Kabanata 19

667 11 0
                                        

"That will be the last meeting for today. After lunch, I'll go to the botique to get your tailored shirt. I'll head over to your house to deliver you suit." Sabi ko sa kaniya.

Tumango si Dimitri sa akin. "Hindi ka sasabay sa akin?"

"Ah, bakit Sir?" Naguguluhan kong tanong.

"Of course you're invited to the party. Ang lahat nga ng tauhan ay dadalo roon, ikaw pa kaya na assistant ko." Sabi niya. Last night, he already opened the newest branch of the hotel chain. I was there with him when he cutted the ribbon. I was there with him when he answers all the questions from the press.

But I didn't have a dress for the party, though.

"Susunod nalang ako."

Magpapaalam na sana ako nang bumuka ang bibig niya, senyales na may gustong sabihin pero hindi naman itinuloy. Pumikit siya nang mariin at sumandal sa upuan at pagkadilat ay maalab ang mga mata niya nang tingnan ako.

"Yes, Sir?" Tanong ko dito.

"Is there something going on with you and my cousin?" Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Bakit naman niya kaya naisipang magbato ng ganitong tanong?

"No. Bakit mo naman po naitanong?"

"Nothing. I am just worried for you if you two have a thing."

Kumunot ang noo ko at tinitigan siya. "Bakit naman po kayo mag- aalala sa akin?"

"The chances of you getting hurt is pretty big when you are in a relationship with an actor. Mapapares sa iba't ibang artista ang nobyo mo at hindi ka pwedeng umangal dahil 'yon ang trabaho niya." Pinagsiklop niya ang mga daliri sa harap niya at mariin akong tiningnan. "So if I were you Bella, I'll date someone who's not the center of the camera. I'll date someone who's not much in the spotlight. Maybe someone working in an office. Just not an actor. Not Can."

Tumango nalang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang pinanghuhugutan ng isang ito. Hindi ko naman gusto si Can at mukhang wala din naman 'yon gusto sa akin. Pakiramdam ko ay nakahanap lang siya ng kaibigan sa katauhan ko.

"Advice taken, Sir. Mauna na po ako."

Pagkalabas ay pumunta muna ako sa table ng mga kaibigan ko at kinawayan nila ako nang makita na papalapit sa kaniya.

"May isusuot ka na ba mamaya?" Tanong sa akin ni Simon.

"Wala pa nga, eh. Kayo ba?"

"Meron na ako. Magpapaganda ako para naman makahanap ako ng papi doon!" Sabi ni Mikaela.

"Excluded na si Sir doon." Natatawang banat naman ni Angeline. "Maghanap ka na ng sa iyo habang mas maaga pa, Bella."

Napanguso ako at tumango. Nag- usap pa kami ng ilang minute at naikwento nila na lagi raw nagkakaroon ng party after the opening of a new branch. Lagi raw imbitado ang mga empleyado kahit pa maraming mga bigating panauhin na dumadalo dahil iyon naman daw ang nakasanayan ng kompanya simula pa noong Lolo ni Dimitri ang namamahala. They care about their employees and treat them as family and not just as workers. I applaud them for that. At least they know how to treasure gems.

Noong maghapon na ay pumunta ako sa bahay ni Dimitri para ihatid ang damit niya. Nasa sala siya at sa tingin ko ay tumutugtog sa piano dahil narinig ko ang tunog nito. Nang makita ako ay huminto siya.

"Thank you." Pakiramdam ko ay kukumbulsyunin ako sa narinig. Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin sa boss ko? Simple akong ngumiti at kumaway pa sa kaniya at saka lumabas ng bahay.

Paglabas ng bahay ay naabutan ko pa si Kuya Gary. Tinanong ako nito kung hindi daw ba ako sasabay at nalaman ko nalang din na susunduin pala nila si Kristine. Sumama ang timpla ko dahil doon. Nananadya ba si Dimitri o ano? Pagsasamahin niya kami ng babae na 'yon sa isang sasakyan? Baka magkalmutan kami.

Habang nasa taxi ay nagulat ako nang tumawag si Hernanda kaya agad koi tong sinagot.

"Are you already dressed? What did you wear? Let me see. Take a picture, dear!" Sunod-sunod na sabi niya.

"Oops, sandali! Kalma muna. Isa- isa lang at mahina ang kalaban, Ma'am." Sabi ko. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng buntong hininga sa kabilang linya dahil sa sagot ko.

"Okay, I'm calm now. Answer my questions."

"Hindi pa ako nakabihis. Kaalis ko lang sa bahay ni Dimitri dahil hinatid ko ang isusuot niya." Napabuntong hininga ako. "Ito na nga ang problema, wala akong alam na isisuot ko, Ma'am."

Narinig ko ang singhap niya sa kabilang linya. "Are you serious? Girl, you are running out of time!" Sabi niya sa matinis na boses.

"Well, it's not my fault I have so many things to do and errands to run. At isa pa hindi ko naman alam na kasama pala ako." Pabalang kong sabi.

"Of course you are! Dito ka na nga dumiretso. Ako ang bahala sayo. Ayaw kong pagtawanan ka ng mga tao doon." Sabi niya sa akin at pinatay ang tawag.

Nang makarating sa bahay nila ay agad niya akong pinaupo sa harap ng salamin para lagyan ako ng make up ni Krissy. Mayroon na ring dress sa gilid. Dark blue na cocktail dress ito at nang maisuot ay bumagay sa maputi kong balat.

"Hot damn," Narinig ko ang boses ni Can sa kung saan kaya napabaling ako roon. Nakatayo kasi ako at tinitingnan nila Hernanda ang itsura ko. "My, my, my! You look so beautiful, Bellsy."

"Thanks. You don't look so bad either," Pabiro kong sabi.

Tinawanan niya lang ako. "Right. Sumabay ka na sa akin. I'll wait for you in the car."

Isang naniningkit na mata ang inani ko sa dalawang matanda sa harap. I raised my brows at them.

"Si Dimitri, Bella." Napairap ako. Bakit ba lahat ng tao ay nag- aakalang gusto ko si Can.

"Who said that I like him? Magkaibigan lang kami n'yan. Tanungin mo pa siya."

"Anyways, go to him. Remember to make an impression to Dimitri. Though I doubt that he'll look the other way if he saw you." Sabi ni Hernanda sa akin.

Nagtungo ako pababa at nang makasakay sa kotse ni Can ay agad niyang pinatakbo ito papunta sa venue. Mabuti nalang at free siya ngayon kaya nakapunta siya sa party. Pagdating namin sa venue ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Inalalayan pa ako nito sa paglabas at sabay kaming naglakad papasok.

The somber music fills the air as I walk to the carpet. Nagpaalam na ako kay Can at inilinga- linga ang paningin para hanapin sila Mikaela. Sa gitna nang pagtingin sa paligid ay napaigtad ako nang maramdaman ang pagtama ng ulo sa matigis na dibdib. An arm gripped my waist too. At nang tumingala para tingnan kung sino ang nabangga ay nakita ko si Dimitri.

"Sorry Sir," Natatawa kong sabi.

His eyes roamed my face. "Sino ang hinahanap mo?" Tanong niya sa akin.

"Sila Mikaela po. Did you saw her?" Tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat si Dimitri at hindi pinutol ang titig niya sa akin. "Bakit, Sir? May mali ba?"

Umiling siya sa akin. His hands trail down my cheeks down to my chin as his eyes surveyed every single corner of my face. Na- conscious tuloy akong bigla. Somehow, I felt my heart beats so fast because of what he did. And the unusual feelings curled up on my stomach once again.

"You never disappoint the name given to you, Bella."

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon