The night Dimitri told me he practically despise me, I cried. Impit na impit ang pag- iyak ko habang nakatalikod sa kaniya. I was feeling the pain and it stings just like how an insect bites the skin. It stings so much I can't even breathe and I had to go to the bathroom to calm myself down.
Ngayon ay nagtagal akong bumaba. Tinakpan ko ng make up ang namamaga kong mata at bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili. I smile lightly and Dimitri whose eyes immediately lit up the moment our eyes met. Gusto kong umiyak nang yakapin niya ako. Gustong- gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ko magawa. Because the truth is that I am a coward. And I don't know when I will ever gather the courage to be brave enough to tell him myself all the shittiest shit of my life.
"Let's eat," Aya niya sa akin na tinanguan ko. He's the one who cooked our food. He seems so genuinely happy. Ayaw ko namang ma- spoil ang araw niya kaya sa abot ng makakaya ko ay sinusubukan kong sabayan ang vibe niya.
What Hernanda said is true. The Dimitri at his happiest is the brightest.
Sa kompanya ay halos hindi ako makagalaw nang hawakan niya ang kamay ko sa harap ng mga kasama ko. Kitang-kita ko kung paano sila napanganga nang sabihin ni Dimitri na ako ang girlfriend niya. Kristine's eyes are like daggers as she looks at mekaya agaran akong napaiwas dahil dito. Her face is a constant reminder to me that I didn't deserve to be with Dimitri because I belong to those people who killed his parents.
Bumuntong hininga ako nang simulan ang pagsusulat sa notebook. My workmates are completely throwing questions at me on how my relationship with Dimitri happened. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil hindi na ako tinatantanan ng mga ito.
"Did he court you?"
"Paanong nangyari 'yon? Akala ko talaga si Ma'am Kristine ang para kay Sir!"
"Akala ko nga din ay may something sina Sir at Ma'am Kristine! Si Bella pala ang gusto niya!"
"Ang lakas mo, Bella!"
The door opened kaya naman napatingin ako sa pumasok at nakita ko na si Dimitri 'yon. He signals my workmates to walk out of the door kaya nagsisunuran agad ang mga ito. Huminga ako nang malalim. After what happened last night, I can't look at him straightly in the eye right now.
"Are you okay, baby?" Malambing niyang tanong sa akin. I smile lightly. Iniwasan ko ang hawak niya sa akin na nagpakunot sa noo niya.
"Masakit lang ang ulo ko, Tri. Mukhang lalagnatin nga ako eh," Pagsisinungaling ko sa kaniya. He bit his lips and looked at me concernly. "H'wag kang mag- alala, ayos lang ako. Kaya ko pa naman magtrabaho,"
I dismissed him afterwards. Pakiramdam ko nga ay nakakaramdam na iyon dahil sa pag- iwas- iwas ko sa kaniya. Hindi ko naman gustong gawin iyon pero gusto ko munang ayusin ang problemang ginawa ko. Gusto ko siyang mahalin na walang iniintindi o kadenang pumipigil sa akin.
"Bella, hinahanap ka ni Dimitri! Nasa labas!" Sabi ni Lola sa akin.
Napabangon ako at nang silipin nga ang pintuan ay nakita ko na naroon siya. His eyes are serious as he looks at me. I bit my lip and breathed a deep sigh.
"Let's talk," Sabi niya sa akin. Tumango ako at hinila siya papunta sa park.
It is windy. Nililipad ng malamig na hangin ang buhok niya pero wala siyang pakialam dito. Pamaya- maya ay marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.
"What is happening, Bella?" Umiling ako para sabihin na wala lang pero hindi niya binili ang palsot ko na 'yon. "Please tell me. We were fine last night. Ano ang nangyari? Did I do something wrong?"
"No, Dimitri. Wala lang 'to. Masama lang ang pakiramdam ko—"
"Bella, you are clearly not telling me the truth. I want you to tell me what is bothering you. I love you so much it bothers me that you are avoiding me," He said; each and every word slightly cutting my heart to pieces.
"You love me?" Sabi ko sa kaniya.
He gritted his teeth. "I love you, Bella. With all my heart. I really do. I love you so much my mind is clear that I will not let you slip out of my touch and I will marry you someday."
My heart aches again. Ang sakit- sakit at hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang harapin siya. "Marry me? Tri, hindi ba masyado kang nagmamadaling magdesisyon? Paano kung nagpapadalos-dalos ka lang at hindi mo naman talaga ako gusto?"
Dimitri sarcastically smirks at me. "Are you doubting my feelings for you? Hindi ako madaling mahulog but when I do, I fall deep and hard. I know everything I do and I am pretty sure what I'm telling you is true. Mahal kita, Bella."
Lumunok ako. "Tri, masama talaga ang pakiramdam ko. Gusto ko nang magpahinga. Umuwi ka na, please." Pagmamakaawa ko sa kaniya.
He frustratedly look above and nod at me. Hinatid niya ako sa bahay at nagpaalam na rin kina Lola dahil wala naman siyang magagawa. Ayaw ko siyang makausap sa oras na 'to. I look out the window and watch how his car drives away. Unti- unting pumatak ang luha sa mga mata ko habang tinatanaw siyang palayo sa akin. Gustong- gusto ko siyang yakapin. Gustong-gusto ko siyang halikan at sabihing gusto ko rin siyang pakasalan sa susunod na mga panahon pero hindi ko magawa kasi duwag ako.
Noong gabi ay pumunta ako kina Marco. He stays beside me as he pulls me in for a hug. Alam niya na may pinagdadaanan na naman ako. \
"You should tell him how you feel, Bel. And you should tell him the truth."
Napailing ako sa kaniya. Kung sana ganoon lang kadali ay ginawa ko na dati pa. "Mahirap, Marco. Sobrang hirap." Mahina kong sinabi at pinunasan ang mga luha ko.
"But that's how a relationship works. You tell each other all the truths. You leave no secret. And if he loves you, he'll forgive you."
"He despises people like me. Kinasusuklaman niya ang mga taong katulad ko. Paano ako aamin kung gano'n?" Umiiyak kong sabi. "He seems so happy, Marco. He told me he wants to marry me someday. Gusto kong sabihin na ako rin naman ay ganoon din ang gustong mangyari. Pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay nakahawla pa rin ako hanggang ngayon."
"Ano ang gagawin mo n'yan? You'll break up with him? Hindi mabubura noon ang katotohanan na nagplano ka sa likod niya, Bella. Just be honest with him."
The thought of what Marco said struck me. I need to be honest with him. I need to confess my sins.
I sigh as I look at the resignation letter that I wrote in the middle of the night. I decided to pay the debt my father borrowed from Hernanda with the money that won't come from Dimitri's company. I decided to work other jobs. This is the only way I could feel free. The only way I could freely love him even if it means that he might not love me back again.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...
