Hindi ako makatingin kay Dimitri nang makabalik kami sa kwarto namin. Pagkatapos ng nangyari kanina ay parang hindi ko na kaya na lumapit pa sa kaniya. Embarrassment filled my system as I remember how I tricked him that there is a person in the door at saka ako tumakas at tumakbo papalayo. Ang sabi niya kanina ay hindi ko daw alam kung gaano ko siya binabaliw pero parang baliktad naman ang nangyayari. I think I am the one going crazy over him and he knows it. He knew what his effect on me is and he is still continuing to do it.
Malamig ang simoy ng hangin sa balcony ng room namin. Tinanaw ko si Dimitri na nasa living room at nanonood ng tv. I pouted my lips as he seem so unbothered samantalang ako ay parang puputok na ang ulo sa ginawa at sinabi niya kanina.
He said there is nothing going on between him and Kristine. Kristine said that they are in a relationship. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanilang dalawa dahil magkakontra ito. Iyon bang sinabi ni Dimitri o ang naoobserbahan ko? If it's from observation, I would say they are in a relationship because they seem to be really close to each other. But at the same time, if they are an item, why would Dimitri kiss me? And why would he say that he'll go wherever I go.
"Ay!" Naiinis na sabi ko at saka sinipa ang tubig sa pool. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gulong- gulo na ako sa lahat.
Nag-ring ang cell phone ko at nakita si Hernanda ang tumatawag. Isa pa ito, dalawang gabi na na lingerie ang suot ko dahil wala man lang siyang pinadalang pajama sa akin.
"Ano? Kamusta? Nadiligan ka na ba?" Halos maubo ako sa sinabi niya mula sa kabilang linya. Anong kahibangan ang sinasabi nito?
"What the hell? Anong nadiligan? Ma'am, gising ka po ah." Sabi ko sa kaniya.
"Hindi ako nanaginip, Bella. Gising ako. Did you have sex?"
Napatayo ako sa kinauupuan at pabalik- balik na naglakad. "What? Are you crazy?" Malakas kong sabi kaya napatakip ako ng bibig nang lingunin ako ni Dimitri. Ngumiti ako. "Kaibigan ko lang."
"I am not crazy, Bella! Nagtatanong lang ako kung ano na ang nangyari. Don't tell he didn't even get tempted at you?" Namula ang pisngi ko sa sinabi niya at napatahimik. Naalala ko kasi ang halikan na naganap sa aming dalawa ni Dimitri sa pool area. "Oh something happened, huh? Hindi ka makasagot eh!"
"Stop-" Sabi ko habang naglalakad pabalik- balik sa pool na tumatahip ang dibdib.
"No, dear. I want you to tell me all of it. In full details. Was he good in bed? Goddamn, he is an Everett. My husband is so good. They have this image—"
"Oy, stop it alrea— Aaaah!" Sabi ko nang matapakan ang tubig sa gilid ng pool habang pabalik- balik ang lakad. Nabitawan ko ang cell phone ko at hindi ko alam kung saan ito tumilapon dahil naramdaman ko nalang ang pagtama ng katawan ko sa tubig. Kinampay ko ang kamay ko at mabilis ang paghinga na iniahon ang ulo.
"Bella!" Sambit ni Dimitri at saka pumunta sa pwesto ko. "What are you doing? You could've said you wanted to swim."
"Nadulas ako. Where's my phone?" Nag- aalalang tanong ko at luminga- linga sa paligid.
Bumuntong hininga siya at saka inabot ang kamay. "Here, take my hand. I'll pull you out."
Inabot ko ang kamay niya ngunit dahil isa akong maswerteng bata ay nauyot na naman ako sa pool. Ang ending ay nalaglag rin siya at basing- basa na kami pareho.
"Fuck!" Sabi niya at saka sinuklay ang buhok na basa ng tubig. "You pulled me,"
"I didn't!" Tiningnan niya ako nang makahulugan. "Alright I did. Nadulas ulit ako, eh. Nasaan na ba kasi ang cell phone ko?"
"You just pulled your boss into the pool and made him soaking wet and yet you still think of your phone?"
Napanguso ako na ikinangisi niya naman. "Sorry na, Sir. Pero kailangan kong mahanap ang phone ko. Wala akong pamalit." Inginuso niya ang kabilang parte at nakita ko ang phone ko doon. Halos magliwanag ang mata ko nang makita ito at nang mahawakan ay agad ring napabusangot. It's not opening. "Wala pa akong pamalit sayo. Bumukas ka naman!"
"Don't worry, I'll buy you one." Dimitri said. Iniangat niya ang bewang ko at saka ako umalis sa pool. Binalaan pa ako nito na mag- ingat daw sa paglalakad dahil basa ang paligid.
Nang makarating sa kwarto ay hinubad ko ang damit na basa at ang itinira lang ay ang bra at panty. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na naisara ang pintuan ng kwarto.
"Goodness gracious." Narinig kong sabi ni Dimitri. Napatili ako at humanap nang maitatakip sa katawan. "Fuck, I thought you're at the restroom."
"Well, I'm not. Kaya Sir, chupi!" Sabi ko dito at hiyang- hiya sa pinaggagawa.
Nang makapagbihis ay saka pa lang ako lumabas. Puting lingerie ang suot ko at bakat nga dito ang kulay pulang bra at panty na ipinadala ni Hernanda. Nang magtagpo ang tingin namin ni Dimitri ay agad siyang nag- iwas ng paningin.
"Tapos na ako. Ikaw naman ang magbihis." Ani ko. Tumango siya at mabilis pa sa kidlat na umalis. I even heard him mutter a curse while walking away from me.
Sinundan ko siya ng tingin at frustrated ang itsura nito na dumiretso sa banyo. What the hell is wrong with him? Medyo may katagalan rin siya doon at hindi ko alam kung ano na ang nangyari kaya inabala ko nalang ang sarili sa pagbubugnot sa hindi bumubukas na cell phone.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
DragosteIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...
