Kabanata 52

531 11 0
                                    

"Would that be all?" Kinakabahang tanong ko. Napalunok ako nang maramdaman ang pagsunod ng mata ni Dimitri sa bawat galaw ko.

"Yes." Sabay- sabay nilang sabi. Earl winked at me once again. I heard a scoff from the unknown man on my side.

"Alright, your orders will be served in a few minutes." With a heart beating so fast, I walk out of them after giving them a slight smile.

Napabuga ako ng hangin nang maibigay sa mga nagluluto ang order ng table nila Dimitri. Kahit pa noong nakatalikod ako at umalis na ay nararamdaman ko pa rin ang pagkapit ng tingin niya sa akin.

"Via! Ikaw na muna ang magbigay ng order ng table four. Parang hindi maganda ang pakiramdam ko eh," I apologetically said.

Tumango ang katrabaho ko sa akin at saka ako sinalat sa noo. "Nako! Nanlalamig ka. Para kang nakakita ng multo ah! Sige na. Doon ka muna sa locker room at magpahinga saglit. Kapag ayos na ay saka ka nalang bumalik."

Namumula ang mukhang bumalik ako sa locker room at i-ni-lock ang pinto. Nagtitili- tili ako roon. "Bakit mas gumwapo siya? At bakit ganoon siya kung makatingin?" Tanong ko sa sarili.

Umiling- iling ako dahil pumalya ang plano na hindi magpaapekto sa kaniya. Mukhang ayos lang naman siya. Mukha ngang hindi man lang niya inintindi ang paghihiwalay naming dalawa. Sabagay, may Kristine naman siya para pumawi ng lungkot niya. Samantalang ako ay malungkot at iyak nang iyak gabi- gabi. Halos maubusan na ako ng tubig sa katawan kakahagulgol tuwing naaalala siya. Halatang- halata nga sa katawan ko na may pinagdaanan dahil bumagsak ito ng sobra. At bakit parang ako lang ang naapektuhan? Bakit parang ako langang nasaktan? Bakit? Ako lang ba ang nagmahal? Tinanong pa niya ako kung totoo daw ba ang pagmamahal ko, dapat pala ay ibinalik ko sakaniya iyon. Mukhang kaswal lang sa kaniya ang lahat eh.

"Kumalma ka, Bella." Sabi ko at saka huminga nang malalim. "Babalik ka rin sa dati momg estado. Ang ex mo nga ay parang walang pinagdaanan. Ikaw rin. H'wag kang mag- alala." Pagpapalubag loob ko sa sarili. Sa kalagitnaan ng pagkakalma ko sa sarili ay ibinukas ko ang pintuan at nakita ang isang kasama na may kukunin pala sa locker niya. Sana naman ay hindi niya narinig ang pinagsasabi ko. Baka akalain noon na baliw ako dahil kinakausap ko ang sarili.

Lumabas ako at pumunta sa comfort room ng restaurant. Binasa ko ang mukha ko ng tubig at tiningnan ang sarili sa salamin. "Wake up, Bella. Mukhang isang araw mo lang naman makikita si Dimitri. Kaya mo 'yan."

Ngumiti ako at tinatagan ang sarili. Isang araw lang naman siguro. Hindi naman na siguro babalik 'yon. Kinabig ko ang pintuan ng rest room at sa sobrang gulat ay impit akong napasigaw. Nakita ko ba naman si Dimitri na nakahilig sa dingding sa harap at noong makita ako ay umayos siya ng tayo. Ayaw kong maging assuming pero hinihintay ba ako nito? At kung oo ay bakit?

Hindi ko siya pinansin at dire- diretsong naglakad. Nanlaki ang mata ko nang hilahin niya ako. How dare he touch me with the hands that touches Kristine? Baka akala niya ay hindi ko alam na may nangyari sa kanilang dalawa. Paano ko ba naman makakalimutan iyon eh halos ipagduldulan sa akin ni Kristine.

"Bella," Nanginig ang balahibo ko sa katawan nang tawagin niya ako. Hindi ako pwedeng magpakita na naapektuhan ako. Hindi ako pwedeng magpakitang kinakabahan na naman at sobrang bilis ng puso.

"Anong kailangan mo, 'Sir'?" I emphasize the word 'Sir'. Matapang ko iyong tinanong sa kaniya.

He chuckle mischievously after hearing what I just said. Nag- apoy ang tainga at pisngi ko roon kaya buong lakas na kinuha ko ang kamay ko mula sa kaniya. Napakagat pa siya ng labi at aliw na aliw na hinawakan ang pang- ibabang labi. Ano ang nakakatawa? Ginagawa ba akong katatawanan ng lalaki na ito?

"Sir, huh? Don't act as if you don't know me, Bella."

Napabuga ako ng hangin. Ano ba ang gusto niyang gawin ko? Yakapin at halikan siya? Asa siya! Hindi mangyayari iyon kahit gusting-gusto at sabik na sabik kong gawin. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko kung hindi ay ako na naman ang kawawa sa dulo.

"Well, I forecefully forget the unnecessary things that happened to me." Sabi ko sa kaniya.

He cleaned his jaw this time. Lumapit siya sa akin. He towered over me. "Really? And I am one of those 'unnecessary things' you left behind?"

I smile at him. Pinantayan ko ang kasarkastikohang ipinapamalas niya. "Oo, Sir. Kaya umalis ka na at bumalik sa table mo. Ayaw kong makipag- usap sa iyo at wala akong balak."

Nakita ko ang pag- igting ng pang niya sa mga binitawan kong salita. What? Did I struck a nerve?

Mabigat ang yabag kong bumalik sa
pagseserve ng table. Iniwasan ko ang table nila hanggang huli. Habang nagpupunas ng table ay nararamdaman ko ang pa- gvibrate ng cell phone at ang pagtunog nito na naghuhudyat na mayroong nagtext.

Napanguso ako noong makita ang text roon.

Dimitri
 Expect me to be at the restaurant where you are working. You won't get rid of me easily until I get you to talk to me again.

What the hell?

Just what the hell does he want?

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon