"Bella, Sir Everett wants you!" Napapikit ako nang mariin nang marinig ang tawag ng manager namin. Padabog akong tumayo at pumunta sa pwesto ng manager namin.
Umiling ako sa kaniya at nagmamakaawang tumingin. "Ma'am, I can't go to him. Ilagay niyo na ako sa kahit anong table, paglinisin niyo na ako ng buong restaurant, paakyatin niyo pa ako sa bubong. Huwag niyo lang akong dalhin sa lalaki na 'yan."
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone sa bulsa ko. Nakita ko ang pag-ring nito.
Dimitri
Come here.
Dimitri
I want you, Bella.
Umiling ako dito. Hindi niya ako madadaan sa pagan'yan- gan'yan niya. Kung akala niya ay kaya niya akong utusan ngayon ay hindi niya 'yon magagawa. Hindi ko siya boss. Ang boss ko ay ang manager ko. At ang boss ng manager ko ay si Tito Paulo.
"Ma'am, please. H'wag ako. Ayaw ko diyan," Sabi ko.
Huminga nang malalim ang manager namin at saka may pinapunta na isang katrabaho ko. Ngumiti ako nang pagkalapad- lapad noong makita ko ang bugnuting mukha ni Dimitri.
"Hay nako, Bella! Kung hindi ka lang mabait at maganda ay hindi kita papayagan na hindi ako sundin. Kapag ako ay nasisante sa trabaho ay iiyak talaga ako."
"Hindi ka masisisante, Ma'am. H'wag kang mag- alala."
Nag-serve ako sa maraming table. Talagang iniwasan ko nga lang ang parte kung nasaan siya at kung magkakatinginan man kami ay agad akong umiiwas at mabilis na lumalayo. Pinunasan ko ang batok ko nang mapunta sa locker room at nagpalit ng puting shirt dahil pawis na pawis na naman ako. Tumunog na naman ang phone ko, hudyat na may nag- text. Napairap ako dahil alam ko naman na si Dimitri lang iyon.
Dimitri
I won't get up until you come here.
Eh 'di huwag! Sino ang tinakot niya? Hindi ko siya sisiputin kahit anong sabihin niya. Hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya kahit pa gamitan niya ng pera at koneksyon. Ako ang magpapatunay at babali sa napakakulit niyang ugali.
"Bella? Puntahan mo na si Sir Everett! Kinakabahan na si Ma'am Andrea dahil masama na ang timpla niya. Baka daw mangsisante."
Umiling ako kay Via. "Ako na ang bahala. Aalis rin iyan." Sabi ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at saka ako iniwan.
Inilabas ko ang cell phone ko at nag- unat unat. Talagang sa text na ito ay lalambot si Dimitri. Baka mabilis na tumawag ng magkukuha ng order niya.
Bella
Tingin mo ba ay ikina- cute mo ang pagiging consistent na hindi nagsasabi ng order kung hindi ako? Hindi ako natutuwa, Dimitri. Hindi ka nakakagawa'ng progress diyan. Hindi ka umuusad sa linya kaya malabong-malabo kitang payagang kausapin ako. Kaya kung gusto mong paunlakan kita, sabihin mo ang order mo sa isang kasamahan ko.
Pinanood ko siya mula sa pwesto ko na sabihin ang order sa isang kasama ko. Ngumiti nang malaki si Ma'am Andrea sa nakita. Naglakbay ang paningin ni Dimitri, siguro ay hinahanap ang tingin ko para sabihin na sinunod niya ako. Pamaya- maya lang ay tumunog na ang cell phone ko ulit.
Dimitri
I already did what you told me to. Harapin mo ako ngayon, Bella.
Asa siya. I have so many things on my list and talking to him isn't one of it. Noong bandang pahapon na ay nakita ko ang mabilisan niyang pagtayo sa upuan. May kausap ito sa telepono at dire- diretso papalabas ng restaurant. Sino kaya ang kausap niya? Baka si Kristine at hinahanap na siya. Grabe ang bilis lumakad. Madaling madali, ah. Ano? Sabi ba ng girlfriend niya? Bakit pa ba kasi siya pumupunta dito? Ano bang gusto niya? Ang makita lang akong mainis?
Nag- uunat ako habang naglakad pabalik ng bahay namin. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Marco kaya ngumiti ako at kumaway sa kaniya.
"Coy!" Sigaw ko at saka tumakbo papunta sa kaniya.
"Kamusta na ang pinakapaborito kong kaibigan? Mukhang ngumingiti na ah!" Pang-aalaska niya sa akin. Paano akong hindi ngingiti kung nakita ko kung paano tumiklop ang isang Dimitri Everett?
"May ibibida ako sayo!" Nakangisi kong sabi. Pumasok ako sa cafe nila at saka ko ikwinento sa kaniya ang pagpaparamdam ni Dimitri. Tuwang- tuwa pa ako noong kinekwento na ilang araw ko nang pinaghihintay si Dimitri. Deserve lang niya.
"Pero, Bel, hindi ka ba na-cu-curious kung ano ang sasabihin niya? Baka naman importante talaga," Sabi niya sa akin.
I pouted. "Curious rin. Pero natatakot ako sa kung ano ang sasabihin niya sa akin. Naduduwag nga ako, Coy."
Naramdaman ko ang paglandas ng braso niya sa balikat ko. "Pero kailangan mo rin siyang pakinggan, Bella. Pinakinggan ka niya dati, diba? Pagkatapos mo malaman ang gusto niyang sabihin, saka ka magdesisyon kung gusto mo ba talaga siyang layuan o siya pa rin talaga."
Tumango nalang ako kay Marco. Siguro kung wala ang lalaki na ito ay talagang gugulo ang pag- iisip ko.
Huminga ako nang malalim at naupo sa bench ng park. Nag-text na ako kay Dimitri kanina- kanina lang na gusto ko siyang makausap. Ilang minuto lang ang lumipas at nakita ko ang paghinto ng sasakyan sa harapan ko at mabilis siyang lumabas roon. Madilim ang paligid pero nakakita ako nang liwanag nang lumabas siya sa sasakyan. Hinipan ng hangin ang buhok niya habang papalapit siya sa akin. Napatayo ako sa kinauupuan nang magpantay kaming dalawa at nagningning ang mata niya nang makita ko.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...
