"Bella, sa table two,"
"Bella, pakidala sa last table. Bilisan mo at kanina pa naghihintay ang mga 'yon."
"Bella, pakilinis ang isang table. Umalis na ang mga customer oh!"
"Bella, may natapon!"
"Bella! Tawag ka ni Manager Poly!"
"Bella!"
"Ah!" Sigaw ko habang kapa ang dibdib. Mabilis akong umupo galing sa pagkakahiga at napasapo sa noo nang mapagtanto na panaginip lamang pala ang lahat. Sa sobrang pagkaabala ko sa trabaho ay sinusandan ako nito hanggang sa panaginip.
Lumabas ako ng kwarto pagkatapos gumayak at magbihis. Ginising ko na rin ang bunsong kapatid na pupungas- pungas na nagpunta sa banyo para maligo. Nang makarating sa kusina ay nakita ko si Lola na naghahanda ng almusal, si Lolo na nagkakape at nagbabasa ng dyaryo, at si Papa na nakahiga sa isang sofa at mahimbing ang tulog. Panigurado ay kauuwi lang nito galling sa pakikipag-inuman kasama ang mga kaibigan sa kanto.
"Bella, kumain ka nang kumain. Ang payat mo na," Pangaral sa akin ni Lolo.
Napatingin ako sa braso ko at napagtantong lumiit nga ito. Siguro ay dala ng pagod sa trabaho.
"Magbabaon na lang ako, 'Lo. Alam mo naman na hindi ako kumakain sa umaga," Nakangiwi kong sinabi.
Bumuntong- hininga si Lola at walang nagawa kung hindi sundin ang sinabi ko. Habang nag- aayos ng gamit ay nakita ko ang pagbaba ng kapatid. Suot niya ang unipormeng isang pares lang dahil 'yon lang ang kayang ipatahi ng sweldo ko.
"Ang ganda naman ng kapatid ko na 'yan!" Pang- uuto ko dito at saka niyakap. Umalma siya ngunit hindi ko pa rin binitiwan.
"Syempre, Ate. Ako lang naman ang kapatid mo!"
"Kumain ka na nang mabilis pagkatapos ay aalis na tayo." Tumawa ako at kinurot ang pisngi niya na agad namula. "Nga pala, nakabili ka na ba ng gamit sa project niyo?"
Sumubo siya ng pagkain at pagkatapos ay tumango. "Opo. Nilibre ako ni Jacob."
Ngumiti ako nang pilit at mapait na lumunok. If only the money that I earn from being a waitress is enough, she would've bought it herself. Not with someone buying it for her.
Hindi bale, bawi nalang sa susunod.
"Oo nga pala Bella, naubos na ang pera na hawak ko." Sambit ni Lola na ikinapantig ng tainga ko at ikinakunot ng noo. Kabibigay ko lang sakanya noong isang linggo, ah?
"Bakit, 'La? Kabibigay ko lang noong isang lingo, diba? At isa pa, hindi ko naman nakita na namili ka na ng grocery natin."
Bumuntong- hininga siya at nilingon ang tatay ko na mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon. "Humingi ang Papa mo. Idaragdag raw niya sa pambayad ng utang para mas mabilis na makabayad."
Liningon ko ang tatay ko na tulog pa rin hanggang ngayon. Sobrang laki ng utang niya pero mabuti nalang at nakakabayad kami kahit papaano. Paano ba naman kasi ay masyadong naadik sa pagsusugal. Sometimes, I get frustrated at him for depending on me too much to the point that he is not doing anything other than lying down on our house. But at the same time, I also feel sorry for him.
"Huh? Eh, binibigyan ko naman po siya ng pera para doon. Dapat sana ay hindi niyo nalang binigyan, 'La."
Umiling siya. "Hayaan mo na Bella. Hindi rin naman ako nanghihingi. Sinasabi ko lang sayo nang sa gayon ay alam mo ang nangyayari. Ikaw ang nagtatrabaho kaya karapatan mo 'yon."
Ngumuso ako at tumango sa sinabi niya. Binunot ko ang wallet sa bulsa at kinuha ang natitirang isang libo na ilang linggo ko pang inipon. Inabot ko 'yon sa kaniya at noong tinatanggihan ay pwersahan ko nang inilagay sa kamay. Hindi naman pwede na hindi ko ibigay sakanya dahil wala silang kakainin.
"Ano 'to? Ang sabi ko ay huwag na, Bella."
"Si Lola naman. Kuhanin mo na po."
"Paano ka?"
Ngumiti ako tulad ng laging ginagawa. "Ayos lang po ako. Meron pa,"
Natapos kumain si Gabbi at inihatid ko na siya sa kanto kung saan sila nagsasabay ng kaklase niyang si Jacob. Kumaway ako dito at pinagmasdan sila habang naglalakad. Kinuha ko ang wallet at saka nagsimulang magbilang ng barya para sa pamasahe. Kung malapit lang sana ang restaurant na pinagtatrabahuhan ay nilakad ko nalang ito. Kaso naman ay malayo at mag- aamoy potro ako bago makarating dito kung gagawin ko 'yon.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbibilang nang marinig ang busina ng sasakyan sa gilid. Halos tumalon ang puso ko dahil dito at nahulog pa nga ang baryang nasa palad. Masama ang tingin ko habang pinupulot ang barya at nang lingunin ang may- ari ng kotse.
Sino ang kumag na ito at nang masapak ko lang.
"Sakay na, Miss." Nakangising baling ng isang pamilyar na lalaki nang maibaba ang salamin ng sasakyan.
Agad na natunaw ang inis ko nang makita si Marco.
"Yabang." Mataman kong sabi at saka pumasok sa sasakyan niya. Matalik kong kaibigan ang isang ito at halos kabisado na nga namin ang isa't isa.
"Sa restaurant? Nandoon na ba si Gail? Daanan na natin." Sabi niya habang minamaniobra ang sasakyan.
"Nauna na at may inaasikaso." Nakangisi kong turon. "Ikaw naman, masyadong halatang gustong- gusto si Gail!" Natatawa kong sabi.
Umirap siya sa akin. Nagkwentuhan kaming dalawa habang nasa byahe at nang makarating sa restaurant at makalayo ang sinasakyan niya ay nagpahabol pa ako ng kaway.
Tiningnan ko ang sign board ng pinagtatrabahunan na nasa harapan ko ngayon at bumuntong- hininga habang pinapagpag ang pantalon at hinahawi ang buhok.
"Okay Bella. Time to make a living,"
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...