"Gusto ko nang marinig ang gusto mong sabihin, Dimitri." Ngumiti siya sa akin. It was so genuine and so pure I want to smile at him back but I stopped myself.
"Bella, I love you."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Lumakas ang pintig ng puso ko at napakagat ako sa labi. Naramdaman ko rin ang unti- unting pag- ikot ng ulo ko. Ano ang sinasabi niya na iyon? Anong mahal niya ako? Paano? Hindi ba galit siya sa akin? Hindi ba ay si Kristne ang girlfriend niya? Paanong mahal niya ako?
"Iyon na 'yon, Dimitri?" Naguguluhan kong tanong.
Namulsa siya at saka tumango sa akin. "I love you. I want you to know that it didn't change for the past month that I live without you. Ang totoo n'yan ay mas tumindi pa nga noong wala ka. Pakiramdam ko ay natangay din ang kalahati ng puso ko noong wala ka."
Umiling ako sa kaniya at napahawak sa sentido. Tumawa ako nang sarkastiko.
"Pinaglalaruan mo ba ako, Dimitri? Gusto mong maniwala ako sa iyo na mahal mo ako? May girlfriend ka diba? Ano 'yan? Dalawa kami sa buhay mo?" Asik ko sa kaniya. His brows furrowed as he looks at me confusedly. Parang isa akong alien at ang lenggwahemg tinuran ko ay bago sa kaniyang pandinig.
"Anong girlfriend na naman? Why do you always mistake me to have a girlfriend when I didn't have one?" Naiinis na niyang tanong sa akin. At talagang siya pa ang maiinis ngayon ah?
"Si Kristine? Hindi ba siya ang girlfriend mo? Ano? Itanggi mo sige! Alam ko ang totoo, Dimitri. Ano? Gumaganti ka ngayon dahil sa ginawa ko sa iyo? Gusto mo rin akong saktan kagaya ng hinatid ko sayong sakit, huh?" Sigaw ko. He glides his tongue on the corner of his mouth and scoff after hearing what I said.
"Will you stop putting words into my mouth? At anong si Kristine na naman? Ilang beses ko bang uulit- ulitin sa iyo na hindi ako nagkagusto kay Kristine na higit sa pagkakaibigan? Ilang beses ko bang dapat sabihin na ikaw lang nga ang gusto ko." May diin sa mga salita niya ngunit hindi pa rin niya ako pinagtaasan ng boses samantalang ako naman ay halos sumigaw na ngayon.
"At sa tingin mo maniniwala ako diyan?" Sarkastiko kong tanong.
"Oo! Because that is the truth! How could I ever like someone else when I am still madly in love with you, Bella?"
I ran out of breath because of that. Napalunok ako at natahimik noong haplusin niya ang braso ko. Pinakakalma niya ako at mukhang gumagana naman dahil ang kaninang tumataas kong presyon ay misteryosong bumaba. Bakit ba ang puso at katawan ko ay botong- boto sa kaniya?
"You liar! Noong pumunta ako sa bahay mo ay sinalubong ako ni Kristine. Nakita ko kung paano mo siya tratuhin noon! Pinaakyat mo pa nga sa kwarto mo diba?"
"Fuck. It's only because she is goddamn drunk to even go home by herself." Inis niyang sabi sa akin.
Umiling ako sa kaniya. "Hindi ba ay galit ka sa akin? Sa ginawa ko? You called me an actress, Dimitri. Alam mo kung gaano kasakit iyon? Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko noon. Gustong- gusto kong sabihin sa iyo na mali ka nang pagkakaintindi sa akin. Na hindi ako ganoon. Pero Dimitri hindi ako sumagot, diba? Kasi alam kong galit ka."
"I know. I'm sorry, baby. Nadala ako ng emosyon ko kaya kita sinabihan ng ganoon. I'm sorry for being an asshole. I was so goddamn angry at myself for saying that. I just felt so betrayed. Especially by you."
"At paano ang mga ginawa ko? Nakalimutan mo na iyon?" Pabulong kong tanong sa kaniya.
He smiled lightly and caressed my cheeks. "That serves as a lesson for us not to keep a secret. Pero naisip ko na kung wala iyon ay hindi kita makikilala. Kung wala iyon ay hindi ko mararamdaman ang pagmamahal at hindi ako magmamahal. I know you are hurt and I know you are still wounded. And our past may be broken but our future doesn't have to be. Just give this a second shot. I knew we will work this time. I promise we will, baby."
"Kailangan na ba kaagad ng sagot diyan? Do you expect to just say yes to you that easily? Sinabi mo na nga Dimitri, nasaktan ako. Hanggang ngayon masakit pa rin. Kaya natatakot na ako na magmahal ulit." I said in a low voice.
"I know. And I know that you still love me but you are just afraid to say it. Don't worry, we have so much time Bella. We will take things slowly this time."
Matutuwa na sana ako sa sinabi niya kaso ay umiral na naman ang pagiging mayabang nito. Ang taas ng tingin sa sarili. "Are you high? Saan mo nakukuha ang kakapalan ng mukha? Sinabi ko bang papayagan na kita?"
He smirked at me. "The only drug I want to get addicted with is you, Bella."
Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Grabe! Sa simpleng ganoon lang ni Dimitri ay hindi na ito nagpapaawat sa pagtibok. I cleared my throat. His eyes glisten as he saw how my face turns red.
"Hindi mo kailangang pumunta araw- araw sa restaurant."
"I wanted to. Nandoon ka. I want to see you everyn day. Hindi ka na pumupunta sa akin kaya ngayon ay ako naman ang pupunta sa iyo," Tumalon na naman ang puso ko dahil doon. Nilingon ko ang paligid. Kung hindi ko pa papuuwiin ang lalaki na ito ay baka atakihin na ako sa puso.
"Gabi na. Umuwi ka na." Sabi ko sa kaniya.
Luminga linga siya at tumango sa akin. "Okay. I'll send you home first,"
"H'wag na. Malapit na lang ang sa amin. Sige na."
Hinawakan niya nang mabuti ang kamay ko at pinatakan ng halik. "Thank you so much for letting me talk to you. But know that you'll never get rid of me now that you have heard what I feel. Seryoso ako sa iyo at kailanman ay hindi kita niloko sa nararamdaman ko."
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...