"Thank you, Ma'am and Sir." Magalang kong sabi sa customers na katatayo lang mula sa kanilang mga upuan. Iginiya ko sila papalabas at at nilinis ang table nila pagkatapos.
Nararamdaman ko ang pag- vibrate ng cell phone ko na nasa bulsa sa kalagitnaan ng pagtratrabaho pero hindi ko ito pinansin dahil busy ako sa pag- a- assist ng mga bumibisita. Natapos ang trabaho ko at nagulat nang lapitan ng manager namin. May aliw sa mata niya na hindi ko alam ang ibig sabihin.
"Ikaw, Bella! Hindi mo sinasabi sa amin na manliligaw mo pala si Sir Dimitri! Kaya naman pala laging nandito at ikaw ang hinahanap! Nahihiya ka ba? Aba'y h'wag! Hindi ikinahihiya ang ganoong mukha. Ibinabalandra dapat 'yan sa mga tao."
Ngumiti ako nang pilit sa kaniya at naglakad sa kinapaparoonan ni Dimitri. Nakita ko na nakasandal ito sa gilid ng locker room, may dala siyang bouquet ng rosas. Namula ang mukha ko doon at inilabas kang ngiti na kanina ko pa pinipigilan. Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng pag- ibig sa kaniya. Hindi mo aakalain na may natitira pa palang ka- sweet- an sa katawan ng lalaking ito.
"Ang tagal mo," Pang- aasar niya sa akin. Nagkunwari pa itong naiinip kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Sino ang nagsabi sa iyo na hintayin mo ako?" Pang- aalaska ko sa kaniya.
He smirk at me and handed the bouquet. Humalimuyak sa ere ang bango ng mga pulang rosas noong mapunta na sa mga bisig ko.
"Of course, I would wait for you. Gusto kitang makita." Sabi niya sa akin. Tiningnan ko ang bulaklak at inayos ang nagulong piraso nito.
"Bakit may paganito ka?" Nakanguso kong tanong.
Humilig siya sa dingding. "Because I am courting you?" Tanong niya sa akin.
I want to laugh but I contained it. Ikinunot ko ang noo ko sa kaniya at nagkunwaring hindi alam ang pinagsasabi niya.
"Sino ang pumayag sa iyo?"
He raised his brow at me. Kumabog ang puso ko noong ilapit niya sa akin ang mukha niya. "Me." Mayabang niyang sabi.
Gamit ang hintuturo ay tinulak ko ang noo niya papalayo sa akin. Inirapan ko siya sa sobrang kayabangan. Sa isang buwan ata naming hindi pagkikita, ang skill na natutunan niya ay kung paano magmayabang nang sobra.
Ngumiti ako at nilingon ang mga bulaklak. I smile softly and turn my eyes at him. "Thank you," I softly said.
"You're welcome. Anything for my baby,"
Nagpaalam na siya pagkatapos noon. Noong makarating sa locker room ay halos magtitili ako. Alam kong gusto ko siya at hindi naman nagbago ang tingin ko sa kaniya pero gusto ko rin na makitang manligaw siya. Para naman may aliw man lang ang love story namin. At sabi nga niya ay mahaba ang oras naming dalawa kaya we will take things slowly this time.
"Can! Come here if you're not doing anything. Sinasabi ko sa iyo! Hihimatayin ako sa pinsan mo!" Excited kong sabi sa kaniya. I heard his chuckle from the other end.
"Alright. Papunta na." Mabilis nitong sabi. Mabuti nalang at maaga ang off ko noon kaya nagkaroon ako ng oras para ayain siya sa ibang lugar. Grabe naman kung doon rin kami sa restaurant na iyon. Umay na ako dahil lagi nalang akong nandoon.
"May pa bulaklak, ah? Is he courting you again?" Tanong niya sa akin noong makarating kami sa isang ice cream parlor. I pursed my lips and nod at him. "Really, Bellsy? I'm so happy for you!"
"I am happy for myself too." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"So, when are you going to answer him? Please tell me it's gonna take a month or so."
Tinawanan ko siya. Sumubo ako ng ice cream at saka sumandal sa inuupuan ko. "Hindi naman niya ako minamadali. He said we'll take things slowly this time. At isa pa, I want to see how far he'll go just so he could get my yes."
Napapalakpak siya sa akin at ngumisi. "Yes! That's it, sweetheart! That's the spirit! Pahirapan mo si Dimitri. Ngayon pa lang 'yon manliligaw dahil sa tanang buhay niya ay siya ang nililigawan."
Ngumisi ako sa kaniya. Mukha namang may experience ang isang iyon dahil nakukuha niya ako. O talagang ganoon na lang ang epekto niya sa akin? Palibhasa ay alam na alam kung paano ako pahulugin kaya alam ang mga gagawin para makuha ako.
Nakangiti akong umuwi sa bahay bitbit ang bouquet ng bulaklak. Tri texted me a while ago while I was on the bus. Nagtatanong lang siya kung anong ginagawa ko. Nagulat nga ako dahil nang tanungin ko kung ano ang ginagawa niya ay sinabi ba naman sa akin na nasa meeting siya. Pinagalitan ko tuloy at sinabihan na makinig siya nang maayos.
"Kainino galing 'yan?" Nagulat ako sa tanong ni Lola pagkatapos. Napangiti ako nang maalala na naman si Dimitri. Slowly, he's healing the wounds of our yesterday.
"Kay Dimitri po."
Napahinto siya sa paghihiwa ng pagkain. Pinaningkitan niya ako ng mata. "Bella, hindi ako natutuwa. Kinakabahan ako dahil nakita ko kung paano ka lumuha sa kaniya noon. Ayaw kong mangyari 'yon sayo ngayon."
Umiling ako sa kaniya. "Hindi na 'yon mangyayari, Lola."
"Paano ka nakakasigurado, apo? Ayaw lang namin na umiyak ka ulit. Halos hindi ka na namin makausap noon, Bella." Lolo butted in.
"Why don't you let Ate, 'La, 'Lo? Hindi naman na 'yan bata para hindi malaman kung tama o mali ba ang ginagawa niya." Ani Gabbi na nag-thumbs up pa sa akin sabay kindat.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Papa. "Kung ganoon ay papuntahin mo ang manliligaw mo dito, Bella. Mag- uusap kami sa kung ano ba talaga ang plano niyang gawin sayo,"

BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...