Kabanata 53

543 13 0
                                    

Tiningnan ko ang mga bituin sa itaas ng kalangitan habang nakaupo sa baitang sa harap ng aming bahay. Malamig ang simoy ng hangin at giniginaw na ako dito pero gusto ko rin naman ang pakiramdam na hatid nito. Kumabog ang dibdib ko noong maalala ang text sa akin ni Dimitri kaya binuksan ko ulit ang cell phone ko para tingnan 'yon. Ano ang ibig niyang sabihin na hindi siya titigil hanggang hindi niya ako nakakausap? Akala ko ay tapos na kaming dalawa? Na tapos na ang lahat sa amin noong sinabi ko sa kaniya ang gusto kong sabihin? Na tapos na ang lahat sa amin pagkatapos kong humakbang papalabas ng bahay niya?

Pumikit ako nang mariin nang maramdaman ang pagkirot ng ulo. Talagang kapag si Dimitri na ang iniisip ko ay napipiga ang ulo ko. Hindi ko alam pero para talaga siyang isang puzzle na napakahirap buuin. Para siyang math problem na mahirap i- solve. Para siyang code na napakahirap i- decipher. Ang hirap niyang intindihin pero ang puso ko ay sa kaniya pa rin tumitibok. Kanina noong nagkita kami, doon palang tumalon ang puso ko sa sobrang saya. Noon ko palang ulit naramdaman na mabuhay sa pangalawang pagkakataon. Para akong na- revive. Pero buo pa rin ang desisyon ko na sa lubos na aking makakaya ay lalayuan ko siya. Natatakot na kasi akong madikit sa kaniya. Panandalian lang ang saya at sobra ang lungkot na kapalit. Nakakatakot. Natatakot ako na baka kapag pinagbigyan ko ulit ang sarili ko sa pangalawang pagkakataon ay ako pa rin ang kawawa sa huli.

Nagulat ako sa pag- upo ni Papa sa gilid ko. Naupo siya katulad ng upo ko. Kaya napausog pa ako para mas makaupo siya nang maayos. I just get pissed at him because he keeos on coming back to the phase that made him miserable. I know it's hard to stop the old habits but he should at least try to forget about it. Siya kasi ay hindi man lang sinusubukan. Panay lang pangako, lagi namang napapako.

"Kamusta?" Tanong niya sa akin.

I gritted my teeth and look down. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.

"Ayos lang." Maikli kong sagot. Narinig ko ang buntong hininga niya sa sagot ko.

"Ang laki na ng ipinayat mo, Bella. Subukan mong magpahinga muna at magkakain." Tumango nalang ako sa kaniya. Yumuko lang ako at hindi pa rin siya tinitingnan. Sa gilid naman ng paningin ko ay nakita ko naman siya na pinapanood ako. "Dito ka muna sa bahay. Ako na muna ang magtatrabaho."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at doon ako napalingon. "May trabaho ka na?"

Ngumiti siya nang tipid at tumango. "Noong mga nakaraang linggo ay naghahanap ako kaya lagi akong wala sa bahay. Maayos naman ang sweldo at halos kamukha lang ng sa iyo." Pinagsiklop niya ang dalawang kamay. "Naisip ko kasi na tama ka. Na nagiging masyado akong pabaya at inaasa lang sayo ang lahat. Noong umalis ka noong gabi na 'yon ay halos hindi ako pinatulog ng konsensiya ko, anak. Masyado kong inisip ang sarili ko at dumating sa punto na hindi ko na kayo napapansin. Na kailangan niyo pala ng tatay na magtataguyod sa inyo."

Napayuko ako. Was I harsh at him that night? Siguro ay oo. Pero hindi ko din naman masisi ang sarili ko. Sobrang dama ko nang iniisip noon.

"Para akong nadudurog noong nakita kita na umiiyak dahil kay Dimitri. Halos hilingin ko na sana ako nalang ang nakararanas ng sakit na nararamdaman mo. Ako ang may kasalanan noon eh. Ako ang gumawa ng gulo kaya ako dapat ang magbayad." Tumawa siya nang mapakla. "Duwag ako, anak. Nahihiya ako dahil ako ang tatay mo pero ako pa ang nagpapabigat sayo. Kung hindi naman sana ako nangutang at pumayag sa gusto ni Hernanda ay hindi ka sana masasaktan ng ganoon."

"Hayaan mo na, 'Pa. Tapos naman na 'yon. Kalimutan na natin." Sabi ko sa kaniya.

Umiling siya sa akin. "Hindi ako nangangako dahil sabi mo nga ay laging nauunsiyami. Pero anak, ako na muna ang gagawa ngayon. Pagtuonan mo muna ng pansin ang sarili mo. H'wag mo muna kaming intindihan, Bella. Unahin mo muna ang sarili mo."

