Kabanata 57

538 10 0
                                    

Impit akong napatawa noong makita ko ang text niya. Noong nakaraang linggo ko pa nasabi sa kaniya na gusto siyang makausap nila Papa at ngayon ang araw kung kailan siya pupunta sa amin.

Tumunog ang cell phone ko at nakitang tumatawag na siya. "Hey," Bati ko.

I heard him sigh on the other side. "Should I bring something later?"

"H'wag na. Magluluto nga kami nila Lola mamaya." Pagpapaalala ko sa kaniya.

"Hindi ba nakakahiya na ang sarili ko lang ang bitbit ko?" Doon ko na nailabas ang tinatagong tawa. I could feel how anxious my man is. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito sa buong buhay niya. Kahit sa meeting sa malalaking investor ay hindi naman 'yon kinakabahan. "Don't laugh at me, baby. I'm about to shit myself here,"

"Sarili mo lang ang dalhin mo dahil sarili mo lang naman ang kailangan dito. And please relax, Tri. Hindi ka nila kakainin." Sabi ko.

"I'm just afraid they will not approve of me. Gusto kong makasama ka, Bella. And I want to love you freely. Iyong walang humahadlang."

I smile. Sinuklay ko ang buhok ko. "Everything is gonna be alright, Dimitri. Sige na, I could hear someone knocking on your door. Mamaya nalang,"

Nagpaalam na siya sa akin pagkatapos noon. Naisip ko ang sinabi niya sa akin. Paano nga kung hindi talaga pumayag sa amin sila Papa? Siguro ay hindi rin ako papayag noon. I love Dimitri so much I can fight for us now. Hindi na ako naduduwag. He is my happiness. And I won't let anyone hinder us.

Pamaya- maya ay tinawag na ako ni Lola. Nagpapasama kasi siyang mamalengke sa amin ni Gabbi dahil marami rami daw siyang lulutuin. Habang naghihintay sa kaniya na bumili ng gulay ay nagsalita ang kapatid ko sa tabi ko.

"Ate, gusto ko lang na malaman mo na susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo sa buhay. Idol kaya kita. Sobrang namamangha ako kung paano mo ako napapakain at napapag-aral. Ang hiling ko lang ay hindi ka na sana umiyak. Kung iiyak man ay sana dahil nalang sa saya. Sana ay mahalin ka ng buong- buo ni Kuya Dimitri. Kasi deserve mong mahalin katumbas ng pagmamahal na binibigay mo."

"Aww! Halika nga dito. Kaya love na love ka ni Ate eh," Sabi ko at saka siya niyakap.

Noong makarating sa bahay ay kaming lima ang nag- aayos ng lulutuin. Day off ni Papa sa trabaho ngayon kaya nandito siya para tumulong.

"Bakit hindi ka bumili ng alak, Emmanuel? Tingnan natin kung hanggang saan ang aabutin ng nobyo ni Bella." Tumatawang sabi ni Lolo. Sinabayan din siya ni Papa samantalang si Lola ay sinamaan sila ng tingin.

"Hindi pa nga sinasagot, 'Tay. Manliligaw pa lang daw niya," Sabi ni Papa at ngumisi nang tingnan ako. Ngumuso ako at namumula ang pisngi habang pinagpatuloy ang paghihiwa.

"Noong kapanahunan namin ko ay hinaharana ko pa ang Lola mo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko napapapayag ang ina niya na payagan akong makita siya. Ipinagsibak ko pa ng kahoy 'yan." Napapikit nalang ako sa sinabi ng Lolo ko. Ayan na naman si Lolo sa usaping matanda niya.

"Ano, 'Tay? Sabihan natin mamaya na magsibak ng kahoy? Anak mayaman iyon. Baka hindi matagalan at sumuko." Aliw na aliw na sabi ni Papa habang nakasulyap sa akin.

