"Seriously? Kailangan ko talagang maaral ang mga 'to? 'Yon ba ang papansinin niya? At maglalagay pa ng make up?" Tanong ko.
Tumango sa akin si Hernanda. Nasa mall kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit walang tao. Kaming dalawa lang at ang mga employees. Sobra ba ang yaman nila at nirentahan niya ang buong mall?
"Of course, dear."
"Bakit? Nakalagay sa pinabasa mo, Dimitri like girls who are simple and natural." Nakanguso kong sabi habang nakasunod sa kaniya na kung ano- anong make- up product ang inilalagay sa dala kong basket.
Nilingon niya ako at pinaningkitan ng mata. Inosente akong tumingin. "Yes, he does. But that doesn't mean you won't wear any make up. Mas pagagandahin ka lang habang hindi tinatanggal ang natural na ganda mo."
Kanina ay kung ano- ano ang itinanong niya sa akin tungkol kay Dimitri. Syempre, dahil nagbasa ako ay nasagot ko. Ang galing ko na 'to. She's even impressed at that. Dapat lang.
"Pati damit? Tuturuan din ako?" Nakangiwi kong tanong na tinanguan niya muli.
"What? You're expecting to wear those? You can't wear baggy jeans and oversize shirts at work." Tiningnan ko ang suot at saka ngumuso.
"Maganda naman ah,"
Tumingin siya sa akin at parang tinatanong kung sigurado ba ako sa sinasabi ko. Nagkibit balikat ako at sinundan nalang siya.
Pagod akong habang nakabuntot kay Hernanda. Hindi pa ba kami uuwi? Kanina pa kami nag- iikot dito. Bakit kaya hindi nalang niya binili ang buong mall para hindi na kami napagod kakalakad?
"Bilis! Let's go to the salon," She squealed in delight like a teenage girl. Walang laban akong sumunod sakanya. Sinabi niya kanina na may bayad rin naman daw ang ginagawa ko na ito at binigay nga niya. Kaya lang ay sobra palang nakakapagod.
Para siyang si Dora.
Oh wait, if she's Dora and I'm her tag along, that means I'm Boots. Anak ng! Huwag na nga. Naging unggoy pa ako.
"Hi Bestie!" Sabi niya sa baklang nasa harap at saka nagakapan silang dalawa.
Ngumiwi ang bakla nang tingnan ang buhok ko. "Sino ka? Nagsusuklay ka ba ng buhok, hija? Hindi kasi halata, eh." His face is now filled with disgust as he look at the top of my head. Parang isa akong naglalakad na basura. Masasapatos ko ito.
"Krissy, stop it. This is Bella. I want you to give her a makeover."
Ngumiti ang bakla kay Hernanda. "Of course I will. Don't worry, paglabas niya ng salon na ito, baka hindi mo na siya makilala."
Ngumuso ako at tiningnan ang buhok sa salamin. Hindi naman ganoon kagulo at bagsak nga lang din.
"If you want to make her Dimitri's type, let's dye her hair blonde then. Alam mo naman, sa balita, puro blonde ang lumalabas na rumored girlfriend ng pamangkin mo." Tiningnan ko si Krissy at sinamaan ng tingin. "Ah! Ah! Sinasamaan ako ng tingin ng bata mo."
"Ayaw ko! Huwag niyong subukan." I roared like an angry tiger.
"Tama naman si Krissy. Tri seems to date blondes." Hernanda said.
"Sinasabi ko sa inyo, if you really do that, tatakbo ako dito kahit may ganito ang buhok ko. Para niyo na ring pinatay ang alaala ng nanay ko kung gagawin niyo 'yan. At hindi ako nagloloko, hindi niyo na ako makikita kahit kailan. Mawawala akong parang bula." Sunod- sunod kong sabi.
Halatang gulat sila sa sinabi ko. Their eyes widened and reluctantly look at me. Tinaas ni Krissy ang kamay niya habang si Hernanda naman ay ngumiti nang matamis.
"Alright sweetie, we won't. Right, Krissy?" Kumapit sa kaniya si Krissy at tumango.
"Yeah. Mas maganda nga kung ganiyan. And maybe she'll set the record of the first black haired girl Dimitri date."
Hindi ko nalang pinansin si Krissy nang sabihin nito na nakakatakot daw ako. Matakot talaga siya dahil kakalmutin ko siya.
Natapos kami at nagpaalam na sila sa isa't isa. Hinatid ako ni Hernanda sa bahay namin at mabilis akong pumasok para ilagay ang mga gamit. Nagulat pa ako nang makita sina Lolo at Lola na nakaabang sa akin.
"Saan ka galing?" Tanong nila.
"Trabaho po?" Nag-aalangan kong sagot. Kumunot ang noo nila at tiningnan ang sandamakmak na paperbags na bitbit ko.
"Trabaho? Bakit ang dami mong dala? At bakit umunat ang buhok mo? Trabaho ba talaga 'yan?" Tanong ni Lola.
"Trabaho nga po." Sabi ko at mabilis na umakyat sa kwarto. Inilagay ko ang mga gamit sa drawer ko at nagsimulang magbihis ng pambahay.
Nakita ko si Papa na nasa kusina ngunit nang makita akong pababa ay lumabas siya ng bahay. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at kumuha na ng gatas at saka umupo sa sofa sa sala. Nandoon si Lola at nanonood ng drama na kinaaadikan niya samantalang si Lolo naman ay tulog na tulog sa tabi niya.
"Ikaw, Bella. Napapansin ko na hindi mo kinakausap ang Papa mo. Masama 'yan." Pangangawal sa akin ng Lola ko.
I pursed my lips and bring the glass of milk to my mouth. "Wala naman po akong sasabihin sa kaniya, Lola."
"Alam ko na may hindi kayo pagkakaintindihan ng Papa mo pero sana ay intindihan mo siya, Bella. May problema din ang tao na 'yon."
Lahat ng problema ng tatay ko ay ako ang sumasalo kaya saang banda ko siya iintindihin noon? Paano ko siya iintindihin kung ang problema niya ay katumbas ng paghihirap ko?
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...