Nanginginig akong lumabas ng comfort room. Narinig ko pa ang pagtawa ni Kristine sa pagiging pikon at iyakin ko. Pinalis ko ang luha ko at mabilis na lumabas ng venue. How dare he do that to me? How dare he have sex with another girl? Akala ko ba ay ako lang? Akala ko ba ay sa akin lang siya? All this time I hated myself for lying to him pero ang totoo pala ay siya ang sinungaling. The same lips that I always enjoy kissing kissed someone else. The hands that brought me to places I have never been touched someone else. Siguro nga ay tama ang sinabi sa akin nila Lola noon. Siguro nga ay hindi na talaga ako dapat nakipagbalikan sa kaniya. Ang sakit sakit niyang mahalin. Ang hirap- hirap.
I kind of hope Can could take me out but he's inside having a blast with Seraphine. Ayaw ko naman na bulabugin silang dalawa at hawahan ng kalungkutan ko kung napakasaya nila. Naglakad ako papalabas ng venue at noong nasa parking lot na ay nakita ko si Earl. Gulat na gulat siyang nilapitan ako habang nanginginig naman ang balikat ko sa kaiiyak.
"What happened, Bella?" Tanong niya at saka hinawakan ang magkabila kong balikat.
Umiling ako sa kaniya. Hindi ko kayang magsalita ngayon. Natatangay ng luha ko ang gusto kong sabihin. "Can you take me away from here? Ayaw ko na dito, Earl."
Tumango siya sa akin at iginiya ako sa sasakyan niya. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya paalis sa venue. Hindi pamilyar ang pinuntahan naming dalawa pero sa tingin ko ay nasa condo niya kami. Pinapasok niya ako at pinaupo sa sofa.
"I'll get you water." Sabi niya sa akin.
Wala pa ring tigil ang pag- iyak na nararamdaman ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa sa mga sinabi sa akin ni Kristine. Iniisip ko ang anak nila. Kawawa ang anak niya kung hindi makakasama nito makakasama si Dimitri. Mangungulila siya. Alam ko ang pakiramdam na wala ang magulang sa tabi. Wala kang matakbuhan. Ganoon ba ako kasama para iparanas iyon sa munting bata? Siguro ay talagang hindi kami para sa isa't isa. Siguro ay talagang ayaw kaming pagsamahin ng tadhana kaya kahit anong gawin naming dalawa ay hinding- hindi kami magkakatuluyan.
"Do you want to tell me what happened, Bella?" Earl said softly after handing me the glass of water. Napapikit ako noong kumirot ang puso.
"Earl, hindi ko na kaya. Sobrang sakit na." Umiiyak kong sabi. He hushed me by wiping the tears off my cheeks.
"You know what my mother told me when you feel hurt? You just cry it out, and soon you'll notice the pain will no longer be there. So cry it out, Bella. I'm gonna be here for you." Sabi niya sa akin at saka ako hinila para sa yakap. Ibinuhos ko ang luha ko sa kaniya habang magkayakap kaming dalawa. He caress my hair softly and continue telling me it is alright to cry.
Naputol lamang ito nang makita ko ang pagpasok ng galit na galit na si Dimitri. Nagtangis ang bagang niya nang makita kami sa ganoong posisyon.
"What are you doing with my girlfriend, Westly? Get your hands off her." Sigaw niya at saka hinila sa akin papalayo si Earl. Kwinelyuhan niya ito ngunit naitulak siya ni Earl.
"You should get your hands off her, man. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit siya nagpasama sa akin na umalis sa ball. You fucking hurt her," Umigting ang panga ni Dimitri at matalim na tumingin sa akin. Nasa gitna nila si Can dahil any minute ay magsasapakan na naman silang dalawa.
Nanghina akong tumayo at lumapit sa kanila. My head is spinning. Gulong- gulo ako sa mga salitang naririnig. Hindi ko alam ang susunod na nangyari because before I could even walk to their place, my vision turns black and I collapsed on someone's arm.
Nagising ako na may nakahawak sa kamay ko at pagdilat ng mata ay nakita ko si Dimitri. Nang magkatinginan kami ay hinaplos niya ang mukha ko ngunit iniwas ko ang paningin sa kaniya. I also noticed I was on his bedroom too.
"Are you alright now? You fainted thirty minutes ago." Sabi niya sa akin. Umupo ako at inalalayan pa niya ngunit itinulak ko ang kamay niya. He sigh deeply.
"Uuwi na ako," Sabi ko sa kaniya.
"Don't move, Bella. Baka mamaya ay bumagsak ka na naman." Umiling ako sa kaniya. A tear escaped from my eye every time I remember what Kristine said.
"Hindi. Ayaw ko na sa iyo!" Sabi ko at saka siya tinulak habang umiiyak.
He sigh again and hugged me tightly. "What happened, baby? Tell me what made you this angry with me."
"You impregnated someone!" Sigaw ko. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at parang hindi makapaniwala.
"What are you saying, Bella?"
"Don't act as if you didn't remember it, Dimitri! Ang sabi niya sa akin ay sarap na sarap ka daw! Ang sabi niya sa akin ay ligayang- ligaya ka habang ginagawa niyo iyon!" Pasigaw kong sabi sa kaniya.
"Baby, what are you talking about? I didn't sleep with someone else the moment I laid my eyes on you." Nagmamakaawa niyang sabi.
"Liar! Paano magagawa ang bata kung ganoon?" Sabi ko sa kaniya.
"Wait. Who the hell is that girl you keep talking I impregnate?" Gulong- gulo na niyang tanong sa akin. My heart breaks at his question. Parang pinipino ito sa sobrang sakit.
"Si Kristine! She told me you impregnate her! May pinakita siya sa aking pregnancy test at sonogram. Ano? Itatanggi mo pa?"
Kumunot lalo ang noo niya at saka umiling sa akin. "Fuck. I didn't even lay my hands on her. How would I get her pregnant?" Takang takang tanong niya sa akin.
"Dimitri, huwag ka nang magsinungaling. Please lang," Nanghihina kong sabi habang umiiyak.
Hinawakan niya ang kamay ko at dahil wala ng lakas ay hindi ko na siya naitulak. "Baby, I will prove to you that I didn't touch her. It is only you or no one else." Napapikit siya ng mariin. "Hell, how could I knock someone up when you are the only woman I can think of?"
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...