Isang linggo ang lumipas simula nang sigawan ko si Dimitri. Hindi na ako masyadong naglalalapit sa kaniya o kay Kristine man pwera nalang kung trabaho ang dahilan. Tinatapos ko rin agad ang usapan namin dahil natatakot ako na baka kung ano ulit ang mangyari. Sinabi kasi sa akin nila Simon na matapos daw umalis ni Dimitri sa office ko ay masyadong galit na galit. At sinabi rin nila na hinila lang daw ni Kristine paalis ng building kaya kumalma.
"I really think there is something going on between them. Bakit pa kasi hindi pa nila gawing opisyal?" Tanong ni Mikaela habang kumakain kami ng tinapay sa table nila. Dumaan kasi sa harap naming sina Dimitri at Kristine at dumiretso sila sa office ng Boss ko.
"Gagad ka? Baka naman walang gusto si Sir at si Ma'am lang talaga ang mayro'n." Sabi ni Angeline. "Ikaw? Ano sa tingin mo, Bella?"
Nagkibit balikat ako sa kanila. "Baka. Hindi ko alam." Kahit naman alam ko na sila na dahil lagi ba namang pinagduldulan sa akin ni Kristine. Pero hindi kasi ako ang may istorya noon kaya hindi ko maikwento sakanila. Hayaan nalang na silang dalawa ang umamin kung kalian nila gusto. "Ikaw, Sim?"
"Hindi ko din alam. At saka hindi naman dapat pinakikialaman 'yon. Private matter nila 'yon, eh." Ani ng kaibigan naming. Angeline and Mikaela frown at his serious note while I only chuckled at their naughty reaction.
"Okay. Wag mo na kaming lecturan. Sorry na." Sabi ni Mikaela na nakatanggap ng tawa mula sa aming tatlo.
Habang nag- uusap ay nakita ko na lumabas na ng opisina ni Dimitri si Kristine. Ngiting- ngiti siya na para bang bata na nabigyan ng kendi. "Guys, meet me at my office in ten. May gusto akong sabihin sa inyo." Sabi niya at sumakay na ng elevator.
Nagkatinginan kaming apat.
"'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Aamin na 'yan." Sabi ni Mikaela.
"Baka naman hindi, Mika." Sabi ni Simon at nagsimula na ring tumayo.
Tiningnan ko ang office ni Dimitri. Smartdoor na salamin 'yon at nakita ko na ngayon pa lang naging clear. Kanina kasi ay ni- switch niya ata sa black kaya wala akong makita. Pero ngayon ay naabutan ko pa ang mga titig nito kaya agad akong umiwas.
"Halika na. Baka magalit 'yon kapag natagalan tayo." Sabi ko.
"Oo, tara na. Excited ako sa chismis!" Sabi naman ni Mikaela na sinaway naman kaagad ni Simon.
Nang makarating kami doon ay nakita ko na naroon na rin ang iba't ibang department at rinig agad ang ugong ng mga bulungan nila. Ano kaya ang nangyayari?
Nilingon ako ni Kristine. A sly smile appears on her face. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya nang lumapit ito sa akin. Umakbay pa ito nang makalapit kaya hindi ako kumportableng tumayo sa tabi niya
"Ah! This is our superstar, Bella!" Sabi niya.
"Anong superstar?" Naguguluhang tanong ko. Kristine sigh overdramatically and held my face as if I'm the most precious thing in the office.
"Darling you're about to do the most job on our surprise."
Lalong kumunot ang noo ko dahil doon. Ano ba ang sinasabi nitong surprise at sino ang i-su-surprise namin? "Forgive me but who are we going to surprise?"
Napanganga siya sa tanong ko. "It's Tri! Sa makalawa na ang birthday niya. At may isang araw ka pa para asikasuhin ang mga ipapaasikaso ko sayo." Sabi niya. Ako ngayon ang nalagpag ang panga. Really? It's his birthday? At teka, bakit ako ang mag- aasikaso?
"Wait, bakit ako?"
"Because you are his assistant. And plus, I have something to do kaya baka hindi ko maharap 'yon." Sabi niya sa akin. Teka lang, may gagawin din naman ako ah! At isa pa, nagagalit nga si Dimitri kapag hindi ako nakikita sa office, mas magagalit pa 'yon kung malalaman na wala ako.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...