Para akong tangang dahan- dahan na naglakad sa bahay ni Dimitri kinabukasan, ayaw gumawa ng kahit anong ingay na magpapahiwatig na nandoon na ako. Nadaanan ko ang collection niya at nakita na nakalagay na roon ang badge. I smile as I now saw it is finally complete. Wala ng kulang.
Nagsimula akong magluto at nilagay ko na ito sa dining room. Saktong- sakto naman na bumaba si Dimitri na nakabihis na ngayon. My heart beats fast and my legs almost became jelly when I smell his scent.
Umupo siya sa harapan ko at uminom ng juice. "Where were you yesterday?"
Mas lalong dumagundong ang puso ko at halos himatayin. Pilit kong pinipiga ang utak sa kung ano ang isasagot sa kaniya. "I went home. Nilalagnat ako, Sir. I heard they surprised you?"
Tumango siya at mariin pa rin akong tinitingnan. "Are you okay now?"
"Binigyan ka daw ng regalo ni Maam Kristine. Maganda, Sir? Sabi nila Mikaela ay tuwang- tuwa ka daw," Napapaos kong sabi.
"Yeah. I completed my collection."
Tumango- tango ako para magmukhang interesadong- interesado. "Sayang at wala ako. Sorry pala, Sir. Hindi ko na talaga kasi kinaya, eh."
Umiling siya. "It's understandable. At isa pa, your cake taste really good. Can you make me one again?"
Tumawa ako at umiling. "Nako po! Pinagawa ko sa kaibigan ko 'yon eh. Huwag kang mag- alala, aaralin ko. Pero baka hindi kasing sarap noon."
He pursed his lips. "Learn it. I want you to make me one."
Tumango ako sa kaniya, ngumiti, at ikinalma ang sarili. Bakit ba laging parang mainit kapag nand'yan siya? "Doon na ako sa kotse, Sir. Hintayin ka nalang namin ni Kuya Garry." Sabi ko at saka mabilis pa sa kidlat na sumibat papalabas.
Nakipag- usap nalang ako kay Kuya Garry. Noong makita ko si Dimitri ay mabilis akong pumasok sa kotse na para bang nakakita ng multo. Sa kotse ko na diniscuss sa kaniya ang schedule niya. Wala naman siyang meeting ngayon kaya lang ay aalis siya mamaya kasama si Kristine. Kasama na naman niya si Kristine? Aba ay sumosobra na! Bebe time na naman silang dalawa, ah.
Napabusangot tuloy ako habang nakatingin sa salamin.
"Where is it again?" Tanong niya.
"Island Lepidus, Sir."
Parang bagong kasal na mag-ho-honeymoon. "Aish," Sabi ko at napabusangot.
"Are you alright?" Tanong niya mula sa likuran na upuan. Pilit akong ngumiti. Narinig pala.
Nang makarating sa opisina ay sumunod na agad sa kaniya si Kristine. Panay ang sabi nito na excited na daw siya at nagdala na siya ng maraming bikini dahil nagsiswimming din siya. I pouted. Dumukdok ako at nagpapadyak sa ibaba. Bakit ba ako naiinis?
Nawala ang pagdukdok ko nang marinig na bumukas ang pinto. Nakita ko na si Hernanda iyon. Umupo siya sa harapan ko. "Girl, what are you doing? Nabalitaan ko na si Kristine ang isasama ni Dimitri? Hindi pwede! That should be you!"
Bumusangot ako lalo. "She's the general manager of the company. What do you expect?" Sabi ko.
"Kahit pa. I'll find a way." Pagpupumilit niya.
"Teka lang, why are you even here? Bored ka na po ba sa mansyon mo?" Pang- aalaska ko sa kaniya.
Inirapan niya ako. "I'm here because I want to help you with Dimitri! Ang bagal mo eh."
Ako naman ang umirap sa sinabi niya. This old hag! Madaliin ba naman ako! I can't throw myself at Dimitri at baka lalong mas lumiit ang tiyansa ng gusto niyang mangyari sa aming dalawa.. "Anong gusto mong gawin ko? Idikit ang katawan ko lagi kay Dimitri? He won't fall for me. Baka nga mainis pa 'yon kapag gano'n ang ginawa ko."
"Oo!"
My eyes widen. "What the frog? Anong sinasabi mo diyan, Ma'am? Hindi ka magtigil! I'll never do that
"I know. Kaya nga nandito ako para tulungan na malapit ka sa kaniya. Don't worry, you'll go with him." Pang-aalaska niya sa akin.
"Teka, paano naman ang gamit ko? Wala pa akong gamit na nakaayos." Nag-pa-panic kong sabi.
"Don't worry about it."
"Oh wait, magpapaalam pa ako kina Lola. Payagan kaya ako noon?" Tanong ko.
"Gawin mo na ngayon dahil sasama ka sa kaniya." For the last thirty minutes, that was what I was doing. Nakapagpaalam ako nila Lola at muntik pang hindi pumayag pero mabuti nalang at nakumbinsi ko.
Pumasok kaming dalawa ni Hernanda sa opisina ni Dimitri. Gulat ang mukha ng Boss ko nang pumasok ang tiyahin niya sa loob dahil wala naman nga sa schedule niya ang pagdalaw nito.
"What are you doing here, Tita?" Tanong niya at saka binigyan si Hernanda ng isang yakap. Nakita ko naman sa isang tabi si Kristine na inikot ang kaniyang mga mata sa tanawin na iyon. Ano kaya ang nangyari sa dalawang ito at bakit parang galit nag alit sila sa isa't isa?
"I miss you Tri! Ang tagal na nating hindi nakapagkwentuhan. Can you tell me what is happening with your life?" Maarteng sabi ni Hernanda.
"Oh, I can't. I have a flight later after noon. But I'll promise I'll come over your place once I am done." Dimiri said gently, tinatantiya ang magiging reaction ng kaniyang tiyahin. But Hernanda being herself sigh overdramatically.
"Who are you going with?"
"Kristine." Nakita ko kung paano ma- shock ng kunwari si Hernanda sa sagot ng kaniyang pamangkin. Ang galing talaga ng isang ito. Talagang deserve ang award na best actress noong 90s, eh.
"Oh my! I just remember why I came here. Gusto ko sana na makausap si Kristine. I want an advice because I'm about to set up my own store. Alam ko naman na magaling siya sa mga ganitng bagay." Tumango- tango si Dimitri sa sinabi ni Hernanda. I can feel Kristine panicking as her eyes widened upon hearing those words.
"But Tri, hindi ba ay ako lang naman ang nakausap mong isama? Who would come with you if I won't?" Tanong niya.
"Bella can. By the way, great assistant, Tri. Beautiful and smart." Tiningnan ako ni Dimitri sa sinabi ng tiyahin niya.
"Is it okay with you?" Tanong ng Boss ko. I gulped and nod my head slowly. Napapalakpak ang tiyahin niya dahil doon.
"But Tri-" Ani ni Kristine na agad pinutol ni Hernanda.
"Kristine dear, don't you miss hanging out with me? We used to be the best of friends before,"
"Just go with her, Kristine. Bella and I can manage." Matamang saad ni Dimitri sa kaniya. Kristine sigh and look at me sharply afterwards.
Lumabas kami ni Hernanda ng office ni Dimitri. Binigyan niya kasi ako ng isang oras para makapaghanda. "Don't waste this chance, Bella. Make the best out of it." Paalala niya sa akin habang binibigay ang maleta na pinaimpake niya kay Krissy.
My heart beats fast. Damn. I will go in a trip with Dimitri.

BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...