"Bella!" Rinig kong sigaw ng isang tinig. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Marco at nagkawayan kaming dalawa habang naglalakad ako papunta sa kaniya. Nang makalapit ay binigyan ko ito ng isang yakap. Hindi ko na siya nakakausap gaano dahil hindi na din naman ako nakakapaggala- gala sa mga kapitbahay ko. Masyado akong nagging busy sa trabaho.
"Naks! Bagong polo ba 'yan? Saan ka pupunta?" Tanong ko dito.
Ngumiti siya at saka pinagpag ang balikat. "May date ako ngayon." Mayabang niyang sabi.
"Yabang mo, CoyCoy." Sabi ko. Sinimangutan ko siya nang tawagin ko sa palayaw na tawag sa kaniya noong musmos pa lamang. Ayaw na ayaw niyang naririnig 'yon. Pero ang cute kaya. "Sino naman?"
"Si Gail. Finally, finally, finally!" Natawa ako nang lagyan niya ng tono iyong huling mga salita, parang bata. Paano ba namang hindi matutuwa 'yan kung dati pa lang ay crush na crush na niya si Gail? Naalala ko nga noong may karosa sa amin ay halos makipagsuntukan siya maka-partner lang ang babaeng gusto niya. Wala ka namang maipipintas kay Gail dahil mabait na, maganda pa. Katulad ko nga lang din ay hindi siya nakapag- aral ng kolehiyo dahil kulang sa pera.
Nakita ko ang paglapit ni Gail sa amin. Kinawayan ko siya at kumaway naman siya pabalik na mayroong malawak na ngiti sa labi. Halos matawa ako sa itsura ni Marco dahil parang maiiyak na ito nang makita si Gail na nakaputing dress.
"Date pa lang to, Coy. Hindi pa kayo ikakasal." Biro ko.
Ngumiti siya sa akin. "Sorry, nadala lang."
Tumawa ako at tinapik ang balikat niya. Tiningnan ko ang phone at nataranta na naman nang makita ang oras. Sinadya ko talagang maaga umalis ngayon dahil natatakot akong ma-late katulad ng nangyari noong nakaraan.
"Alis na ako! Ingat kayo ah!" Sabi ko habang naglalakad papalayo.
Nang makapara ng taxi ay pinadiretso ko ito kaagad kina Dimitri. Naabutan ko ulit si Kuya Gary na nagpupunas ng sasakyan, para na niyang baby ang black na SUV na lagi niyang idina-drive.
"Magandang umaga, Kuya!" Masigla kong bati.
"Magandang umaga rin, Bella." Nakangiti niyang bati pabalik.
"Nagkape ka na po ba? Gusto mo timplahan kita?" Tanong ko.
Umiling siya, may ngiti pa rin sa mga labi. "Hindi na. Uminom na ako sa bahay."
Pumasok na ako sa bahay ni Dimitri. Nagulat ako nang makita siyang nakahilig sa table top at nakakrus ang braso, nakaputing shirt lang ito at jogger pants at mukhang kagagaling lang sa gym. Malamig ulit ang titig niya sa akin na para bang isang kasalanan na sumulpot pa ako at nagpakita sa harapan niya. Tingnan mo nga! Ano ba ang problema nito?
"You're late." Gulat ko siyang tiningnan. Ano daw?
"Huh?" Naguguluhan kong sabi.
Inginuso niya ang orasan. "You're one minute late. You always arrived at seven before,"
Napanganga ako sa kaniya at may pagtatanong sa mga mata habang siya ay iiling- iling lang at nilagpasan ako. Ang laki ng problema ng lalaki na ito sa akin. Para siyang buntis na ako ang pinaglilihan kaya laging naiinis. Ano kaya ang ginawa ko sa kaniya? Kapag ako ang nabwisit ay kokonyatan ko talaga siya.
Hanggang makarating sa kompanya ay puro sama na naman ng loob ang lumalabas sa bibig niya at hindi nalang ako nagsasalita dahil baka lalong magalit. Hinayaan ko nalang siya sa trip niya sa buhay.
"Sir, tapos na daw ang renovation ng isang hotel. Kung gusto niyo daw ay puntahan niyo para mas makita niyo nang maayos." Tumango siya at tumayo. "Sasama po ba ako?"
![](https://img.wattpad.com/cover/314783780-288-k220919.jpg)
BINABASA MO ANG
Pay The Price
Roman d'amourIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...