Kabanata 24

624 9 0
                                    

Nayayamot kong tiningnan si Dimitri na nag-pe-present sa harapan. Hindi ko na masundan ang mga sinasabi niya dahil naiinis ako tuwing naaalala ang nangyari kahapon. Saan niya nakukuha na mayroong namamagitan sa amin ni Can? At ako pa ang tinanong kung ano daw ang pinagsasasabi ko eh totoo naman na halatang- halata sila ni Kristine. It's as clear as day! Sabihin man niyang wala ay hindi maniniwala ang karamihan dahil sa pinapakita nila.

Pumalakpak ang karamihan kaya luminga- linga ako sa paligid. Tapos na pala at noong magkatagpo ang paningin namin ni Dimitri ay pinaningkitan niya ako ng mata. Bumusangot ako at sinamaan siya ng tingin. Nakakainis siya!

"You did great, mio caro," Panggagaya ko kay Kristine nang maunang lumabas ng conference hall. I roll my eyes as I watch the two of them walk passed me. Bugnot akong sumunod papunta sa elevator at napunta na naman sa likod nila. Napa- tss ako nang marinig ang paghalakhak ni Dimitri sa kung anong binulong ni Kristine. Ay, tatlo po tayo dito! Baka naman pwedeng pa- share ng pinagkekwentuhan niyo.

Nilingon ako ni Dimitri at saka tinaasan ng kilay. "Is there a problem?"

Umiling ako. "Wala. Wala," Sambit ko at saka binigyan siya ng isang sarkastikong ngiti. He glided his tongue on his lower mouth and scoff afterwards. He smirked as he turn his head back to Kristine.

Nang makarating sa office ay inis kong ipinatong ang mga gamit ko. Nilingon ko ang opisina niya at nakitang tiningnan ako nito at tinaasan ng kilay. Amusement filled his eyes.

"What?" Mataray kong tanong.

Naglakad siya papunta sa blinds at isinara iyon. Ngumisi pa siya sa akin at halatang nang-aasar. Huminga ako ng malalim at saka pinakalma ang sarili. Ang sama ng ugali! Nakakainis! Gusto ko na talaga siyang tirisin ngayon.

"Calm down, Bella. Magkaka- wrinkles ka niyan." Pinaypapayan ko pa ang sarili ko gamit kamay.

Nakita kong nag- ring ang cell phone ko kaya sinagot ko ang tumatawag. Si Can ulit ito. Mabuti nalang at masasabi ko sakanya ang pinaggagawa ng pinsan niyang magaling. "Can you believe that, Can? Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa lalaki na 'yan. Noong party, ang bait- bait sa akin. Tapos ngayon ay lagi akong binibwisit."

He chuckle at the other line. "Alam mo naman na ganiyan talaga siya, Bells. Calm down. You know it's bad for the body if you get stressed. Papayat ka n'yan lalo."

Ngumuso ako at pilit kinalma ang sarili. Tama naman siya dahil anong maganda ang makukuha ko kung pilit kong iinisin ang sarili ko kay Dimitri. Nag- usap pa kaming dalawa at naikwento niya nga sa akin ang nangyayari sa kanila noong babaeng gusto niya. May cafe pala iyon sa hotel na pinuntahan namin nila Dimitri kaya tambay na si Can doon. Papansin ang lalaki na 'yon eh. Halos doon na nga tumira.

"Echos mo, Can. Baka magsawa sa mukha mo 'yon," Pagbibiro ko.

"Hindi ah. Hindi ako nagyayabang but she said she wanted to also see me there. She said she also wants to get close to me. Ano ka ngayon?" Pang- aasar nito sa akin pabalik.

Ngumisi ako. "Eh di ikaw na!" Sabi ko sa kaniya na ikinatawa naming dalawa.

Bumukas ang pintuan sa kalagitnaan ng kasiyahan naming dalawa at iniluwa noon si Kristine. Namewang siya sa harap ko at parang mangangain na naman ang tingin sa akin. Anong ginagawa nito dito?

"Ah, I have to go. Talk to you later. Bye." Mabilis kong sabi at pinatay ang tawag.

"Who was that?" Tanong ni Kristine.

"None of your business."

She scoffed. "It's my business, dear. Baka isa kang traydor at espiya galing sa ibang kompanya,"

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon