—"

"Nagsusugal ka ba ulit Papa?" Tanong ko sa mas mataas na boses.

"Hindi nga! Sino ba ang nagsabi niyan?!" Galit rin niyang pagsisinungaling.

"Sinabi ni Lolo! Nagsusugal ka na naman?!"

Inignora niya ako at humarap sa dalawang matanda. "Nay! Tay! Ang sabi ko ay sikreto lang natin diba? Hindi talaga kayo mapagkakatiwalaan!"

"Hindi nila kasalanan, Papa! Nangako ka na diba?! Nangako ka na titigil na?! Gan'yan ka ba lagi?!" Tanong ko sa kaniya.

"Ka- OA mo naman, Arabella! Magpasalamat ka at hindi ako ganoon naglulustay ng pera katulad dati!"

I scoff at what he said. "Ah! So, ipagpapasalamat ko pa pala 'yon? Ipagpapasalamat ko pa pala na hindi ka tumutupad sa usapan? Ang galing naman, Papa!" Sarkastiko kong sabi.

Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. "Tigilan mo ang pagsasalita mo sa akin ng gan'yan! Baka nakakalimutan mo na ako pa rin ang ama mo!"

Tumawa ako at pinalis ang luhang tumutulo. "'Yan na nga, 'Pa! Tatay ka, diba? Tatay ka kaya bakit gan'yan ang ginagawa mo? Bakit nagsusugal ka lang at hindi inaalala kung ano ang mangyayari sa pamilya natin?" Huminga ako nang malalim dahil sa paglalabas ngsama ng loob. "Papa, ikaw ang tatay, diba? Bakit kailangang ako ang magtrabaho? Bakit kailangang ako ang mamroblema sa gastusin sa bahay? Bakit kailangang ako ang sumalo ng lahat ng utang mo?"

Humagulgol ako sa sakit na nararamdaman. "Papa, ang laki ng tampo ko sayo! Ang laki ng tampo ko tuwing iniisip na hindi mo naman pinapahalagahan ang ginagawa ko. 'Pa, noong nagkautang ka, hiniling mo na huminto ako sa pag- aaral kasi kailangan ng magtatrabaho para magbayad kaya huminto ako. Ang sabi ko sa sarili ko no'n, 'ayos lang 'yan Bella kasi ang Tatay mo naman ang isasalba mo'. 'Ayos lang 'yan Bella, may isang taon pa naman, makakabalik ka pa'. Pero bumalik ba ako? 'Pa, tatlong taon na! Ga-graduate na dapat ako, oh! Pero anong nangyari sa akin? Nagtatrabaho ako para may kainin tayo!"

"Isinusumbat mo ba sa akin ang mga ginawa mo?" Nagngingitngit niyang tanon.

"Hindi ko sinusumbat, Papa! Ipinakikita ko sa iyo kung gaano ka naging pabaya sa amin!" Pinunasan ko ang luha ko. "Papa, hindi ka ba naaawa sa akin? Hindi ka ba nagsasawa tuwing uutang ka? Tuwing pagbabayarin mo ako? Tuwing ako ang sasalo sayo? Kasi ako sawang-sawa na, Papa! Sawang- sawa na ako sa ganitong buhay. Lahat ng pangarap ko nawala. Papa, dapat ay nag- aaral ako ngayon. Dapat may diploma na ako. Pero asan ako? Nagtatrabaho! Hindi ko naman gawain ito ah?!"

"Huwag kang magmataas, Bella! Kung wala ako ay wala ka sa mundo na ito!"

"Hell, I really wished I wasn't born at all." Sabi ko at saka tumakbo papaalis ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na. Basta ayaw ko lang manatili sa bahay. Para akong nakukulob at sasabog. Hindi ko kaya.

Nanlalabo ang mata ko noong naglalakad sa daan. My head is spinning too. Naramdaman ko ang paggewang- gewang kasabay ng pagbusina ng sasakyan at pagtama ng katawan ko sa matigas na semento.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon