Pabalik- balik akong naglalakad sa sala namin habang hinihintay na tumunog ulit ang cell phone. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa text message na 'yon dahil talamak ang mga nanloloko sa panahon ngayon. But at the same time, I also feel like they were telling the truth. That they got their hands wrapped around my father's head.
"Paano na 'yan, Bella? Anong gagawin natin?" Tanong sa akin ni Lola.
Pumikit ako nang mariin. "Siguraduhin muna nating si Papa nga ang hawak nila, 'La."
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Lolo. "At paano nga kung ang Papa mo? Ano ang gagawin natin?"
I honestly don't know. At wala din akong ka-ide-ideya kung bakit nila kukuhanin si Papa. For all I know, there isn't anything special about him. And if it's about his debt, Papa told me he already paid every single penny he borrowed from everyone else. So, I honestly don't know.
Kumabog ang dibdib ko nang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ay ang unknown number na nag-text ang tumatawag sa akin. Kabado kong sinagot ang tawag at sinenyasan ang pamilya na tumahimik. Ni- loud speaker ko ang tawag nang sa gayon ay marinig nila ang usapan namin.
"Hello? Nar'yan ka ba?" Isang baritonong boses ng lalaki ang narinig kong nagsalita.
Lumunok ako. "Oo."
"Magaling. Ngayon ay makinig kang mabuti sa akin. Right now, I am pointing a gun at your stupid father, Arabella Renly." Bakas ang mapaglarong tono sa boses niya. Tumawa ito nang marinig ang angal ni Papa. Paano rin niya nalaman ang pangalan ko?
"Anong kailangan mo? Paano ko malalaman kung totoo ang sinasabi mo?" Tanong ko dito.
"Ah! Open your camera, princess. See for yourself how badly we hurt your father."
Tumakas ang isang singhap kina Lolo at Lola nang makita namin ang kalagayan ni Papa. Nakagapos, may tali sa bibig, at may pasa sa mata. Nakita ko pa kung paano magsumamo ang mata niya habang nakatingin sa camera.
"'Yon! Oh Emmanuel, tumingin ka sa camera." Tumatawang sabi noong may hawak ng cell phone. "Congratulations! Artista ka na!"
Nakita ko kung paano tumawa ang mga katabing lalaki ni Papa. Hinawakan siya nito sa buhok at saka sinuntok sa mukha. Napapikit ako nang makita 'yon. Tinakpan naman ni Lolo ang mata ni Gabbi at niyakap si Lola para hindi makita ang karahasan.
"Stop it! Ano ba ang gusto niyo?" Nanghihina kong sabi.
Nakatutok lang ang camera kay Papa habang umupo sa tabi niya ang sa tingin ko ay kausap ko.
"Pumunta ka sa i- si- nend kong lugar. Pumunta ka dito at mag- uusap tayo ng Papa mo."
Idinikit ng lalaki ang mukha niya kay Papa at tinanggal ang tape na nakapakat sa bibig nito. "Tulungan mo ako, Bella!" Sigaw ni Papa. Pumikit ako at tiningnan si Lolo na mariin ang titig sa camera.
"Heard that, Missy? Pumunta ka. Ikaw lang. At ngayon na. Wala kang isasamang kahit sino at hindi ka magsusumbong sa mga pulis. Naiitindihan mo? Kung hindi ay tutuluyan ko talaga ang Papa mo." Sabi nito at doon na naputol ang tawag.
What the hell is happening?
Tiningnan ko kung paano umiyak si Gabbi at Lola sa balikat ni Lolo habang si Lolo naman ay parang naging bato na nakaupo. Huminga ako nang malalim at tumayo. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila kay Papa. Hindi nila sinabi kaya hindi ko alam kung gusto ba ng mga iyon na hulaan ko nalang.
Hindi siguro nila ako napansin kaya naglakad na ako at lumabas na ng bahay. Kung hindi ko gagawin ito ay mawawalan ako ng tatay. At kung hindi ako ang gagawa ay sino? Ako nalang ang sinasandalan nila. Ako ang kinakapitan. And in times like this, even if it's also hard for me, I have to stay strong. Dahil kung hindi ko kakayanin ay sabay- sabay kaming manghihina ng pamilya ko.
Halos sabihin ko sa driver na paliparin na ang taxi na sinasakyan ko. Kabang- kaba ako sa kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki na iyon kay Papa.
"Ma'am, nandito na po tayo." Sabi ng driver.
Kumuha ako ng pera na pambayad. Mabuti nalang at kahit papaano ay may napulot ako sa mga pantalon ko.
Tumakbo ako sa bakanteng warehouse pagkatapos. Nakita ko ang mga armadong lalaki na nakatingin sa akin at para silang nakakita ng isang malaking katatawanan dahil sa pagtawa nila noong simulan kong maglakad sa loob.
Nakita ko agad si Papa at tatakbo na sana ako papalapit nang harangin ako ng lalaking kausap ko. Ngumisi siya sa akin. Ang pangit niya.
"Ano?" Matapang kong tanong na ikinalawak ng ngisi niya.
"Ang tapang din pala ng anak mo, Emmanuel. Tingnan ko lang kung saan aabot ang katapangan nito kapag binusalan ko ang bibig."
Hahawakan sana niya ako pero tinapik ko ang kamay niya.
"Boss, nandito na si Madame." Sabi ng isang lalaki kaya tumigil siya sa kung ano ang balak gawin.
"Salubungin natin. Ikaw, bantayan mo ang babae na 'to." Sabi niya sa isang lalaki kaya lumapit ito sa akin.
Bumukas ang pinto ng warehouse at nakita ko ang pagdating ng isang puting sasakyan. Lumabas dito ang isang babae na nasa singkwenta na siguro. Sinuklay ng kamay niya ang mahahaba niyang buhok habang binabaybay ng mga mata niya ang kabuuan ng naroroon.
"Siya na ba 'yon?" Tanong ng babae.
Naguluhan ako noong lumapit ito sa akin at akmang hahaplusin sana ang buhok ko nang umasog ako papalayo sa kaniya.
"Sino ka?" Nagtatakang tanong ko.
"Bastos." Sabi ng kausap kong lalaki kanina kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"I'm Hernanda, dear. And you are here because of the debt your father did." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Kumunot ang noo ko. Sinulyapan ko si Papa na nakababa lang ang tingin. "Teka. Anong utang? As far as I've known, my father already paid all his debts. Ano ang sinasabi mo?"
Tumawa siya sa akin at umiling- iling kay Papa. "Emmanuel, you little rascal. Nagsisinungaling ka sa anak mo."
"'Pa, anong sinasabi niya?" Naguguluhan kong tanong.
"Go on. Sabihin mo sa anak mo lahat ng kabalastugang ginawa mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/314783780-288-k220919.jpg)
BINABASA MO ANG
Pay The Price
Storie d'amoreIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...