Kabanata 36

642 10 0
                                    

He likes me.

Dimitri likes me too.

Kumakabog ang puso ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto habang nakahiga. Just when he drops me off to our house, I remember our conversation last night; kung paano ko inamin ang nararamdaman ko sa kaniya at kung paano niya hinawakan ang mukha ko at sinabi sa akin na gusto niya rin ako. Naaalala ko na 'yon. I remember it all too well that I could even describe how he looks at that very moment.

Pabalik- balik akong naglakad sa kwarto namin ni Gabbi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko. Hindi ko alam kung bakit imbes na matuwa ay kinakabahan ako. Natatakot ba ako? Pero saan? Sa reyalidad na baka ang Bella na ginawa ni Hernanda ang gusto ni Dimitri at ang totoong ako ay aayawan niya? Fuck. Baka nga dahil doon.

"Bella, maupo ka nga. Tigilan mo ang pag- ikot- ikot dahil ako ang nahihilo sayo. Kaunti nalang ay ipapakat na kita sa upuan mo nang hindi ka magulo." Sabi ni Lola sa akin habang naghihiwa siya ng iuulam mamaya. Kaming dalawa lang ang nandito dahil si Gabbi ay nasa eskwelahan at si Lolo at Papa naman ay nangisda para magkaulam kami sa mga susunod na araw.

"'La naman eh," Pag- iinarte ko. Matalim niya akong tiningnan at huminto sa paghihiwa kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ang iniuutos niya.

"Ano ba 'yang iniisip mo at hindi ka mapakali? Sabihin mo sa akin nang sa gayon ay baka makatulong ako. H'wag lang pera dahil wala ako n'yan," Pagpapatawa nito na hindi naman umepekto sa akin.

Napabuntong hininga ako at umayos ng upo. "Lola, anong gagawin mo kung may isang lalaki ang nagsabi sayo na gusto ka niya? At 'yong lalaki na 'yon ay gusto mo rin. Pero natatakot ka sa kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw o buwan?" Tanong ko sa kaniya. Pinaningkitan niya ako ng mata kaya napaubo akong bigla. "Pinatatanong kasi ng kasama ko sa trabaho. May umamin kasi sa kaniya noong isang araw."

"Baka naman ikaw? Ano? May nobyo ka na ba? Sabihin mo sa akin na iyong Boss mo 'yan." Pang- aasar niya sa akin. Kumabog ang puso ko dahil sa patutyada niya. Oo nga, 'La. Tama ka. Pero hindi ko muna sasabihin sa ngayon 'yon.

"Ano nga ang gagawin mo 'La? Para naman makapagbigay ako ng advice sa kaibigan ko sa trabaho," May hilaw na ngiting sabi ko.

Bumuntong hininga siya at saka ako tiningnan. "Alam mo ang mga tao, Bella, mahilig silang mag- alala kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Mahilig silang manatili sa nakaraan kahit na alam nila na hindi naman dapat. Na kahit anong hirap kalimutan ng isang sitwasyon ay kailangan nating umusad. Kasi tayo ang kawawa sa huli kung hindi natin gagawin 'yon. Ang pinagtutuonan ng pansin ng mga karamihan ay ang kahapon at ang kinabukasan. Pero mali iyon. Kasi ang ngayon ang dapat. Kaya sabihin mo sa kaibigan mo na hindi sumisikat ang araw para alalahanin mo ang nakaraan at mag- alala sa kinabukasan. Sumisikat ang araw para ipaalala sa atin ang kasalukuyan. Na ang kailangan nating alalahanin ay ang ngayon. Hindi ang kahapon. Hindi ang bukas. Ngayon."

Lumunok ako dahil sa sinabi ni Lola. Doon ako natamaan ng kasalukuyan. Na kasalukuyan ay dapat akong mag- enjoy sa nangyayari at hindi mag- alala sa kung ano man ang kinabukasan. Sabi nga ni Can, it's now or never. Tama silang dalawa. People shouldn't dwell on the past or worry about the future but rather live on the present.

Nilingon ko ang pintuan nang bumukas ito at nakita ko si Gabbi na kasunod ang kaibigan niyang si Jacob. Tumatawa pa silang dalawa habang ibinababa ang bag sa sahig at iniwan ang mga sapatos sa gilid ng pintuan. Gabbi kissed mine and Lola's cheeks.

"Dito muna kami, Ate. Gagawa kaming dalawa ng assignment." Sambit ng kapatid ko na tinanguan ko naman.

"Kamusta, Jacob? Pasaway pa rin ba kayong dalawa?" Pilya kong tanong.

Jacob smirked at me but shakes his head. "Hindi na, Ate Bella. Hindi na nga kayo natatawagan ng teacher namin. At isa pa, tingnan mo, gumagawa kaming dalawa ng assignment."

"Aba ay dapat lang! Isasako ko nalang kayong dalawa kapag hindi pa kayo nagtino," Tumawa ako nang marinig na sabihin ni Lola 'yon.

Noong maghapon ay pumunta ako sa cafe nila Marco. Nandoon siya at si Gail, naglalampungan sila at nagulat pa noong pumasok ako. Nakangisi akong lumapit sa kanilang dalawa.

"Ano?" Supladong tanong ni Marco. "Advice na naman?"

"Ano ka rin! At hindi na ako manghihingi ng advice dahil malinaw na sa akin ang lahat." Mayabang kong sabi.

Sinundot niya ang bewang ko. "Yabang! Ano? Umamin na rin ba sa iyo?" Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Gail smile at us. "At kailan mo sasabihin na kayo na? Panigurado ay naghihintay lang 'yon sayo."

Napaisip ako. Kailan nga ba ang tamang oras?

"Bukas? Kelan ba dapat?" Tanong ko.

"Bella, ang mga bagay na ganito, hindi dapat pinagpapabukas. Ang tamang oras ay laging ngayon. Tandaan mo, it's now or never."

Tama, it's now or never. Kaya naman kahit nakita ko na bumubuhos ang ulan ay lumabas ako ng cafe nila Marco. Kahit nabasa ay nagtawag ako ng taxi na maghahatid sa akin. Pagkarating sa bahay ni Dimitri ay ilang beses akong kumatok. Basang basa ako sa ulan ng gulat niya akong pinagbuksan kaya hinila niya agad ako papasok.

"God, why did you go here in the middle of a heavy rain? Do you wanna get sick? You could get pneumonia and die." Sabi niya at saka kukuha na sana ng damit nang pigilan ko.

Hinatak ko siya sa braso at tiningnan ang kulay tsokolateng mga mata niya. "Paano si Kristine?"

Kumunot ang noo niya, gulong- gulo sa tanong ko. "What about her?"

"What about Kristine if you like me too? Paano siya? She said you're together,' Buhos ang lahat ng lakas ng loob na sambit ko sakaniya sa mahinang boses. Dimitri chuckle at what I said. Ako naman ang kumunot ang noo sa reaction niya. How can he laugh like that while I am almost losing my mind?

"There's no us, Bella. Kristine and I are just friends. I never see her as someone more than that so you don't have to worry. I only like you." He said, assuring and comforting my anxious heart.

Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya na iyon ngunit nagsimula ring gumaan ang dibdib ko. Parang daan- daang problema ang nakalimutan ko.

His eyes long for an answer but I don't have enough words to say so I let my lips do the job. I pulled him closer to me and sealed our distance with a kiss. Gulat siya noong una ngunit tumugon rin makaraan. He grabbed me closer to him by pulling my waist. His kiss is so tender as if he's scared he'll scratch me.

"Girlfriend mo na ba ako?" Sabi ko pagkatapos niya akong halikan.

He smiled. "Boyfriend mo na ako?" Napapaos niyang sabi.

Unti unti ay tumango ako na nakaani naman ng mas malapad na ngiti sa kaniya. "Then you are my girlfriend, Bella." Sabi niya. He pulled me for a tight hug, never minding that I was wet because of the rain. "God, I've never been this happy my whole life. Thank you, baby. Thank you."

I smiled at that. I've never been this happy too.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon