Kabanata 16

690 11 0
                                    

"Mabuti at hindi ka pa nag-qu-quit sa trabaho?" Tanong sa akin ni Mikaela. Tumawa ako sa sinabi niya. Bakit naman ako mag-re-resign?

"Grabe, isang buwan ka na rin ah!" Sabi naman ni Angeline. "Sabagay, kahit dragon naman ang ugali ni Sir ay yummy naman ang itsura!"

"Kayo ah, tigilan niyo 'yan. Kapag narinig kayo noon," Natatawa kong banta.

Nagbidahan pa kami kasama si Simon na mukhang nahihiya pa rin sa akin pero nakikisalamuha na rin naman. Naging ka- close ko sila Angeline at Mikaela dito at ang dalawang 'yon ay crush na crush si Dimitri. Paano ay ang gwapo daw talaga at may something sa aura niya na manlalambot ka nalang at parang matutunaw. Totoo naman. Kaso ay dragon lang ang ugali. Akala mo bubuga ng apoy kapag hindi matino ang ginawa mo.

"Bella!" Narinig kong tawag nito mula sa office. Nanlaki ang mata ko pati na ang mga kasama ko. Halos itulak na nila ako palayo nang marinig ang boses ni Dimitri.

"Go, Bella. Galit na si Sir."

Kumaway ako sa kanila at iniwan ang cookies na kinakain. Hindi ko pa naman napapangalahati 'yon, eh. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang bad mood na itsura niya. Dahan- dahan akong naglakad papunta sa harap ng table niya at ngumiti nang pilit.

"Where were you?"

"Nasa table lang nila Angeline, Sir."

Umirap siya noong marinig akong sumagot at suplado niyang inilandas ang tingin sa akin. "I told you to pick up my call when I ring you. Nasa labas ka pala. Hindi ba at nasa office ka lang dapat?"

"We were drinking coffee. Bawal ba—"

"You always have answer on everything, huh? Great. Just great," Sarkastikong sabi niya.

I pouted. This brute! Bawal ba akong mag-merienda man lang? "Ano po ba ang kailangan niyo?" Naiinis na tanong ko ditto na ikinataas naman ng kilay niya.

"Are you upset?" Ngumiti ako nang matamis at umiling sa tanong niya kahit hindi naman iyon ang totoo. Dahil kung mamarapatin ay gusto ko na siyang tirisin ngayon. "Good. Fix your tone,"

"Ano po ba ang kailangan niyo?" Sabi ko sa malumanay na boses.

Nakita ko ang pagkurba ng labi niya. Talagang ayusin lang niya at kapag ako ang napuno ay sisigawan ko 'to nang bonggang- bongga. "I'll have a meeting with the Brits later at my house. I want you to be there. Note every highlights of our talk."

Tumango ako sa kaniya at napalingon kaming parehas sa pintuan nang marinig ang pagbukas nito. A hairless long leg wrapped around the door. Nanlaki ang mata ko dito. What the hell?

"Tri, mio caro—" Napahinto sa pagsasalita si Kristine nang makita ako. Kumaway ako sa kaniya at ngumiti at nang lingunin ko naman si Dimitri ay mayroon na namang hindi makapaniwalang titig sa mga mata niya. "What are you doing here?"

"May iniutos lang si Sir sa akin. Huwag kang mag- alala, aalis na rin ako Ma'am." Tinalikuran ko silang dalawa noon at bumalik na sa office ko. Ang mahaderang babae ay sinamaan pa ako ng tingin habang sinasara ang blinds ng office ni Dimitri. Naningkit ang mata ko sa kanila. Ang babaeng iyon! It is as bright as day that she likes Dimitri and she's practically throwing herself at him. Nainis akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa table nila Angeline. Wala naman na akong gagawin kaya hindi naman siguro tatawag 'yon.

"Gusto ni Kristine si Sir, 'no?" Tanong ko sa kanila. Nilingon ako nito noong umupo ako sa bakanteng upuan at tinanguan.

"Sinabi mo pa. Hindi nga siguro mabubuo ang araw ni Ma'am Kristine kung hindi pupunta sa office ni Sir."

Ngumuso ako dahil doon. Totoo naman. At hindi mabubuo ang araw niya kung hindi siya makakalingkis kay Dimitri. "You think something is going on between them?"

"Mukha. You know, casual relationships. Mukha kasing ganoon lang ang gusto ni Sir." Natatawang sabi ni Mikaela.

"Oo. At pasok sa gusto niya si Ma'am Kristine. Alam mo na, model like body. Alam mo naman ang lahat ng hook- ups n'yan ay puro supermodel at kung hindi naman ay mga high end celebrities."

Oh, great. I didn't pass all that qualities. Sinasabi ko na nga ba at nag- aaksaya lang kaming dalawa ni Hernanda ng oras. But thinking of what they said, Dimitri only likes casual relationships. Ano 'yon? He just fuck? At pagkatapos noon ay wala na? Nag- init ang pisngi ko nang maisip iyon. Him fu... Oh god! Corrupted na ang utak ko!

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Noong nasa tapat ng pinto ng office ni Dimitri ay idinikit ko ang tenga ko. Ano kaya ang pinag- uusapan nilang dalawa? Ano kaya ang ginagawa nila? Halos mapamura ako ng biglang bumukas ang pinto. Mabuti nalang at nakatayo ako nang maayos kaagad. Si Kristine ang nasa harap ko at si Dimitri naman ay nakaupo pa rin sa swivel chair niya.

"What?" Mataray na tanong nito sakin.

"Ah, tatanungin ko lang sana si Sir kung aalis na ba kami." Sabi ko dito.

Tumayo si Dimitri at saka sinuot ang coat niya. "Yeah, let's go."

"Where are you two going?" Tanong ni Kristine at pinaningkitan pa ako ng mata.

"Business, Kristine." Sabi ni Dimitri at nilagpasan siya. Kinuha ko na ang bag ko at hinabol siya na nasa elevator na kaagad. Tahimik kaming dalawa hanggang makarating sa bahay. Sabagay, hindi naman talaga masalita ang lalaki na ito.

May mga tagaluto na pumunta at nag-prepare ng iba't ibang dishes. Alas singko ng hapon nang dumating ang hinihintay naming dalawa. Mag- asawa 'yon, both in their mid- sixties, I guess.

"Dimitri! It's so nice to see you again," Sabi noong lalaki. His thick british accent fills the air. Ang astig. Para akong nasa loob ng international movie.

"It's nice seeing you too, Harold. And of course, the loveliest, Ophelia." Sambit naman ni Dimitri at saka kinuha ang kamay noong babae at iginiya sa labi niya. Her elegant laugh fills the air.

"And who's that lovely lady over there?"

Ngumiti ako at humakbang papalapit sa kanila. "I'm Bella, his assis—"

"You must be his girlfriend? Dimitri said that the next time we'll be back here, he'll show us his girl." Holden said.

"Must be the reason why he's always acing. You know what they say? There is a woman behind every successful man that acts as the inspiration. Well, it's nice to finally see his muse then,"

Nanlaki ang mata ko ngunit ngumiti pa rin. Saan nila nakukuha ito?

"Oh wait, that is true right?" Tanong ulit ni Harold.

Aalma na sana ako nang marinig ko ang pagak na paghalakhak ni Dimitri. He pulled my waist. Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya habang siya ay mayroong hilaw na ngisi sa mga labi.

"Yeah, that's true. She's the love of my life. My fiancée, actually. My Bella," Sagot niya na nagpalaglag ng panga ko.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon