Mabilis na lumipas ang oras ng paggayak ko at papunta na kami sa airport ngayon. Dimitri said we'll ride his private plane. Ang sosyal at yayamanin at parang sinampal na naman ako ng kahirapan. Si Kuya Garry ang naghatid sa amin. Magkakaroon din siya ng ilang araw na day off dahil aalis nga kami ni Dimitri at sino pa ang ihahatid niya sa kompanya? Nakita ko na ang eroplanong sasakyan namin. I was actually excited but at the same time I'm also scared because this is also my first time. Sabay kaming naglakad ni Dimitri at kinakabahan akong tumungtong sa hagdanan paakyat sa eroplano. Umupo ako sa gilid samantalang si Dimitri naman ay nasa gitna at nakapadikwatro pa.
Halos himatayin ako sa kaba noong i-a-announce ng piloto na lilipad na kami. Tiningnan ko si Dimitri at nakitang parang wala lang ditto ito. Sabagay, sanay na sanay na siguro siya dahil maraming bansa na rin naman siyang napuntahan. Ibang- iba kami dahil ako ay halos magdasal nang magdasal habang hindi pa lumilipad ang eroplano.
"Oh my," Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil sa sobrang kaba. Naramdaman ko ang lingon ni Dimitri sa akin kaya napakagat ako sa ibabang labi.
"Are you okay?" Tanong niya.
Napapikit ako at umiling. Ayaw kong makita ang itsura niya at baka mamaya ay pinagtatawanan na pala ako nito. A callous hand touches mine afterwards. Ibinukas ko ang mga mata ko at nakita na nakaupo sa tabi ko si Dimitri.
"Deep breaths, Bella. You're gonna be fine." Sabi niya na sinunod ko naman. He gently stroked my fingers. Ramdam ko ang pagdausdos ng malalamig na pawis mula sa leeg at ulo ko. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang paglipad namin. Dimitri continued to whisper words that helped me ease my mind. Minutes later, my breathing is back on its normal phase. Bumitaw ako sa hawak niya. "You're fine now."
"Thank you, Sir." Sambit ko na may tipid na ngiti sa labi.
He nod but he doesn't move away from me. Nanatili siyang nasa tabi ko, nakahilig ang ulo sa upuan at nakapikit ang mga mata. I watch him beside me. He looks so solemn when sleeping. Like an angel sent from above. In this side, you can see how much define his face is and how he looks so enchanting. Para kang nakakakita ng isang iskulpto na perpekto ang pagkakagawa.
"You enjoy staring at me, huh?"
Iniliko ko ang pagtingin sa bintana. How the hell does he even know I was staring at him? Isa ba siyang sundalo sa past life niya at ganiyan kaalerto? "Hindi naman eh,"
"You know you should try to sleep. Our flight will take thirty minutes, Bella. You can rest."
Agad akong umiling sa sinabi niya. I really wanted to but anxiety creeps in my head. I grew anxious that our plane might crash and something bad might happen. "No. No. Ayos lang ako, Sir."
Nilingon niya ako. He looks so concerned. "You're anxious that something bad might happen. Is that it?"
Dahan- dahan akong tumango at ngumuso. "Eh kasi naman, unang beses ko pa lang makasakay sa eroplano, Sir. Isa pa, ang dami kong nakikitang mga movie na kung ano- ano ang nangyari sa eroplano." Kinilabutan pa ako nang maalala ang ilang mga palabas na pinanood. He looks at me with amused eyes.
"Those were fictitious, Bella. But if you are really scared, I want to assure you, that if we go down, then we go down together." Sabi niya. I look deep into his eyes and was lost into it. Hindi ko alam ang nangyari at naramdaman ko nalang ang kamay niya sa pisngi ko. "I'm here. Don't worry. I will never leave you, Bella."
Parang tinambol ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog. Gusto kong magwala dahil nangyayari. I feel like a light has been shown to us. Our heated gaze stopped when we heard someone cleared her throat. It was the flight attendant. Ngumiti siya sa amin at saka binigyan kami ng pagkain. I'm not in the mood to eat but since it's already here, kinain ko na rin. We were silent after that. Dimitri seems to think of something too serious.
"I'm sorry." Sabi niya sa akin.
"Huh? For what?"
He swallowed the lump on his throat. "For touching your cheeks I'm sorry. I was just carried away. Hindi na mauulit. " Napapaos niyang sabi at saka inilihis ang tingin sa akin.
Just then, all my hopes were gone. Screw me for thinking something must've happen. "It's fine."
"You wanna do something?" Tanong niya noong nanahimik ako sa gilid. "We can play board games if you want. As long as it'll keep you awake."
Tumango ako sa kaniya. He asked for a board game and the attendant brought a World Monopoly table. Hindi pa niya alam kung paano iyon laruin kaya tinuruan ko siya.
"Oy, huwag mo masyado galingan!" Nakabusangot kong sabi nang bilhin ma naman niya ang isang country. I roll the dice and it went to a country owned by him again at napanguso ako dahil naka- hotel na ito kaya mas mahal ang bayad. Inabot ko ang bayad ko sa kaniya pero naghihilahan kaming dalawa dahil iyon nalang ang natitira ko. "Nilulugi mo ako. Madaya,"
He laugh at me. It looks so genuine. Look at that, mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa. Ngumingiti din kasi ang mga mata niya. "Paano ako naging madaya?"
Ngumuso ako nang i- roll na niya ang dice. Walang epekto, nag-land pa rin siya sa property niya. "Hindi na ako makikipaglaro sayo n'yan,"
"It's just a game, Bella."
"Kahit pa!" Pikon kong sabi.
"Alright, the next time we play, magpapatalo ako."
Minutes passed at siguro ay hindi na talaga niya kaya ang antok kaya hinayaan ko na ito na makatulog. Sinabi naman niya sa akin na kung may nararamdaman daw ako ay tawagin ko daw siya. Gamit ang isang malinis na papel at ang nahagilap kong lapis ay nagsimula akong gumuhit. I look around in and out of the airplane to find a subject to draw but I didn't found something that interests me. Not until my eyes focused on the man sleeping so soundly on my side.
I started to draw. I detailed his nose and lips. Ilang minuto ang nakalipas at natapos ko ang drawing ko. It was him sleeping while leaning at the seat.
Ngumiti ako nang pagmasdan ang ginuhit. I'm gonna keep this drawing so when the time comes that I don't have him anymore, I could look back to it. Because I know that deep inside, this will stop and I'm not waiting for that day. If only I could stop the time and freeze it, I will.

BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...