Bumaba ako sa hagdanan ng bahay niya mula sa kwarto na ang suot na lamang ay isang itim na t- shirt at boxer shorts. Naabutan ko ito na nagtitimpla ng hot chocolate at ngumiti siya noong makita ako kaya mabilis akong pumunta sa kaniya para yumakap. He hugged me too as if we haven't seen each other in a while. Pero ang totoo ay ilang minuto lang naman mula noong nagbihis ako.
"Call me over acting but I really miss you on that span of minutes. I don't want to be away from you. Not even a second." Dimitri said while he kissed the top of my head.
"Ikaw naman. Syempre hindi pwede 'yon." Nakanguso kong sabi.
"I know. But I still hate that idea," Sabi niya at saka pinatakan ng halik ang pisngi ko. Lumayo muna siya para kuhanin ang baso at ilagay sa living room kung saan nakabukas ang fireplace at ang TV. Iginiya niya ako paupo sa sofa at tutok ang mata ko sa palabras noong makaupo kami. It is a romance film. Ang gwapo ng bida pero mas gwapo ang lalaking nasa tabi ko.
"Drink this. I made it." Sabi niya. Hinawakan ko ang cup at saka hinipan ito bago inumin. The hot chocolate tastes so good. I didn't know he had a hidden talent. Sabagay, ano ba ang hindi kayang gawin ng lalaki na 'to? Parang lahat ata ng talent ay sinalo niya.
"Ang sarap," Sabi ko.
He raised his brow at parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Really?" He asked.
"Oo!" Sabi ko sa kaniya at ngumiti.
"I better taste it then,"
Iniabot ko sa kaniya ang baso ngunit inilagay niya lang ito sa coffee table sa harap. I stiffened when he went for my lips and kiss me. He sucked it, tasting the chocolate that was left on my lower lip. Namumula ang mukha ko nang tingnan ko siya pagkatapos. Siya naman ay mayroong malawak na ngisi sa labi. "Ang sarap nga."
Nakanguso lang akong humarap sa panonood sa palabas. Hindi ko masasabing ayaw ko pero mukhang matatagalan bago ako maka-adjust sa kapilyuhan ng lalaking ito. He pulled me closer to him and put his arms on my shoulders. I guess I'll be spending the night here. Gabi na rin kasi at hindi pa tumitila ang ulan. Nagpaalam na ako kina Lola pero sinabi ko na kailangan lang ng kasama ng kaibigan ko at mabuti nga ay pumayag sila. I told Dimitri I'll tell them soon but the very place we have to keep our relationship private is the office.
"Why would we hide it, Bella? Let them know." Sabi niya sa akin.
Umiling kaagad ako at naningkit ang mata na tiningnan siya nang may maalalang sinabi niya. "H'wag! Remember you were the one who said that workplace romance is prohibited?"
"But I'm the Boss. I could bend the rule."
Umiling pa rin ako at pinagkrus ang braso sa harapan niya. "H'wag mong gamitin ang kapangyarihan mo, Dimitri. A rule is a rule. At isa pa, we'll let them know slowly. Hindi naman natin kailangang madaliin ito, diba?"
He bit his lower lip, a smile formed in his lips as he pulled me in for a hug. "Alright. Don't be mad at me. We'll do what you want,"
Later that night, we had a hard time sleeping. Hanggang alas dos ay mulagat pa rin ang mga mata namin at nagtatawanan sa kwarto niya. I keep on telling him a childhood story of mine because he asks what I was like when I was a kid. The next morning, we woke up happy and contented. Sabay kaming nagluto ng umagahan at sabay rin kaming kumain.
"You're done?" Tanong niya na tinanguan ko. Mabuti nalang at naiwan ko pala dito ang damit ko noong nag- inumin kami nila Simon kaya pialabhan niya iyon at itinago. Nabanggit niya na rin iyon sa akin noong mga nakaraang pasok ko na kuhanin ko lang daw pero dahil maraming trabaho ay nakalimutan ko.
"I smell like you," Nakanguso kong sabi at saka inamoy muli ang blazer na suot.
Ngumisi siya. "Isn't it great?"
Noong makarating kami sa sasakyan ay tinanong ako ni Kuya Garry kung bakit ang aga ko daw. Sinabi ko nalang na may ginawa ako kaya maagang nakarating sa bahay. Siguro ay nagtataka rin 'yon dahil pinaupo ba naman ako ni Dimitri sa tabi niya at hinawakan ang kamay ko sa buong byahe. Pagkarating sa opisina ay pinuntahan ako nila Angeline sa opisina ko. Tinatanong ako nito kung naka-recover na daw ba ako sa hangover dahil sila din pala ay absent kahapon at si Simon lang ang nakapasok dahil siya lang naman ang hindi lasing sa aming apat.
Napasandal ako sa kinauupuan nang singhot- singhutin ako ni Mikaela na para bang aso ng mga pulis na naghahanap ng ebidensiya sa isang krimen. Tiningnan niya ako. "Amoy lalaki ka,"
Napakagat ako ng labi ng sabihin niya 'yon. Umamoy rin sa akin si Angeline at tinanong ako kung bakit daw kaamoy ko ang pabango ni Dimitri. "Kayo naman! Baka dumikit lang. Alalahanin niyo lagi akong nakaputpot doon."
They didn't buy that but I was glad when Dimitri called me. He closed the blinds of his office and turn the glass to black when I went there. Pagkapasok ko ay hinila niya kaagad ako sa hita niya. He hugged my waist while he puts his head on my shoulder and sniffed my neck.
"They said I smell like you. Siguro sa susunod ay dadalhin ko ang gamit ko para hindi nila ako pinaghihinalaan." Walang pag-aalinlangan kong sabi sa kaniya.
He smirked at me wickedly. "Oh? So there will be a next time, huh? I can't wait."
"Tigilan mo 'yan, Dimitri. Hindi ko na nga dadalhin. Hindi na ako pupunta. Bahala ka sa buhay mo." Nahihiya kong sabi. He chuckle and pulled my hands off my face when I covered it because of the redness.
"Nah, I'm only kidding, baby. But you can really bring your things to my house. You should bring clothes too," Sabi niya sa akin at saka ako hinalikan ulit sa labi. Isang mabilis na halik lang iyon dahil nag-ring ang phone ko pagkatapos.
Nakakalong ako sakanya habang sinasagot ang nasa kabilang linya. Pagkatapos kong makipag- usap ay hinawakan ko ang malambot niyang buhok at hinaplos- haplos ito. "You have a meeting in ten seconds. Halika na dahil tinawagan na ako ng team at tayo nalang ang hinihintay."
Tumango siya sa akin na para bang maamong alagang tuta at sabay kaming pumunta sa conference room. In the middle of the meeting, I tried so hard not to listen to the team presenting but his gaze never let me succeed.
"What?" I mouthed without a sound. Umiling siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Itinago ko 'yon sa pinakailalim dahil natatakot na baka makita. "Stop looking at me."
"Can't help. You stop being so beautiful first." He said in a low voice. I blushed and turn my look away from him that earned a cocky grin from him. Damn his moves and the way he made my heart race. He made me feel like a teenager in love again.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...