It was a loud screech of a car that made me woke up. Hinarangan ko ng braso ang mga mata dahil nasisilaw ako sa puting ilaw na bumungad sa akin. Sinubukan kong itaas ang braso ngunit tinakasan agad ako ng pag-aray nang mapagtanto na naka-cast ang kaliwang braso ko. Napaupo ako at napaawang ang bibig nang makita kung nasaang lugar ako. Bakit nasa hospital ako?
"Nurse! Bakit ako nandito? Sinong nagdala sa akin?" Kinakabahan kong tanong sa isang nurse na papalapit sa akin. Nilapitan niya ako at pinahiga ulit kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya.
Sa orasan ay nakita ko na alas onse na ng gabi, isang oras na ang nakalipas magmula noong umalis ako sa bahay. May nakita akong tinawag ng nurse. Pumunta siya sa isang lalaki na kausap ang isang doctor at may pag- aalala sa mga mata niya noong lumapit sa akin.
"Are you okay? May masakit pa ba sayo? How about your head? Does it hurt?"
Tiningnan ko lang siya. "Sino ka?" Tanong ko dito.
Napabuntong hininga siya at umupo sa upuan sa tabi ng kama ko. He took a deep breath and closed his eyes. "I found you lying on the streets. Some asshole ran their car over and hit you. I was concerned so I brought you here." Pinaningkitan ko siya ng mata ngunit inosente lamang ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Oh, come on. I'm not lying, sweetheart."
Huminga ako nang malalim. Siguro ay noong narinig ko ang busina ng sasakyan at mabunggo nito ay nawalan na ako ng malay. Wala akong maalala, eh. Kung hindi rin pala ako makakaalala, sana ay makalimutan ko na rin ang parte ng buhay ko na nakilala si Dimitri. Sana makalimutan ko kung gaano kasakit ang magmahal. Bakit ba kasi ako nakarating sa punto na puro ganito ang nangyayari sa akin? Puro kamalasan!
"Gusto ko nang umuwi." Sabi ko sa kaniya. Not in my house, though. Pupunta muna ako kay Can.
"Sure. Ihahatid kita,"
Umiling kaagad ako sa kaniya. Kinunotan ako ng noo ng lalaki na 'yon. Hindi naman sa judgemental pero I didn't even know his name. Bakit ako sasama sa kaniya? "Huwag na. Pahiram nalang ako ng phone. Magpapasundo ako."
Hindi na siya nakipagtalo pa sa akin at inabot na ang phone galing sa bulsa. Tinawagan ko si Can at halos magulat ito nang sabihin ko kung nasaan ako. Ang sabi ko ay huwag siyang mag-panic pero sinabihan pa rin niya ako na halos tumalon daw ang puso niya noong marinig ang sinabi ko.
Iniangat ko ang tingin noong makita na naglalakad papalapit sa akin ang lalaking nagdala sa akin sa hospital. Narinig kong sabihin ng doctor ang pangalan niya. Earl. Lumapit siya sa akin pagkatapos and I handed him the phone.
"Thank you, Earl." I smile lightly at him.
"How did you know my name? Stalker ka ba?" Makapal rin ang mukha ng isang ito, ah.
"Asa. Narinig ko lang," Sabi ko at inginuso ang doctor na tumawag sa kaniya kanina.
He smirked at me. "Mauna na ako. Naayos ko na lahat at lalabas ka nalang. I hope the next time I saw you, you won't be lying unconscious on the street."
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Kumaway pa ito sa akin at saka umalis na. Kabadong-kabado naman si Can noong makita ako at halos buligligin ako nito ng mga tanong hanggang sa makarating kami sa bahay niya.
"Nag- away nga kami ni Papa. Tapos nabangga ako ng isang sasakyan na iniwan ako sa kalsada. May tumulong sa akin at dinala ako sa hospital."
He gritted his teeth. "Ipapahanap ko kung sino ang bumangga sa iyo."
Umiling ako sa kaniya at pagod siyang tiningnan. "Can, let's just call it a night. Magpahinga na tayoo. Bukas nalang tayo mag- usap. Promise, sasagutin ko lahat ng tanong mo."
Tumango siya sa akin at saka ako pinapunta sa guest room at doon pinagpahinga. Bumuntong hininga ako noong maalala na naman ang nangyari sa amin ni Dimitri. Tears build up on my eyes again. Pinakalma ko ang sarili ko pero wala akong nagawa at umiyak nalang hanggang sa makatulog. How ironic that I tell Can that we should rest yet here I am crying my eyes out again.
Pagkagising ay pagod akong bumaba mula sa guest room. I scan around to find Can but I failed. Isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin. It was Dimitri at salubong ang kilay niya na may pagtataka na tumingin sa akin. What is he doing here?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya na may galit sa mga mata. Imbes na sumagot ay tumalikod ako at mabilis na naglakad papunta sa pintuan. Just when I was about to open it, inihilig niya ako roon at kinulong sa dalawa niyang kamay. Galit na galit ang ekspresyon niya. It is far from the Dimitri who adores me so much you could see hearts is his eyes. Poot at pagkamuhi nalang ang mayroon ngayon. "I ask you what are you doing here? Ano, Bella? Si Can ang susunod mong target dahil tapos na ako?"
Tears stream down my face as I heard how ice cold he sounds right now. Sarkastiko siyang tumawa at umiling iling.
"Ah, that damn fucking tears. Go on. Cry in front of me. Hindi mo na ako maloloko."
I deserved this. Paulit ulit kong sinabi sa utak ko. Sana ay sinabi ko na sa kaniya dati. Sana ay umamin na ako.
Dumaan ang sakit sa mata niya. "You know what I was hoping when Kristine said those words that fucking killed me? I was hoping you would say no. I was hoping you would say that she's the liar." He gritted his teeth. "Bella, tumakbo ka papalayo. You broke my heart when you started stepping away from the company. Pinamukha mo sa akin na ginamit mo lang talaga ako. Pinamukha mo sa akin na totoo ang sinasabi ni Kristine."
Hindi pa rin ako nagsalita. Sumasakit na ang puso ko kakaiyak. "I didn't think you were capable of doing that. You were lying in front of me without even blinking an eye. Iyon pala may plano ka. From the moment you step in my house, you already have a plan. Bakit mo nagawa 'yon? I didn't thought you were capable of tearing someone's heart to pieces right after you put it back together."
I don't know what Kristine told him pero sa tingin ko ay dinagdagan niya ito. She made Dimitri believe that I was even more evil than I could ever be.
"Was your love true or is it just a show? The night we slept together, was that a show too? Lahat ba ng iyon palabas lang?" Gustong- gusto kong sabihin sa kaniya na hindi. Gustong- gusto kong sabihin sa kaniya na totoo ang pagmamahal ko sa kaniya. But would he believe? He is now seeing me as a liar. Hindi na iyon mababago pa.
"You know what? I think you are right. Hindi ka bagay sa pagiging assistant, Bella." Piniga ang puso ko nang sabihin niya iyon. His bloodshot eye is focused on me. "I think you should be an actress. Because you throw a goddamn act so well you fucking made me believe that there is a heaven when you are slowly burning me in hell."
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomantikIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...