"Hindi siya karapat- dapat para sa apo ko kung susuko siya. Pero mukhang malabo, Emmanuel. Maganda ang katawan noong bata. Mukhang batak sa pag- eehersisyo. Hindi katulad noong naging nobyo ni Bella na isa. Iyong mapayat na, duwag pa." Sabi ni Lolo. Natawa na doon pati si Gabbi. Paano ay naaalala niya ang ex ko. "Tingnan mo at pati si bunso ay natawa sa kinekwento ko. Ano, Gabbi? Pangit iyon 'no? Hindi bagay sa lahi natin na napakaganda."

Umiling ako sa kanila. Mukhang iniinis lang ako ng mga ito, eh.

"Tigilan niyo ang pagkekwentuhan niyo d'yan. Tingnan mo nga at napakabagal mo maghiwa!" Galit na sabi ni Lola kay Lolo kaya nanahimik nalang ito sa gilid. Kalalaking tao, tiklop sa asawa niyang napakaliit lang.

Noong matapos kaming magluto ay nag- ayos na ako. Simpleng puting dress ang isinuot ko. At nang may narinig akong kumatok sa pinto ay binuksan ko ito agad at nakita si Dimitri na natulala sa akin.

"You are so beautiful," He mouthed at me when we started walking to the table. I giggle at his side. Nagmano siya sa pamilya ko. Magkatabi kaming dalawa sa upuan at nakikita ko kung paano siya kabahan kaya kinuha ko ang kamay niya at pinagsiklop ang kamay naming dalawa.

"Ano ang plano mo sa anak ko, Dimitri? Sasaktan mo na naman ba siya?" Tanong ni Papa.

Sumegunda si Lolo na mayroong mariing tingin sa lalaking katabi ko. "Nakita ko kung paano umiyak ang apo ko noong naghiwalay kayong dalawa. Nawala 'yan sa sarili. Ayaw kong mangyari ulit 'yon."

Piniga ko ang kamay niya para ipaalala na nasa gilid niya lang ako at magiging ayos lang ang lahat. His chest rise up and down before he let a deep breath.

"I knew how bad she was hurt before. I was hurting too. We started in a wrong foot and when we make a wrong move, everything fell out. I was angry at her for a moment but when I hear the whole story, I understand her." He smiled lightly. "Naisip ko na wala siyang pamimilian kung hindi ang sumunod sa utos ng Tita ko. But even after a month that passed by, my heart still beats for her. Sinubukan ko po na kalimutan siya kasi akala ko ay madali lang. Na kapag kinalimutan ko siya ay babalik sa dati ang buhay ko, iyong tahimik lang. But I was wrong. She completely ran in my system. She completely owns me. My heart, body, mind, and soul."

Tiningnan niya ako. He caress my hand with his thumb. "Alam ko po na may pagdududa pa rin kayo sa akin hanggang ngayon. That's completely understandable. You just want the best for her and I do want it for her too. That's why every single day, I'm trying to change and be the best I can be for her. Because she deserves it."

I smile at him. This is the man I love. This is the man I want to walk with me for the rest of my life. This is the man I'll be with even if destiny is getting on our way. It is him or no one else.

"Tito, Lola, Lolo, Gabbi, mahal ko si Bella. With her, I found my way to love again. Kung mawawala siya sa akin ay para na rin akong mamamatay. I only want her and her only."

The dinner finished. Paulit- ulit lang ang sinabi ng pamilya ko sa kaniya na huwag akong sasaktan. Ngumiti ako sa kaniya na nasa harap ng kotse.

"You nailed the question and answer portion. Lakas mo," Sabi ko sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin. "I just want everything to be fine with us this time."

I let out a deep breath and walk towards him. I tiptoed and gave him a smack but when I was about to pull out, he deepen the kiss and grabbed my waist.

"God knows how much I miss this lips." He sensually whispered in my ear. Napakagat ako ng labi. I miss his too. "Am I still a suitor?" Tanong niya at saka hinalikan ang pisngi ko.

"Nagmamadali ka ba?" Bulong ko pabalik sa kaniya. His chuckle filled my ear.

"Nagtatanong lang, Ma'am." Sabi niya at saka ako hinalikan muli bago pumasok sa sasakyan niya at umuwi.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon