Kabanata 13

712 9 0
                                        

Nagulantang ako sa pagtunog ng intercom sa gilid ko. Isang linggo na rin akong nagtatrabaho kay Dimitri. At sa isang linggo na 'yon ay may kaunti na rin akong nadagdag sa kaalaman tungkol sa kaniya. He doesn't like being late; kailangan ay on time ka palagi. He gets angry when work isn't done properly; kailangang maipresenta mo sa kaniya ang hinahanap niya. He can also speak Italian fluently. He tag me along with him in one of his meeting and I overheard that he studied there before.

Itinabi ko ang ballpen na hawak at sinagot ang tawag mula sa kaniya. "Come here." Narinig kong boses ni Dimitri iyon at nang tingnan ang office niya at nakita kong nakasulyap sa akin ito.

Tinaasan niya ako ng kilay noong makitang hindi pa tumatayo at imwinestra din niya ang ulo niya na pumasok na ako sa loob ng opisina kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo dala ang notebook.

Pagpasok ay nakita ko na nakasandal ito sa swivel chair niya. Tanging ang kulay dark blue na long sleeve ang suot niya at nakita ko na ang coat ay naka-hanger sa coat rack. He pursed his lips as he watches me stand in front of his table.

"Ano po 'yon, Sir?" Tanong ko sa kaniya.

"I want you to connect Mr. Lautner, Mr. Alwyn and Mr. Hiddleston to a conference call with me. I have some changes that I like to discuss with them."

Hot damn. I didn't know how to do that. "'Yon lang po?"

Tumango siya sa akin.

Nagkatagpo ulit ang titig naming dalawa. Hindi ko alam pero talagang hindi ako makahinga sa tuwing mangyayari iyon. Naputol nalang ang tinginan namin nang marinig na bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Kristine na pulang- pula ang labi at agad na dumalo kay Dimitri. Sinundan ko ang galaw niya at pinanood kung paano siya umupo sa gilid ng lamesa ni Dimitri. He raised his brow at her.

"I have something to talk with you. It's about the sales of the hotels." Work stuffs pala. Bakit kailangang maupo sa lamesa? May upuan naman sa harap ng table ni Dimitri.

"Talk," Tipid na sabi ni Dimitri at sumandal muli sa upuan niya.

Nilingon ako ni Kristine at tiningnan niya ako na para bang nagtatanong kung bakit nandoon pa ako. "You are already done, right? Go back to your office." Maarteng sabi niya.

I almost raised my brow at her but I stop myself because Dimitri is looking at me.

"Talk, Kristine."

Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Kristine dahil sa sinabi. "But this is very important and confidential, Tri." Wow. She calls him by his nickname. Gano'n ang tawag nila Ma'am Hernanda sa kaniya. They must be really close.

"Ah, sorry po. Babalik na rin ako sa office." Sabi ko at ngumiti nang tipid sa kanilang dalawa.

Dimitri followed my gaze and slowly nodded his head as if he doesn't have a choice because I already said what I was going to do. "Alright. I'll expect my conference call in ten minutes. They are waiting."

Paglabas ay nakanguso kong pinagmasdan ang desk ko, nananalangin na sana ay gumalaw ito mag- isa at ikonekta si Dimitri sa meeting niya. Ilang subok ang ginawa ko ngunit hindi ko talaga ito magawa. Masisiraan na ata ako ng bait dito kaya napagdesisyonan ko na na tawagan si Simon gamit ang intercom. Halos magliwanag ang mukha ko nang sumagot siya at sinabing paakyat na daw.

"Simon! Hulog ka talaga ng langit." Halos maiyak- iyak kong sabi. Hinila ko siya papalapit sa desk ko.

"Ano ang kailangan mo, Bella? Saan ka nahihirapan?" Tanong niya.

"Kailangan kong ikonekta si Sir sa conference call kasama sila." Sabi ko.

Tumango siya sa akin. Mabilis siyang nagsalita at nagpipindot sa computer at nagulat nalang ako nang sabihin niya na ganoon lang daw. Nakanganga akong tumingin sa kaniya na nagmamadaling umalis dahil may department meeting pa daw sila kaya naman kagat ang labi ay sinubukan kong sundan ulit ang naaalala kong sinabi niya.

"What should I tap? Ano nga ulit? Ito ba?" Tanong ko sa sarili. "Ay bahala na!" Natataranta kong sabi.

Nang magsimula akong magpipindot ay nasasagot naman nila ngunit habang may pipindutin ulit akong isang sign sa telephone ay napuputol ito kaya ang ending ay hindi nagtutuloy- tuloy ang tawag. Sinulyapan ko ang office ni Dimitri at halos manigas nang makita ang mariing pagpikit nito, senyales na hindi siya natutuwa.

"What the hell is happening? Bakit napuputol ang tawag?" Tanong niya sa akin sa intercom.

"A-Ah, ano kasi Sir-"

"Ayusin mo, Bella. I have to call them today for Christ's sake. If you cannot do your job, quit this company." Sabi niya at padaskol na ibinaba ang tawag.

Napapikit ako nang mariin at ilang beses pa ring sinubukan ngunit talagang hindi ko magawa. Nasaan kaya si Simon? Tapos na kaya siya?

Narinig ko ang paghampas ni Dimitri sa lamesa niya at halos manigas na ako sa kinatatayuan dahil sa pagkataranta. Bumukas ang pinto ng office niya at nakita kong pumasok si Kristine, nagtatanong siguro kung ano ang nangyayari. Hindi sumagot si Dimitri kaya pumunta ito sa kwarto ko.

"What is happening?" Tanong ni Kristine sa akin.

Ngumiwi ako. "Hindi ko po siya makonekta sa conference call,"

"Oh God," Sabi niya at saka mabilis na lumapit sa lamesa ko.

May pinindot siya at hindi katulad ng sa akin ay tuloy- tuloy ang tawag nito. Matapos ang ginawa niya ay tiningnan ko si Dimitri at nakikipag- usap na ito sa mga ka- meeting.

"God! Hindi ka marunong ng mga gawaing ganito? You'll experience this a lot." Sabi niya sa akin na nagpatutop sa mga labi ko. "Kung hindi mo kaya ay huminto ka na. It's hard to fit yourself in a place where you don't belong."

Umalis si Kristine at pumunta sa office ni Dimitri pagkatapos sabihin iyon. Pinanood ko kung paano niya hinawakan ang braso ni Dimitri. She's probably telling him he should fire me. Napatingin ako sa kuko ko. Kristine's word echoed in my head. She said I don't belong here and I'm thinking she's right. Siguro nga ay hindi pero wala naman na akong magawa. Kailangan kong magtiis dito.

And once again, I feel so little of myself.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon