Isang tili ang tumakas mula sa akin nang buhatin ng katrabaho at ihagis sa tubigan. Kahit na sabihin kong hindi ako mahilig sa swimming ay hindi ko matiis na hindi sumama lalo na at natutuwa ako sa mga itsura nila na talagang nag- e- enjoy. Napapunas nalang ako sa mukha at saka tiningnan ang mga kasama ko na nagtatawanan. Ilang minute lang akong nagbabad sa tubigan bago napagpasyahang maglakad paalis sa dagat at pumunta na sa sun lounger kung nasaan ang twalya. Napagdesisyonan ko na rin na maupo na muna roon dahil ayaw ko na na magbilad pa. Paano ba naman ay pakiramdam ko ay tustang- tusta na ako.
Tumunog ang cell phone ko at nakita na si Dimitri ang nag-send ng mensahe kaya agad ko itong binuksan.
Dimitri
I'm at your room waiting for you.Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Magtataka na sana ako kung saan niya nakuha ang keycard ng room namin pero naalala ko na sakaniya nga pala ang hotel na ito. Ibinalabal ko ang twalya sa balikat at naglakad papasok sa hotel. Noong makarating nga sa kwarto ay naabutan ko siya na nakaupo sa sofa roon at mabilis siyang tumayo nang makita ako samantalang pinagkrus ko naman ang braso ko sa harap niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko sa kaniya.
Hinitak niya ako papalapit sa kaniya at saka pinaupo sa hita. "Are you angry at me?" Malambing niyang tanong sa akin habang ang tungki ng ilong ay naglalaro sa gilid ng leeg ko.
Bumuntong hininga ako. Hindi naman ako galit sa kaniya. Sa nakikita ko naman ay hindi niya binibigyan ng atensyon si Kristine at ang bruha lang na iyon ang dikit nang dikit. Ngumuso ako at saka siya tiningnan sa mata. "Bakit ba kasi ang gwapo mo?"
He chuckle at me and tucked the strand of my hair behind my ears. "Genes, baby." Mayabang niyang sabi kaya hinampas ko ang balikat. Tumawa lang ito kaya napairap ako.
"Alam ni Kristine na tayo na diba?" Tanong ko sa kaniya.
Tumango siya sa akin at bumuntong hininga. "I had to tell her. Ang kulit niya eh. I'm sorry."
Umiling ako sa kaniya habang nakabusangot pa rin ang mga mukha. "Ayos lang. Hindi ko lang maisip kung bakit ganoon ang trato niya sa iyo kahit alam niya na may girlfriend ka na. Are you that close, Tri?"
He shakes his head. "I don't know why she's acting so strange. I made it clear from the very start that I cannot offer anything more than friendship with her. H'wag kang mag- alala, lalayuan ko siya, Bella."
He took my hand and brought it to his lips. I smile lightly at him, napawi na ang lungkot na kanina pa bumabagabag sa akin.
My phone beeps. Nakita ko ang text ni Mikaela na nagtatanong kung nasaan ako dahil paakyat na daw sila para magbihis dahil pupunta kami sa bar mamaya.
"I think you have to go now. Paakyat na sila. Sasama ako mamaya dahil pupunta raw silang bar. Hindi naman ako masyadong iinom doon. Gusto ko lang silang pagbigyan," Sabi ko sa kaniya na tinanguan niya lang. I just commend him for being so understandable. Mature nga dahil hindi ako pinagbabawalan sa mga ganito. Alam niya kasi na kaya ko kaya gagawin. Hindi tulad ng ibang lalaki na dinaig pa ang magulang ng mga girlfriend nila sa pagbabawal kahit na sa maliit na bagay lang.
"Call me later." Aniya at saka ako pinatakan ng halik sa labi bago lumabas ng kwarto namin.
Kinagabihan ay katulad ng sinabi ko kay Dimitri ay hindi ako uminom ng marami. Nakaisang alcohol lang ako at panay juice na ang ininom samantalang ang mga kasama ko ay lupaypay na naman sa dami i-tri-ny na alak. Hawak ni Simon si Mikaela at ako naman ay si Angeline nang ihatid namin ito papunta sa kwarto namin.
"Thanks, Sim." Nakangiti kong sabi at nagpakawala ng maluwag na paghinga nang tingnan ang dalawang kaibigan na komportable . Ngumiti lang sa akin si Simon at nagpaalam na na babalik sa kwarto nila para magpahinga.
Naligo ako pagkatapos. Ang mga kasama ko ay mahimbing na natutulog habang ako ay nagsusuklay ng buhok sa harap ng vanity table nang maka-receive ako ulit ng text galing sa boyfriend ko.
Dimitri
I'm outside your room.Itinabi ko ang mga gamit ko at dahan- dahang lumabas ng kwarto, kabadong- kabado na makagawa ng ingay at magising ang mga kaibigan. I smile as I look at him. Kaming dalawa nalang siguro ang gising dahil malalim na rin ang gabi.
"Let's walk at the seaside." Aya niya sa akin.
Ngumiti ako at tumango. He held my hand as we got up to the elevator. Malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad kaming dalawa sa dalampasigan. Wala ng tao ditto, madilim ang langit, at tanging ang ilaw na tanglaw ng buwan at mga bituin ang tanging gabay naming dalawa. Naupo kaming dalawa sa buhanginan at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.
"My days these past few weeks have been so beautiful because of you, Bella." Sabi niya.
Napakagat ako sa ibabang labi iharap niya ang mukha niya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. I felt his lips on mine. It was so soft and tender and the kiss is very magical as well. Para akong isang prinsesa na nakaranas ng kaniyang true love's kiss.
Alas kwatro ng umaga akong nagising kinabukasan na may matamis na ngiti sa labi. I'm about to meet Dimitri again dahil apagkasunduan namin na pumunta sa isang simbahan sa malapit. I just want to go there and thank Him for Dimitri. He just knew that Dimitri is the one that I yearn to be with the most. That Dimitri is someone I have been waiting for ever since.
"Good morning, my beauty. How was your sleep?" Tanong sa akin ng boyfriend ko at saka piangsiklop ang kamay naming dalawa.
"It was good. Ikaw?"
"Good as well. You were in my dream last night." He said with a sly smirk in his face. Kinulit ko siya sa detalye ng panaginip niya at awtomatiko akong nagsisi nang marinig ito dahil namula lang ang pisngi ko nang magsimula siyang magkwento sa kung ano ang ginawa namin sa panaginip niya.
Nakapunta kami sa simbahan. May misa nga roon at naabutan namin noong nasa kalahati na. I smile at him. Ngumiti rin siya sa akin at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.
Pagkabalik sa hotel ay binitawan ko agad ang kamay niya nang makita ang mga katrabaho. Kunwari ay kumaway ako at gulat silang nakita pati na si Dimitri. Huminga siya nang malalim na para bang sinasabi na 'ito na naman'. I look at him apologetically. It's not like we have a choice. Kailangan kasing ganito ang gawin.
"Galing ka sa parking lot?" Takang tanong sa akin ng katrabaho na tinanguan ko naman.
"Naglakad lakad kasi ako kanina at nag- ikot sa hotel." They bought my alibi and nod. Noong tanungin naman si Dimitri ay sinabi niya na galing siya sa pagtakbo. Nagpaalam na rin ito at umakyat na sa floor niya.
"May chika ako sa inyo! Mayroon ata sa ating magkakatrabaho ang mag- jowa!" Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang sinabi ng isang katrabaho. Ininom niya ang kape at saka isa- isa kaming nilingon.
"Paano mo naman nasabi, Princess?" Tanong ng katabi kong si Angeline.
"Kagabi, noong lumabas ako at sumilip sa bintana, nakita ko sa dalampasigan ang magkasintahan. Nag- kiss! Malakas ang pakiramdam ko na isa sa atin iyon." Ani Princess.
"B-Baka naman ibang turista." Nahihiya kong sabi Ngunit umiling- iling lang ang katrabaho ko.
"Trust me, Bella. Isa talaga sa atin ang magkakatrabaho iyon. Kailangan nalang nating alamin kung sino. Pag nalaman 'yon ni Sir Dimitri ay magagalit. Sabi pa naman niya ay strictly prohibited daw ang work relationship." Pagrarason ni Princess.
Parang gusto kong magpakain sa lupa. Paanong hindi ko malalaman kung sino ang naghalikan sa dalampasigan eh kaming dalawa lang naman ni Dimitri ang naroroon kagabi.

BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...