Tahimik sila noong bumaba ako ng kwarto kinabukasan. I can feel Papa wants to talk to me but I avoided him before he could even do so. Nagpaalam ako na aalis lang at magtatrabaho. Lola asked where I will go but when Papa gave her a meaningful look, she closed her mouth. Siguro alam na nila. Sinabi na siguro ni Papa.
Bumuntong hininga ako nang tumapat sa malaking pinto ng mansion at pinindot ang doorbell. Nakita ko naman ang isang kasambahay na mabilis na dumalo at binuksan ang pintuan. Ngumiti ako sakanya ng tipid.
"Sa garden tayo. Hinihintay ka na ni Madame Hernanda." Tumango nalang ako at sumunod sakanya. I wish I could run away. Pero alam ko naman na walang pag- asa. At kahit anong gawin ko ay hindi ako makakatakas dahil nakakadena ako.
Nang mapunta kami sa garden ay nakita ko ang malaking pool. Nasa gilid noon si Hernanda na nakaupo at nakaharap sa table. Ibinaba niya ang juice na iniinom at kumaway sa akin noong makita ako. Tinanguan ko lang siya at mabilis na pumunta sa harap niya.
"How are you, dear? Did you have a good sleep?"
I scoff. "How can I have a good sleep? Bangungot ang nangyari sa akin,"
Tumawa siya at hinampas ang braso ko nang pabiro. Close ba kami? "Ikaw talaga! Mapagbiro ka! I like that about you. Sige na Gina, ikuha mo siya ng merienda." Sabi niya sa katulong na nasa gilid.
Umirap ako sa kawalan. "Ano ang gagawin ko dito? Bakit mo ako pinatawag?"
"Nakalimutan mo? You're supposed to learn everything about my nephew. The one you'll be married soon enough,"
"At paano kung hindi gumana ang plano mo? Paano kung ayawan ako ng pamangkin mo?" Tanong ko.
Umiling siya. "Kaya nga tuturuan kita ng paraan para mahulog siya sayo. He'll like you. Maganda ka. At kung matuturuan ay mahuhuli mo siya."
That's completely absurd and impossible. What if his nephew is so hard to please? What? Do I have to kneel and beg for him?
"Teka nga, sino ba ang sinasabi mong pamangkin mo?" Tanong ko sa kaniya.
Itinaas niya ang kamay niya at may pinindot sa cell phone. Pagkatapos ay iniharap niya ito sa akin.
"Dimitri Everett."
Halos himatayin ako sa nakita kong larawan. Medium tanned skin tone, slicked back dark hair, sculpted face, define jaw, thick groomed brows, deep set of steely chocolate brown eyes fringed with long sweeping lashes, greek narrow nose, luscious lush lips, and well- groomed stubble. He looks rough and dominant in his black suit. Parang hindi marunong ngumiti.
Oh, no way! This is the guy I shouted at! Ang sinabihan ko ng kutong lupa!
Naramdaman ko ang aking pamumutla sa nakita. Napansin rin iyon ni Hernanda kaya tinapik niya ako. "Are you okay?" Nag- aalalang tanong niya.
"S-Siya ang pagtatrabahuhan ko?" Tanong ko.
Tumango siya sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Napasigaw pa ako at bakas roon ang pagkamuhi.
"Why? Kilala mo si Tri?" Tanong niya.
Kilalang- kilala. Mayabang na lalaki na kala mo ay kung sino at abot langit ang tingin sa sarili. Dimitri pala ang pangalan niya. Umiling- iling akong paulit- ulit at saka tumayo mula sa kinauupuan.
"Nope. This plan won't work. That guy probably hates me to the core." Sabi ko. Umiling- iling ako lalo kaya kumunot ang noo niya.
"Anong sinasabi mo? Care to share it to me?"
"Aalis na ako. Nagsasayang tayo ng oras dito, Mrs. Everett." Sabi ko at akmang tatayo nang bigla niyang pinukpok ang lamesa. Nagulat ako dahil ang lakas noon kaya dahan- dahan akong bumalik sa pagkakaupo.
"Sabihin mo sakin kung bakit ganiyan ang reaksyon mo, Bella. Hindi ako manghuhula."
I pouted and drink the juice in front of me before proceeding to talking. "Ganito kasi 'yon. We met at his hotel. I dropped the drinks in his clothes so it stained. Nagalit siya. Nagalit rin ako dahil kung ano- ano ang sinabi niya. I called him names. He got super angry." Nakangiwi kong sabi.
"What did you call him?" Tanong niya.
I swallowed the lump in my throat and smile sweetly. "Kutong lupa,"
She hysterically leans in the back of her seat upon hearing what I said.
"Jesus Christ!" She gasped.
"Kasi nga ay kung ano- ano ang sinabi niya. Sabihin ba naman na nagpapapansin ako sa kaniya. Eh hindi ko naman siya kilala." Nakanguso kong sabi.
Pumikit nang mariin ang kausap ko at huminga nang malalim. Halatang pinapakalma ang sarili.
"It's okay. It's okay. It's okay." Sabi niya at ngumiti sa akin pagkadilat.
"Paanong naging ayos 'yon? That guy will probably fire me once he land his eyes on me" Sabi ko.
"Babawi ka, diba? Kaya aaralin mo ang mga gusto at ayaw niya. You'll get to know him so you won't be stupid enough to call him 'kutong lupa'. And he won't be angry with you again. It's as simple as that."
"Siya naman kasi ang may kasalanan!" Pag- alma ko.
"Ang pangit kasi ng itinawag mo!" Hindi na ako nagsalita. Tama naman. Pangit nga pero kahit pa. Deserve niya 'yon.
Namutawi ang saglit na katahimikan sa aming dalawa. May ibinulong siya sa isang katulong at pagbalik noon ay may binder na na dala na iniabot sa akin. I confusedly look at her.
"What is this? Anong gagawin ko dito?"
"Titigan mo. It might turn pages on its own." Sarkastiko niyang sabi kaya sumama ang tingin ko. "Syempre, babasahin mo!"
Pagbuklat ko sa pahina ay nakita ko ulit ang mukha ni Dimitri. Sa mga susunod na pahina ay naroroon ang personal na impormasyon nito. I saw that Hernanda is his uncle's wife.
"Read all of it. Kailangan ay kapag tinanong kita bukas ay may masasagot ka." Sabi niya sa akin. Ano 'to? Teacher siya at estudyante ako?
"Teka nga. Madami- dami din ito Ma'am!" Reklamo ko.
Pinandilatan niya ako kaya nanahimik ako. Parang tigreng mananakmal.
"Basahin mo 'yan ng buo. Buo, Bella. Get to know him. And tomorrow we'll give you a makeover. Para naman hindi ka mukhang bruha kapag humarap sa kaniya."

BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...