Masayang masaya ako sa narinig pero hindi ako pwedeng umalis sa trabaho ko. Isang buwan pa lang ako doon.

"Hindi pwede, 'Pa. Nakakahiya naman kay Mama at Tito Paulo kasi sila ang nagpasok sa akin. Siguro ay hanggang July lang ako. Mag- aaral kasi ako ulit ng kolehiyo. Tutulungan ako ni Mama at saka susubok rin ako na makakuha ng scholarship."

Nanlaki ang mata niya sa akin at saka ngumiti. Tumawa ako. "Aba! Talagang maisasakatuparan mo na ang pagiging pintor! Iyon ang gusto mo diba?"

Natanong kasi ako ni Mama nang kukunin ko kung sakaling bumalik sa kolehiyo. Sinabi ko na gusto kong ipagpatuloy at mahasa ang galing ko sa pag-drawing at pagpinta. Simula bata pa lang kasi ako ay iyon na ang hilig ko. Nahinto nalang dahil sa pagtatrabaho pero paminsan- minsan ay gumagawa pa rin ako ng artwork. Kaya sa susunod na school year ay sinabi ni Mama na tutulungan niya raw ako na makapasok sa isang art school.

"Miss me?" Tanong sa akin ni Dimitri nang makaupo siya sa upuan sa harap ko. Inirapan ko naman siya nang marinig ang boses nito.

"Jenna, ikaw ang kumuha ng order dito." Sabi ko sa kasama kong waitress. Dimitri's brow shot up. Sinamaan ko siya ng tingin nang makita ko ang pag- angal nito.

Naikwento ko kay Can ang pinaggagawa ng pinsan niya. Tumawa siya sa sobrang pagkainis ko dito. Ang kaibigan ko na iyon! Imbes na samahan akong mainis ay tinawanan pa ako. Ang sabi niya ay may nararamdaman daw siyang kakaiba. Baka daw nagpapapansin sa akin si Dimitri. Ang sabi ko naman ay wala akong balak pansinin ang lalaki na iyon.

Nag- ikot ikot ako hanggang sa iaassist si Earl na talagang tinotoo ang papunta rito. Akala ko ay nagbibiro rin siya.

"Anong order mo?" Tanong ko sa kaniya at saka hinawakan ang papel at notebook.

"How about a kiss from you? Yeah?"

"Not available," Tinawanan niya ako kaya pati ako ay natawa na rin. Hindi ko maramdaman na may gusto siya sa akin. Siguro ay katulad lang ni Can. He just simply flirts with everyone. Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos niyang sabihin sa akin ang order. Nagpaalam ako na ibibigay na muna sa chef namin ang order niya para ma- serve na.

"Bella! Bella!" Sigaw ni Manager. Nagulat ako roon kaya lumapit ako sa kaniya agad. Hinihingal niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Great! You're here. Pwede bang puntahan mo si Mr. Everett doon? He's being grumpy! Ayaw niyang ipakuha ang order niya kung hindi raw ikaw."

"Bakit hindi natin paalisin, Ma'am? Nanggugulo lang 'yan dito." Naiinis kong sabi noong marinig na nagpapapansin na naman si Dimitri.

Nanlaki ang mata ng manager ko. "We can't! Ako ang masisisante sa gagawin natin!"

"Bakit, Ma'am? Sino ba ang lalaki na iyan?" Takang tanong ko.

"May malaki siyang share sa chain ng restaurant na pagmamay- ari ni Sir Paulo. Ngayon ko nga lang nalaman dahil kasasabi lang ni Sir. Noong nakaraan lang ata sila naging magpartner. Kaya nga sabi ni Sir ay i-entertain raw."

Umusok ang tainga ko at namula ang pisngi dahil sa narinig. Nagmadali kong pinuntahan ang table ng nakapa- krus ang mga braso na si Dimitri. Talagang gagamit siya ng koneksyon ang lalaking ito!

"Anong ginagawa mo?" Galit kong tanong sa kaniya. He pursed his lips, acting innocently.

"Anong ginagawa ko? Umoorder sa inyo?" Tanong niya.

Napabuga ako ng hangin at pilit na kinalma ang sarili. "Dimitri, bakit ako ang hinahanap mo? Bakit hindi ka pa umorder sa kanila?"

Ngumisi siya nang marinig akong magsalita. Aliw na aliw siyang tumingin sa akin.

"Ah, you finally said my name." Nakangisi niyang sabi.

"Stop whatever game you're playing. Wala akong plano na patulan ka sa laro na sinusubukan mo." Nagpupuyos kong sabi. He pursed his lips, hiding the ghost of smile on his lips.

"Nah. If this is the only way to be able to talk to you even if you're angry, I'll do it. I'd rather see you fuming mad at me than cold as ice."

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon