"Is that all, Ma'am?" Nakangiti kong sabi sa Mama ko at sa half- sister na nakaupo sa lamesang nasa harapan ko. Katabi nila si Gabbi na ngayon ay nakangiti sa akin. Pagkatapos ng isang buwan ng sakit ay natutunan ko na muling mabuhay. Kahit paunti- unti ay natutunan ko nang tumawa. Pero hindi ko maitatanggi na may mga gabing hindi pa rin ako makahinga kaiiyak habang inaalala ang nangyari sa akin ni Dimitri.
My Mama wanted to meet Gabbi so I brought her there. Sinamahan ko siya. Ilang ang kapatid ko sa Mama ko at noong una niyang makita si Mama ay halos hitakin niya ako papalabas ng bahay nito. Siguro ay inaakala niya na aayawan siya ni Mama. Hindi naman totoo dahil tanggap na tanggap kami nito. Kahit nga ang asawa ni Mama na si Tito Paulo ay magiliw rin sa aming dalawa. Our half- sister, Cris, also wants us to go there too.
Hindi pa rin kami ayos ni Papa. Ilag siya sa akin at ganoon rin ako sa kaniya. Ilang beses kaming pinag- usap ni Lolo at Lola pero talagang hindi namin kayang tagalan ang presensya ng isa't isa nang hindi naiinis. Nalaman ko rin kasi kay Mama na kaya siya umalis noon ay dahil puro na nga sugal si Papa at pinipilit pa siya nito na makipagtalik sa kaniya. She was abused too. Hindi niya pinapakita sa amin at nilalagyan lang ng make up dahil ayaw niyang mag- alala kami sa kaniya. She found peace and happiness in her new family. Siyempre ay masakit sa akin 'yon. I often ask myself would it be the same if Papa weren't a gambler? Mas lalo pang sumasakit sa tuwing nakikita ko ang pagngiti ni Gabbi tuwing nakikita sila Mama at Tito Paulo. There is longing in her eyes that makes me want to hug her all night and say that I'll never leave her side.
"Bakit hindi ka pa sumabay sa amin, Bella? Kumain ka na rin. Ipagpapaalam nalang kita sa Manager mo." Umiling ako kay Tito at tumawa. Si Tito Paulo kasi ang may- ari ng mga restaurant na ito at siya ang nagpasok sa akin dito.
"H'wag na, Tito. Hindi pa po tapos ang shift ko."
Nagpaalam na ako sa kanilang apat. Nang gabi ring 'yon ay nakita ko si Can at Seraphine sa isang table. Napangisi nalang ako sa pinaggagagawa ng kaibigan ko. Ilang beses siyang dumalaw sa bahay namin at talagang sinisigurado na ayos ako. Pati si Seraphine ay masyadong malala ang pag- aalala sa akin kahit ilang beses ko na sinabi na ayos lang ako.
"At anong ginagawa niyong dalawa dito?" I pursed my lips as I saw how Seraphine gave me a smile and nudge her elbows to Can. Ang kaibigan ko naman ay nagbigay ng hilaw na tawa sa akin.
"Gusto lang namin tingnan kung talaga bang masarap ang mga pagkain dito. Ang taas ng ratings eh. Right, love?" Tanong ni Can sa girlfriend niya. Tumango ito at sumang- ayon.
Tinawanan ko silang dalawa at inilingan. "I told you I'm fine." Bumuntong hininga silang dalawa at parang hindi naniniwala sa akin.
"We just want to make sure you are really fine, Bella." Seraphine said while pouting.
Maaga akong nagising sa sumunod na araw. Inaabangan ko kasi ang bus na sasakyan papunta sa restaurant. Maaga kasing dumadaan iyon at mas makakamura pa ako.
"Alright. All smiles today, my lovely employees. Let's work!" Masiglang sabi ng manager namin. Ngumiti ako at isinuot ang apron.
Noong tanghali ay nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. Akalain mo nga naman na makikita ko pala dito ang isang ito. At mukhang naaalala niya ako dahil ngumisi ito sa akin. Sinuklay niya ang buhok niya sa harap ko.
"Glad I see you here and not on streets, Bella." Sabi sa akin ni Earl.
Pabiro ko siyang inirapan. "What are you doing here? You have a date?"
"Nah, I have a meeting. But I can be here for a date. 'Yon ay kung pauunlakan mo ako." I raised my brow at what he said. Lumawak ang ngisi niya sa reaksyon ako.
"Really, huh?" Pilya kong tanong. He lean on his seat and shot his brow up. Sa totoo lang ay gwapo si Earl. He has this bad boy looks. Iyon nga lang ay hindi mo malalaman kung sineseryoso ka ba nito o loko lang.
"Look, we meet for the second time again. It must be peculiar destiny, don't you think?" Tanong niya sa akin na tinawanan ko ulit.
"I assumed you are only joking with me." Sabi ko at pinaorder na siya. Ang sabi niya ay ako na daw ang bahala. That guy even winked at me as I walk away and told me to expect him to be here every day. Hinahanap ko ang pagtalbog ng puso ko. Hinahanap ko ang pakiramdam na nararamdaman ko kapag si Dimitri ang gumawa noon pero wala iyon.
Bumuntong hininga ako nang maalala na naman siya. I refrain myself from thinking of him dahil sa tuwing ginagawa ko ay sumasakit lang ang puso ko. I constantly miss him. At aaminin ko na hindi naman nawala sa akin ang pagmamahal sa kaniya. Iyon nga lang ay unti- unti akong nasanay na gumising sa umaga na hindi siya nakikita.
"Bella, ask table number four again."
Tumango ako sa manager namin. Dala ang notebook at nagsulat doon ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng table nila. Noong iniangat ko ang mata ko ay nagtama ang paningin ko at ng isang lalaking hindi ko inaasahang makita ngayon. Lumundag ang puso ko nang makita ang tingin niya na nag- aapoy na ngayon. Malayo sa tingin niya noong huli kaming nagkita na napakalamig.
Dimitri's jaw clenched when he saw my face. I almost stepped back and ran away but I didn't do that. Hindi ko kailangang matakot sa kaniya ngayon. Putol na ang ugnayan naming dalawa. Isang buwan nakalipas ay wala kaming ni ha at ho sa isa't isa.
Huminga ako nang malalim. I'll just act as if I didn't know he existed on this planet. I will just act as if nothing happened to the both of us.
Tama!
Ngayon pa lang kami nagkita. Hindi ko siya kilala.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...